Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakalabas" poems
"No more questions? Let's move on to the next topic" Mula nang mawala ka, Sa bawat pagkakataong Banggitin iyan ng aking mga **** Napapatanga ako at itinatanong sa sarili, "Ganon lang ba kadali yun?" Sana kasing dali Ng paglipat ng pahina ng aking libro Ang paglipat ng puso ko mula sayo, pabalik sakin Sana kasing dali Ng pagbura ng marka ng lapis sa kuwaderno Ang pagbura ng alaala mo sa aking isipan Sana kasing dali Ng paglabas pasok ng mga **** sa silid Ang paglabas pasok mo sa aking mundo Sana pero hindi Dahil tila nasa bawat pahina ka ng aking libro Dahil tila marka ng bolpen ang pilit kong ibinubura Dahil tila nakalabas ka na ngunit pilit kitang inaanyayahang bumalik Kahit ilang pagsasanay, pagsusulit, at oral recitations pa Sana bumalik ka Pero hindi. "No more questions? Let's move on to the next topic" Paano nga naman kasi ako makakausad Kung isipan ko'y punong-puno pa rin ng katanungan
0
Feb 11, 2016
Feb 11, 2016 at 3:42 AM UTC
Classroom Hugot
Sa isang maliit na pasilyo, ikaw ay dumaan. Napansin ang isang animo ay silid-aklatan. Dala ng iyong pagka-mausisa ay tinungo mo ang silid ng walang pag-aalinlangan. Marahan **** binuksan ang pinto. Dinig na dinig mo ang tila langitngit nito hanggang sa makapasok ka. Sa loob ay tumambad sa iyo ang nanari-saring mga imaheng minsan mo lamang nakita. Iginagala mo ang iyong paningin nang mga oras na iyon nang biglang umandap-andap ang liwanag sa dilaw na bombilyang naroon. Nakaramdam ka ng panlalamig. Nagsitayuan ang mga balahibo mo sa batok, kamay at paa. Takot at kaba ay pumailanlang at agad **** tinungo ang pintuan ngunit, hindi mo na iyon mabuksan. Ilang sandali pa ay napatitig ka sa isang aparador  na kasing tangkad mo lamang. Naririnig ng iyong mga tainga ang tunog na may kumaluskos sa loob. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay kusang naglakad ang iyong mga paa sa kinaroroonan niyon. Kusang hinawakan ng iyong dalawang kamay ang hugis putol na sanga ng kahoy na hawakan ng aparador. Nang iyong mabuksan ay bigla ka na lamang nilamon papasok sa loob hanggang sa sumara ito at hindi ka na nakalabas.
0
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 1:54 PM UTC
Aparador