Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nababawasan" poems
* Hindi lahat ng prinsipyo ay tama gaano man ito kapositibo. Ang kawastuhan ng bawat prinsipyo at pananaw ay naaayon sa: panahon, tao, katangian at kakayanan nito, konkretong kalagayan at kung minsa'y kasama pati ang kulturang kinabibilanagan. Kaya ang sabihing "wag **** masyadong seryosohin ang buhay" o kung ano pang mga kasabihan, ay maaaring tama at mali, ayon sa mga nabanggit. Ano't ano pa man, ikaw pa rin ang huling magpapasya. Ano man ang maging pananaw ng ilan sa iyo, ituring **** ito'y bahagi lamang ng buhay...ng buhay mo at hindi nila. 4/1/2016 - Hindi porke nagiisa malungkot na. Dahil mas malungkot kung nakiki-high five ka sa lahat pero pag talikod mo fina-fuck u ka na pala. 4/4/2016 - kahit ano pang sabihin nila, mas masarap pa rin sa pakiramdam yung umiintindi ka ng kapwa kesa sa naninira ng kapwa. kaya sa tingin mo sinong may mas masarap na pakiramdam ngayon? 4/11/2016 - napag-alaman kong hindi sa lahat ng pagkakataon ang iyong pagpapagal ay may mabuting kapalit...na ang iyong mga inaasahan ay may balik. hindi sa lahat ng panahon ang polisiya ay nasusunod.. ni ang itinakdang panukat ang siyang ginagamit na panukat. 4/21/16 - kahit ginawan ka ng masama ng iba, nasaktan ka, 'wag kang gaganti...dahil hindi mo trabaho yun. 'wag **** agawan ng trabaho ang Diyos. Dahil alam mo sa sarili mo pag ang Diyos ang gumati, mas sakto at perpekto. 4/26/16 - Those people who mocks prayer entertain curse to their lives. 4/27/2016 - "ang position nilalagay sa puso, hindi sa ulo." - M' Avie 5/11/2016 - Alin ang mas pinaka-nakakapagod, ang magtrabaho gamit ang isip o gamit ang pisikal na katawan? Kasi sa totoo lang, wala naman talagang nakakapagod doon...mas nakakapagod makitungo sa mga katrabahong mahirap pakitunguhan... 6/6/2016 - Duwag lang ang nagpaparinig. 7/12/2016 - Wala naman talagang absolute fairness, dahil ang tao minsan nagdidesisyon sa ngalan ng "fairness" nilang tinatawag pero ang totoo, ito ay nagsisilbi pa rin sa kanilang interes dahil may integridad silang pinapangalagaan. Doon masasabi ng iba, "fair" ang taong ito. 7/28/2016 - monologue at bugtungan "Ginagawa ko naman ang trabaho ko pero habang tumatagal ako sa serbisyo hindi ako nadadagdagan kundi nababawasan." - Lapis "Tingin-tingin, maghapong nakatingin. Kahit pa magdamag, 24/7 walang kurap." - CCTV (tao, bagay, hayop?) :-) "Gusto nila sa akin laging mabilis dahil pag bumagal ako sasabihin nila "nakakainis", "walang kwenta.", etc, etc. - BAGP network*
0
Aug 30, 2016
Aug 30, 2016 at 12:55 AM UTC
Hugot Lines

Continue reading...
17
Mahal ko ang Pilipinas pero hindi ng walang kapintasan Mahal ko sya kahit traffic ay di nababawasan Mahal ko sya kahit talamak pa rin ang kahirapan At patuloy kong mamahalin Pagkat siya ang bayan ko na sinilangan Kahit problema nya sa droga ay hindi nalulunasan Kahit mga teritoryo pa nya ay unti-unti nang nababawasan Kahit mas marami pa sa tama ang mali sa aking bayan Mahal pa rin kita, Pilipinas Hinding-hindi kita iiwan
0
Sep 15, 2019
Sep 15, 2019 at 3:09 AM UTC
Ang Bayan Kong Pilipinas
Kahapon pagdaan ko sa Angeles City sa Mabalacat, Pampangga nakita ko sila. Sandali kong pinagmasdan ang kanilang pangkat na nagpapahinga sa may gasolinahan. Hindi ko maiwasan na malungkot. Mahirap talagang maging mahirap, alam mo yung buhay ng isang kahig, isang-tuka, yung kakalam-kalam ang sikmura tapos hampas lupa? Yung hindi nakaka pag-almusal dahil walang pambili ng pandesal, na madalas ay nililipasan ng pananghalian at malimit na nakakatulog sa gabi ng walang hapunan. Yung dalagitang nanggigitata may sanggol sa tagiliran, nagpapalimos sa gitna ng kalsada, kumakatok sa mga kotse, tinitiis ang nakakapasong init ng tanghaling-tapat. Nakaka-awa ang sanggol walang malay, walang muang, hindi n’ya pa naiintindihan ang kalupitan na kanyang dinaranas. Ang maka-diyos na lipunan at makabayang mga pulitiko alam kaya nila ito? Ramdam kaya nila ang hapdi ng sikmura ng mga pulubi? Bakit ganito? Ewan ko, hindi ko rin alam ang puno’t dulo, hindi ko rin maintindihan ang lahat. Ang alam ko lang hindi sila nababawasan sa halip lalo silang dumadami habang sinasabi ng mga pulitiko na mahal nila at handang tulungan ang mga mahihirap.
0
Nov 7, 2017
Nov 7, 2017 at 12:12 AM UTC
MGA BADJAO SA ANGELES
Kung malamig o basa ang daraanan Wag mo akong pilitan kailanman, baka sa bangin ka matagpuan. Ngunit, habang lalong umiinit, Ang kapit ko’y humihigpit. Dulas ay tuluyang nababawasan habang palapit sa paroroonan.
0
Jul 11, 2011
Jul 11, 2011 at 12:10 AM UTC
Kapit
ang huling beses ay mahinahong lason sa lahat ng unang beses sa una **** mga hakbang, ang huli kong pagtapak at sa huli kong kahinaan, ang una **** pagkabasag sa huling beses hihiling ako ng mga unang beses parang pagbukas sa bawat nagyeyelong bote na nababawasan ma'y lunas sa mapagtanong kong uhaw
0
Jul 18, 2017
Jul 18, 2017 at 9:07 AM UTC
Untitled