Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Euphoria May 2016
Pagod na ko sa kakasulat.
Hindi ka naman ata namumulat
Sa sakit at hinagpis na iyong dala.
Na sa puso ko'y nagsisilbing bala.
Mapapatawad pa ba natin ang isa't isa,
Sa mga sala nating nagawa na nagpatung-patong na?
Kailanman hindi ito napunta sa aking hinuha
Na tayo maiiwang may agwat at sirang-sira.
Kaibigan, ako sana'y patawarin
Sa pagpayag sa mga bagay na maaaring sumira satin.
Patawarin mo sana ang pusong nagmamahal
Na sumira sa pagkakaibigan nating kay tagal.
Nalulungkot, nasasaktan ang puso ko sa ideya
Na ang minsan kaibigan ay isang estranghero na.
Patawarin ako sa pagbibigay ng hinagpis
Sa iyong kaluluwang takot at puno ng pagtitiis.
Kaibigan, ito'y hindi pagmamalabis
Ang tanging hiling ko lang ay huwag kang tumangis
Sabihin mo lamang kung ika'y nasasaktan na
Huwag kang mag-alala, handa na kong iwan ka.
Kung ang pagkakaibigang ito ay hindi na masasalba
Sabihin mo lang, wag nang magdalawang isip pa
Dahil sa pagtakbo ng oras, lumalaki lamang ang lamat
Unti-unting nababasag, nasisira ng hindi naman dapat.
Kaibigan, sana'y sabihin mo
Kung gusto mo pa bang ipagpatuloy ito.
Pagkakaibigang puno ng tawanan
Nagapos ng pangakong walang iwanan.
Pagkaibigang pinahahalagahan
Hindi sinasadyang masira at mayurakan
Sa paglipas ng panahon
Nagbago na ang noon at ngayon
Ngunit umaasa pa rin ako
Na hanggang sa dulo'y magkaibigan pa rin tayo
Kaya pa ba natin patawarin ang isa't isa gayong tila lumalayo ka na?
Sarili mo lang ang palaging iniisip mo,

Samantalang siya ay nakatuon sa kapakanan mo,
Hindi umiikot sa iyo ang mundo,

Katulad ng hindi masusunod ang lahat ng iyong gusto.

Ayusin mo ako, pagmamakaawa mo,

Hindi mo ba alam na siya yaring nababasag ang pagkatao?

Bawat haginit, bawat piraso,

Buuin mo ako, iyan ang utos mo.

Wala kang mararating kung sarili mo lang ang iisipin,
Para kang isang pating na kahit anong lamon ay tila gutom pa rin,

Paano kang mabubuo kung ang kahapo'y binabalikan mo,

Bakit hindi mo subukang tumingin sa kung anong nasa harap mo?

Aking kaibigan, wag kang magpakahangal,

Sa larangan ng pag-ibig ay walang mahahalal,

Kung ika'y makasarili, walang magtatagal,

Puso'y mawawasak, dila'y laging mauutal.

Tulungan mo akong buuin ang sarili ko,

Ikaw ang kailangan ko, ang siyang wika mo,

Hindi magtatagumpay, pagkat sarili'y hinihimlay,

Sa bakas ng kahapon ika'y ayaw maglubay.

Ito na ang huling tulang isusulat para sa iyo,

Kung hindi mo pa rin bubuksan ang isip mo'y bahala ka na sa buhay mo,

Aking kaibigan, isipin mo ang kaniyang kapakanan,
Huwag mo na sanang hintayin na ikaw ang siyang mawalan.
Marlo Cabrera May 2016
Eto ako ngayon,
nakahiga kama ko
isipan ay walang laman kun’di ikaw.
nababaliw sa bawat senaryo
na kasama ka.
Ilang beses ko na naisip
at na plano ang gagawin
sa oras na dumating ang
panahon na kailangan gumawa ng desisyon
kung pagpapatuloy ba natin
ang ating pagsasama.
at ilang beses ko na ding
nasagot ang sarili na
oo.

Kase wala lang naman akong
hihilingin kung’di ikaw
na nag papatibok ng puso ko.

Ang taong pumupulot sa mga basag kong piraso,
at binubuo ako, gamit ang ginto.
Kase ang mga hapon ay may sining
na kapag ang isang bagay ay nabasag
ang ginagawa nila dito ay
ginagamit ang ginto bilang pang digit.
Para sa kanila,
ang bagay na iyon ay mas maganda at kabighabighani
kesa nung eto ay hindi pa nababasag.

Ikaw ang ginto
na bumubuo
sa mga basag kong piraso.

Salamat.

Mahal kita.
Kintsugi = The Japanese art of repairing with gold.
Euphoria Feb 2016
Paano naman ako,
Sa mga oras na naisip **** iwan ako?
Hindi mo ba napagtanto
Nasasaktan din naman ang puso ko
Dahil sa agwat at oras na tayo'y pinaglalayo.

Sinta, paano naman ako?
Hindi mo man lang ba naisip na ako'y nahihirapan din
Sa walang humpay na pagbulong na lamang sa hangin
Ng mga salitang gustong sambitin
Habang sa mga mata mo'y ako ang nakatingin.

Mahal, paano naman ako?
Sa mga oras na lumilipas na tayo'y magkalayo
Hinahanap ang yakap at halik na mula sayo
Ang mga oras na maaaring magkasama tayo
Ngunit sa panahon nalang pinaubaya ito.

Sabihin mo, paano naman ako?
Ako na alam **** sinira ng kahapon
Nabahiran ng kasinungalingan at poot, nababasag sa pagdaan ng taon
Paano naman ako mabubuo,
Kung kahit ikaw dinurog ako at hindi naging totoo?
Ang sugat ng kahapon ay patuloy na gagambala sa gunita.
Jose Remillan Sep 2013
ikaw* ang salaming hinalikan ng silahis
ng araw, pagdaka'y nagsambulat ng
liwanag sa isang madilim,madumi, at
malihim na sulok ng munting silid. Parang

ako ang munting silid na sinambulatan ng
iyong liwanag; nabulag, nabagabag, at
nagmahal sa liwanag, hindi sa salaming
nababasag.
Makati City, Philippines
University of Makati, 2002
JD May 2018
Alam mo bang itong luhang pumapatak saking mata,
Nagpapakitang ako'y nasaktan ng sobra,
Pero kahit ganito aking nadarama
Puso'y ka'y sakit pero mahal parin kita

Ilang araw na akong umiiyak
Araw araw pinupunasan ang luhang pumapatak,
Dahil sa pusong tila ba'y nababasag
At buong pagkatao'y nagmistulang wasak

Hindi ko alam kung san pa ba ako tatakbo
Gayong wala na kong malalapitan pa kahit sino,
San ko ba pwedeng ibuhos ang mga luhang to,
Wala ng iba kung hindi sayo, ngunit wala ka pano na ako?

— The End —