Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sumapit na ang hating gabi,
Unti unting sinasakop ng pagbubukang liwayway.
Gandang iyong taglay,
Sa aking diwa'y nananalaytay.

Ang saglit na pamamaalam sa takip silim
bukas ay mababanaag nang muli ang ligaya ng pusong minsang nagdilim.

Ang kaaya aya nyang ngiti,
Higit pa sa ganda ng bulaklak. Sa magdamag kong pag susulat ng matalinhagang salita ikaw ang aking nakikita.

Pansamantala, sa agaw ng dilim at liwanag. Ako ay mamaaalam. Itinitiwala na lamang muna sa mga bituin na ikaw ay matanglawan.

... Sa araw ng bukas ay masisilayang muli ang ligaya ng aking buhay.
#matalinhaga #makata
Leslie Jade Sep 2021
sa rami ng tulang nilikha
panaghoy ang tila namamayagpag
emosyong natatakpan ng mukha
ay patuloy na binabagabag

madalas ay natatapos sa lungkot
madalang na naguumpisa sa saya
bawat linyang kataga'y puot
tila walang dinudulot na ligaya

sa daang salita na kayang bigkasin
nasaan ang malalambing na parirala?
sa bawat boses na nais kalasin
kailan ang araw na maaabot ang tala?

May dalisay nga ba sa mga letra?
May pag-asa nga ba sa mga talata?
muli nga bang darating ang saya
sa paggising ng bagong hiraya?

Marahil ay unti-unti, hindi bigla-bigla
yayakapin nang mahigpit, dahan-dahan
upang ituloy ang naudlot na sigla
upang magmistulang sarili ang tahanan

Gaya ng dapit-hapon ay manlalamig
ngunit sa bukang-liwayway, gugunitain
sarili ang maging unang daigdig
pagkamuhi ay tuluyan nang palayain

kaya't sa bawat salitang isusulat
yakapin ang letrang namumukadkad
darating ang araw na muling pagkamulat
masisilayang muli ang ligaya sa paglipad
Sa bawat pagpatak ng iyong luha,sakit at hinagpis na sa puso'y nagpapasikip,ay may kapalit na ngiti pagkatapos ng hikbi at pighati.

Katulad nang laging pag buhos ng ulan,na akala mo'y wala ng katapusan.Mga pagsubok na iniisip **** wala ng hanganan.

Ngunit magigising ka na lang isang magaan na umaga,meron ng masisilayang Bahaghari na sa ating mga mata ay bumibighani.

makikita din ang paghalik ng araw sa lupa,Kasabay ng  pag-awit ng mga ibon na parang nagdadala ng magandang balita.
Nagpapahiwatig na lahat ng bigat ay gumaan na,Mga pagsubok ay naglaho na.
At ang bagong pag asa ay ipinagkaloob na.

Lagi tandaan Huwag mawalan ng pag-asa, laging magtiwala at huwag magsawang manalig sa Dios na may likha.
may hanganan ang lahat ng pagdurusa.basta laging sa  Dios ay manampalataya.
muling iikot ang mundo sa araw,
may darating na panibagong
bagyo at kapanatagan
na nagpapaalalang
ang iyong pananatili ay hindi para lang sa kawalan,
sapagkat
kung paanong kumikinang
ang mga bituin sa kalawakan
ay gayunding
masisilayang muli ang bukang-liwayway;
at sa iyong pagtingala
ay may langit na nag-aabang
sa dadalhin  mo pang hiwaga.

magliwanag ka.

**mahalaga ka.

— The End —