Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagtataguan" poems
Wala ba talaga ako halaga sa iyo? Kahit isang litrato ay wala sa iyong telepono? Ganun mo ba ako hindi ka-gusto? Ni hindi mo man lang ako kayang tignan na parang mahal mo? Hindi kita matanong kung ano ang talagang iyong gusto Natatakot sa maaaring isagot mo Tinanong mo ako kung naiinip na ako Gusto kong sumagot ng “Oo” Ano ba ang gusto **** maging sagot ko? Gusto mo bang ako na mismo ang kusang lumayo sa iyo? Ano kaya ang iyong tugon kung sabihin kong may manliligaw na ako? Ipaglaban mo kaya ako at ituring sa wakas na sa iyo? Ayaw ko hanapin pa ang lugar ko sa puso mo? Ano ba talaga ako sa pagkatao mo? Nais mo ba akong manatili sa tabi mo? Manatili hangga’t makahanap ka ng kapalit ko Sana ay hindi ka na lang umamin Sana ay nanatili na lang ng katulad ng nagsisimula pa ang sa atin Nagpapakiramdaman, nagkakamabutihan Walang aminan, nagtataguan Ngayon ako ay nahihiya Bakit ganun ang inasal ko sa aking pagsinta Naging hindi totoong ako Ninais na maging lahat na iyong gusto Paano nga ba tayo magtatapos? Tayo pa ba ay may simula sa pagtatapos? Ako lamang ba ang sumisinta ng labis? Ako lamang ba ang nag-iisip ng ganitong labis? Sabi ng utak ko ay huwag na umasa Huwag nang maghangad, tama na sa parusa Kung gumagana man ang puso Ang sabi nito ay sundin ang bugso Maari naman natin ayusin Sabihin mo lang sa akin ang iyong naisin Ano ba ang gagawin upang maitama ang mali? Ano ba ang gagawin upang maging pag-aari mo muli? Ganito talaga ang aking pag-ibig Laging sawi, laging nagsusumamo Pag-ibig na hindi lagi masuklian Hindi mahalaga sa kahit na sino man
0
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 5:50 AM UTC
TULA PARA SA IYO

Continue reading...
40
sa mata ng ordinaryong nilalang: sa kalangitan madalas kayong naghahabulan nagtataguan, ng mga liwanag at ng mga nararamdaman. sa malawak na daigdaig, kayo ang nagbibigay liwanag; kayo ang hinahanap, kayo ang kailangan. ang mga bituin                                                                           ay kumikislap     patay sindi,                   'di makapirmi ang mga bituin ay   madami, 'di nag-iisa,                                                                      kun'di nagkalat na 'isa',                                                                           'di isang buo                                                                                   kun'di isang                                                                                           sansinukob ng: naghalong emosyon, 'di mapiling pagkakakilanlan, daan daang kasinungalingan makapagtago lamang; sa liwanag niya,                                                                                                                       dahil mas importante siya dahil siya ang iyong tinitingala, isang malaking bolang mainit, nag-aalab, nakakabulag. isa kang masokista, pinili mo ang mapanakit niyang init. isa kang arsonista, pinili **** makipaglaro sa apoy. 'di ka naman nag-iisa ngunit martyr ako, at ikaw ang pinili ko. siya si sol, ikaw si luna, ako ang mga bituin, kayo ang naghahabulan, ako ang kumikislap/ kumukutikutitap/ kumukurap, ako ang nagbubugulan.                                                                                                                                   bituing matagal nang patay
0
May 12, 2021
May 12, 2021 at 1:03 PM UTC
siya si sol, ikaw si luna, at ako ang mga bituin tila 'di na nabigyang pansin
sa mata ng ordinaryong nilalang: sa kalangitan madalas kayong naghahabulan nagtataguan, ng mga liwanag at ng mga nararamdaman. sa malawak na daigdaig, kayo ang nagbibigay liwanag; kayo ang hinahanap, kayo ang kailangan. ang mga bituin                                                                           ay kumikislap     patay sindi,                   'di makapirmi ang mga bituin ay   madami, 'di nag-iisa,                                                                      kun'di nagkalat na 'isa',                                                                           'di isang buo                                                                                   kun'di isang                                                                                           sansinukob ng: naghalong emosyon, 'di mapiling pagkakakilanlan, daan daang kasinungalingan makapagtago lamang; sa liwanag niya,                                                                                                                       dahil mas importante siya dahil siya ang iyong tinitingala, isang malaking bolang mainit, nag-aalab, nakakabulag. isa kang masokista, pinili mo ang mapanakit niyang init. isa kang arsonista, pinili **** makipaglaro sa apoy. 'di ka naman nag-iisa ngunit martyr ako, at ikaw ang pinili ko. siya si sol, ikaw si luna, ako ang mga bituin, kayo ang naghahabulan, ako ang kumikislap/ kumukutikutitap/ kumukurap, ako ang nagbubugulan.                                                                                                                                   bituing matagal nang patay
Continue reading...
39
makalipas ng daang-daang araw ikaw ay nagbalik, nagtagpo muli ang mga mata, bisig, at ngiti. 'di nila mapigilang magtaka kung ano ang pasalubong dala mo sa iyong pagbisita; kung anong mga damdamin at alaala ang mahuhugot mula sa mga puso nating 'di malaman kung nagtataguan ba o naghahanapan, basta siguradong nawawala. ang surpresa mo kaya ay kaba? sabik? takot? hiya? hiwaga? hindi. pinunit ang balot at binuksan ang kahon. natagpuan ko ay wala. oo, wala lang. wala na pala tayong natira para sa isa't isa. baka tinangay na ng bagyo, ninakaw na ng iba, o 'di kaya'y naglaho lang talaga na parang bula. 'di nila mapigilang magtaka at napaisip din ako kung bakit. natagpuan ko ang sagot at ito ay wala.
0
Apr 25, 2015
Apr 25, 2015 at 7:43 AM UTC
wala (wala lang)
Nagsimula na ang bilang mo, Isa, dalawa, tatlo, Nagsimula na ang aking pagtakbo, Apat, lima, anim, Nagtago na ako mula sayo, Pito,walo,siyam, Napakadami na ng aking hinakbang papunta sa dilim, Takot man ako sa mga nilalang ng kadiliman, Handa akong tumakbo papunta rito, Basta’t makalayo lamang sayo. Hindi ko na narinig ang pagtatapos ng iyong pagbibilang, Hindi ko alam kung sino na sa atin ang nagtatago’t naghahanap, Patapos na ba ang ating laro? Kaya’t uuwi ka na lamang, at magpapahinga sa bahay niyo? Lumalalim na ang gabi, Natatanglawan na tayo ng mga bituin, At mga alitaptap na tila kumikislap ang mga pakpak, Ikaw ba’y naglalakad palayo sa akin? O ako ba ay tumatakbo lamang paalis? Gabing gabi na, Tayo pa rin ay nagtataguan sa ilalim ng buwan, Maglalakad na ako mula dito sa aking taguan, Papunta sa iyong tahanan, Wala na akong pakialam, Kung ako man ay mataya o di kaya’y madapa, Basta’t matapos na ang ating taguan, At pagkakita ko sayo, Sa dati **** pwesto, Natapos ang iyong pagbibilang, Sampu, narito na ako, nahanap na kita, Hindi pala ikaw ang taya, Aking mga mata lamang pala ay dinadaya, Natapos din ang ating taguan, Nahanap na kita, nahanap mo na ba ako?
0
Sep 6, 2016
Sep 6, 2016 at 4:50 AM UTC
“Natapos din ang paghahanap”
... makalipas ng daang-daang araw ikaw ay nagbalik, nagtagpo muli ang mga mata, bisig, at ngiti. 'di nila mapigilang magtaka kung ano ang pasalubong dala mo sa iyong pagbisita; kung anong mga damdamin at alaala ang mahuhugot mula sa mga puso nating 'di malaman kung nagtataguan ba o naghahanapan, basta siguradong nawawala. ... ang surpresa mo kaya ay kaba? sabik? takot? hiya? hiwaga? hindi. pinunit ang balot at binuksan ang kahon. natagpuan ko ay wala. oo, wala lang. wala na pala tayong natira para sa isa't isa. baka tinangay na ng bagyo, ninakaw na ng iba, o 'di kaya'y naglaho lang talaga na parang bula. ... 'di nila mapigilang magtaka at napaisip din ako kung bakit. natagpuan ko ang sagot at ito ay ... wala.
0
Jul 28, 2015
Jul 28, 2015 at 10:29 AM UTC
Wala lang