Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Oct 2015
Puso'y tumibok,
Hindi hinimok.
Kusang sumibol,
Hindi naghabol.
Naramdaman ang pintig,
Binuhay ang pag-ibig.


Nagmahal ng buong puso,
Umibig ng totoo.


Ngunit..

Hindi sinuklian.
Hindi ipinaglaban.
Ipinagpalit sa iba,
Iniwang mag-isa.
Luhaan ang mata,
Damdami'y nagdusa.


Piniga't sinaktan,
Nawalang saysay ang ipinaglaban.


Kaya...

Nagmukmok sa kuwarto,
Nagkulong, nagtago.
Sarili'y inilayo,
Nanlumo, tuliro.
Tulala't mga mata'y mugto,
Hindi kinakausap ibang tao.

Nabaliw, nagpakatanga.
Nagmahal na nga lang, nasaktan pa.


Subalit..

Buhay mo'y mahalaga.
Pamilya mo'y naririyan pa.
Sarili mo'y nilikha,
Nang isang Diyos na mapagpala.
Maging matatag ka,
Kalimutan ang sakit at magsimula.

Matuto ka,
Magbalik loob sa Kanya...
Raf Reyes Mar 2018
Natuyo na ang kaalatang pumapalibot sa kanyang mga mata

Ilang papel na ang nasira sa pagtulo ng mga basang kalungkutan sa mga salitang pinagsikapang idikta't ibuga
Umaasang, balang araw
Ang sakit na kinikimkim ay tuluyan ding
maiibsan

Ngunit

Lumipas ang mga buwan, humina ang katawan
Nagkulong sa loob ng sariling kasakiman't kadiliman sa takot na muling masaktan.

Pero tama na.

Sa wakas, dumating na ang realisasyong matagal nang inaasahan: Nakakasawa nang magtiis matulog sa mga basang unan.

Panahon na para ito’y labhan.
I've been trying to write more poems in my native tongue. Lately, I've been falling in love with its rythmic flow. I hope that the people who got so used to my english poems can appreciate this new direction.

— The End —