Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mcdo" poems
Magkaibigan Naglolokohan Nag-aasaran Nagngingitian Isang araw nag-yaya ng hindi inaasahan Hindi tumigil sa text at tawagan Kumain ng sabay Nag-usap ng matagal Bumiyahe ng magkahawak-kamay Umakyat ng bundok at nakaalalay Spoiled sa paghatid at pagsundo Tambayan ang mcdo Gusto laging magkasama Ayaw humiwalay sa isa’t-isa Ang oras ay kay bilis pag magkapiling Ang araw ay kay tagal pag malayo ang isa sa atin Isang araw nagtanong at nagtaka Ano bang meron sa ating dalawa? Higit pa ito sa magkaibigan Mukhang nahulog na ng tuluyan Pebrero 28 itinakda natin ang “tayo” Minarkahan na ang ating kalendaryo Hindi inaasahan. Ni hindi pumasok kailanman sa isipan, Na ang dating magkaibigan at magkaasaran Sa huli ay magkakatuluyan Salamat sa mga hindi inaasahan.
0
Apr 6, 2016
Apr 6, 2016 at 10:14 PM UTC
Unexpected
Naalala ko pa yung araw na napagdesisyunan kong kumain sa McDo. Kasi wala lang, trip ko lang. Hindi naman ako gutom, hindi rin pagod. Pero nag-McDo ako. Noong panahong yun, Saka ko lang narealize yung sinasabi nilang "Self Worth." Pahalagahan ang sarili, mahalin. Bagay na hindi ko nagawa sa nakaraan. Kaya ayun, nagwakas, natuldukan. Paano naman nga ba kasi magpapahalaga sa iba Kung sarili ko nga di ko mapahalagahan. Umorder na ko ng fries at Big Mac Syempre kasama ang paborito kong McFloat. Nasa kalagitnaan na ko ng pagnguya Nung nagtanong ka "May nakaupo na po ba?" Hindi ko na tiningnan ang kanyang mukha Umiling nalang ako. Nagtataka rin kasi ako bat sa harap ko pa naisipan **** umupo. Yun pala, wala na talagang pwesto sa McDo. Binasag mo ang katahimikan sa pagpapakilala mo sa akin. Bigla atang lumamig ng hangin Lalo na nung nakita kong nakangiti ka sakin. Nagkakilala tayo. Naging magkaibigan. Ikaw ang nagsilbi kong Happy Meal sa araw-araw na paggising ko. Hindi ko na kailangan ng Happy Meal toy Kasi makasama ka lang enjoy na ako. Ikaw yung chicken fillet na sa sobrang lambot ng pisngi mo nanggigigil ako. Ikaw yung Hot Fudge na mas matamis pa sa Dairy Milk kasi sobrang sweet mo. At para kang gravy ng McDo na hanggat di ubos yung ulam magrerefill ako. Hanggang isang araw, inaya mo ko mag-McDo. Masaya akong sumama kasi minsan lang yun. Ako naman ililibre ng taong madalas ilibre ko. Feeling ko tuloy sasagutin mo na ako. Nagpresenta kang ikaw na o-order At ako nang bahala sa uupuan. Hindi ko alam bakit pagkaupo ko palang Nakaramdam na ko ng kalungkutan. Natakot ako bigla sa di malamang dahilan. Buti dumating ka na, at Buti nakangiti ka. Ngunit ako ay nagtaka na Ang pagkaing binili mo ay hindi para sa dalawa. Agad **** sinabi saken na saglit lang, May pupuntahan ka lang. Pagkaalis mo, kinain ko na ang binili mo. Pero nagulat ako Matapos kong i-angat ang burger na inorder mo. "Hindi pa pala ako handa." Nakasulat sa sticky note na nilagay mo. Di ko alam ano ibig **** sabihin Kaya nagdecide akong ikaw ay hintayin. Mahal, sabi mo saglit. Pero bakit hindi ka na bumalik? Iniwan mo na ako. Iniwan mo gamit ang isang sticky note, Kasama ang favorite kong McFloat.
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 10:16 PM UTC
"McFloat"

Continue reading...
61
may araw ang mga patay e paano naman ang mga buhay? hindi na pala uso ang nangangaluluwa treat or trick na ang "in" ngayon. tara dalawin natin ang mga mahal nating namayapa na kahit ang totoo hindi na sila mabubuhay pa. ang sementeryo na tahanan ng mga bangkay pag araw ng mga patay nagiging pugad ito ng mga lasenggo, mandurukot, imbi't tarantado at parang mall na rin ito ngayon kasi kumpleto: may Dunkin, Mcdo, Jollibee at Pizza Hut na rin. wag kalilimutan ang bulaklak at kandila linis lapida, papintura pati na ang paglilipat ng mga buto pero tandaan lahat ng ito may bayad sabi nila mahirap at mayaman lahat mamamatay din pero kahit sa huling hantungan hindi sila magkapantay kasi may nasa apartment at may nasa memorial lawn.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:53 AM UTC
Araw Ng Mga Patay
Naaalala mo ba Sa twing umuulan Minsan mo akong pinayungan At hinatid sa sakayan? Naaalala mo ba Sa twing mag aalas singko Minsan mo rin akong nilibre At pinakain sa McDo? Naaalala mo ba Sa twing pupunta ka sa opisina Andon ako, nag aantay Habang tumutugtog ng gitara? Naaalala mo ba Ang mga ngiting aking ipinipinta Sa aking labi sa twing Ikay nakikita? Tanong ko lang Naaalala mo kaya ako? Dahil ni minsan Di ka pa kasi umaalis sa isip ko.
0
Jan 6, 2018
Jan 6, 2018 at 3:13 AM UTC
Tanong ko lang