Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
KRRW Aug 2017
Putik
na nabuo
mula sa luha
at alikabok.



Bulaklak
ng damo
na tumubo
sa puntod.



Isang  munting
uod.



Isang butil
ng
pulang buhangin.



Bato
sa kabundukan
na tinutunaw
ng hangin.



Pulubi
sa daan
na namamalimos
sa mga
matang piniringan.




Asin
sa basong
walang takip.



Panyo
sa upuan
na pinakupas
ng tubig-ulan.




Munting ilaw
na sumisilip
sa silid-piitan.




Isang sulat
ng pamamaalam
na nakaipit
sa pintuan.



Pahina
ng kalendaryo
na nakaligtaang
pihitin.



Kandila
sa dilim
na nakikipaglaro
sa mga
anino.


Kabibe
sa tabing-dagat
na walang
laman.




Mga tunog
na walang
huni
at nagsisilbing
musika
para sa
mga bingi.



Hibla
ng buhok
sa ibabaw
ng gitara.



Antipara
na nakapatong
sa lamesa.




Pakpak
ng tutubi
na tinupok
ng gasera.



Isang tuyong
dahon
na sumabit
sa bintana.


Langaw
na nabitag
sa sapot
ng gagamba.



Kutsara
sa tabi
ng basag
na pinggan.



Mga basang
uling
sa hulmahan.



Katahimikan.



Usok
na humahalik
sa kalawakan.
Written
27 December 2014


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
101915

Alam kong sayo ang sakay
Medyo nainip ako buhat sa pagkabigo
Nang minsang inabanga'y
Nakaligtaang arkelado pala.

Nag-abang ako,
Pumara ng iba
Pati ruta pala'y ibang ibayo ang salta.

Ibang kalsada,
Naglakad akong muli
Oo, mas napagod
May paltos at kalyo ang mga paa
Sana'y naghintay na lang ako sayo
Kahit walang kasiguraduhang
Magbabalik para paangkasin.

Bukas makalawa,
Sa panahong hindi mala-Cinderella,
Daraan kang muli
Hihinto kahit di parahin,
Aalukin akong sumakay
Pagkat naihatid mo na ang iba.

Ako marahil ang huling pasahero
Bagkus alam kong may bakanteng silya
Silyang inilaan at palaging pinapagpagan
Nang hindi maalikabuka't
Maihanda sa  oras na nakalaan.

Sasakay ako nang dahan-dahan,
Hindi gaya ng dating may pagmamadali,
Titingnan kong maigi ang hagdanan
Nang hindi ako matalisod
At may mahawakan.

Sasakay akong may panibagong pag-asa
Walang pag-aalinlangan sa pait ng nakaraan
Marahil hihintong muli ang sasakyan
Bagkus totoo nga't
Makabababa na sa tamang hantungan.
Louise Oct 2023
Ang pagkain ng croissant at floss buns
sa public places.
O ng saging o hotdog sa jeepney.
Ng chocolate ice cream habang naka-all white ka.
Ang umibig ng mga taong may mental illness.
O ng taga-malayo o magkagusto sa pari.
Ng taong hindi maaaring ibigin.
Ang maki-apid sa asawa ng may asawa.
Ang kwarto **** napabayaang linisin
dahil mas masarap nga naman ang siesta.
Mas nakakahalina ang tawag ng pahinga,
kaysa talak ng pagliligpit.
Ang trend ng salted caramel everything
dahil mas mainam ang may konting alat.
Ang nakaligtaang lakad sa government offices
dahil mas kaakit-akit ang gumala.
Ang buhay **** salat sa kaayusan
dahil mas masarap ang makalat.
O, hindi ba?

— The End —