Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"malulumbay" poems
Sa mga panahon na ito ay unti unti na ako nakakaramdam ng pangungulila. Ngunit mapapalitan naman ito galak sa tuwing maalala natin ang mga araw na tayo ay magkasama. Alam ko din na kaya natin, kaya ko at kaya mo. Alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay at hahanapin ang bawat isa. Subalit Ang papel na ito ay magsisilbing bangka at ang tinta ng aking pluma ay syang dagat na maghahatid sa bawat tibok ng aking puso na nalulumbay patungo sa sansinukob kung san ang mga talanyo ang magsisilbing nating gabay. Kaya wag kanang malungkot kasi isang bus lang at pwede na kita makapiling at mayakap habang ang ating mga mata ay nangungusap na sa wakas ay muli tayong pinagbigyan ng panahon upang namnamin ang bawat sandali na tayo ay nangulila. Magkaiba man ang lugar o ang panahon sa araw araw na lumilipas ay maisisiguro ko na ang bawat pintig ng ating mga puso ay magkasabay. Nag sasabing ikay aking mahal at akoy iyong mahal. Kaya sa mga panahon na ako ay nag iisa sa harap ng palayan at nakatanaw sa kanluran kasabay ng paglubog ng bawat araw o huling patak ng ulan ay hinding hindi lilipas ang araw na ang mga ngiti mo ay di dumaan sa aking isipan. At kung sa mga oras na akoy nasa ilalim ng kalungkutan ito ang nagsisilbi kong sandata upang lumaban. Na alam ko may bukas na dadating at malalagpasan ko din ang bawat lungkot sa aking damdamin. Mahal kita mula nung araw na una kita makita at lalo pa kitang minamahal sa bawat araw na lumilipas tayo man ay magkahawak kamay at kahit sa panahon na tayo ay magkahiwalay. Mahal kita kahit di kita nakikita sapat na ang mga alala upang masabi kong di ako nagiisa. Mahal kita ou mahal,na mahal kita kahit na nasa malayo ka at ako ay nag iisa iniisip ka. Sana sapat na ang mga katagang mahal kita upang malaban ko ang lungkot sa aking mga mata at magpanggap na di ako nangungulila sa isang dalaga na nasa bayan ng Marikina.
0
Feb 19, 2016
Feb 19, 2016 at 8:21 PM UTC
Pangungulila

Continue reading...
14
Dumating ka sa buhay ko ng hindi ako nakahanda Ni hindi ko inaasahang  mayroon pang nakatakda Akala kong wala na, ngunit humabol pa ang tadhana Pag ibig mo'y wagas, ang wika mo sa harap ni bathala Nagagalak ang aking puso na may halong pagkagulat Ang iyong tagong pag ibig sa wakas iyong siniwalat Pagmamahal na tila sa mundong ito hindi nagmula Pag ibig na wari ko nga ay galing sa ibang planeta Ang kagulat gulat, kaya ko palang magmahal higit sa akala ko Pagmamahal na magagawa kong ihinto ang lahat, para lang sa iyo Gusto ko sanang ipaalam, ipagsigawan at ihiyaw sa buong mundo Na ikaw ay akin at akin lang sana, ngunit maaaring dulot ay gulo Natuto tuloy akong sumigaw ng pabulong Hanggang kelan ko kaya kakayaning bumulong Ang pag ibig ko ngayon tila ay hindi makasulong Ang katagang "mahal kita", tila presong nakakulong Sa ngayon, ang alam ko, NGAYON ang mayroon ako Hindi ko nga alam kung anung bukas mayroon tayo Sa ngayon, ang ngayon lamang ang pinanghahawakan ko Yung ngayong minamahal kita at mahal mo rin ako Yung ngayon na naririto ka sa buhay, sa puso, at isip ko Yung ngayon na sa iyo lamang umiikot ang buong buhay ko Kumikislap ang mga mata at ngumingiti ang mga labi Na para bang sa mga pangarap ay may bukas na hinahabi Sa aking pangarap ang lahat lahat sa iyo'y akin Mula anino, pati iyong diwa'y aking angkin Ngunit paano kung ako'y magising na, lahat magwawakas Ikaw rin ba'y nangarap na para bang tayo'y mayroong bukas? Ang tunay daw na pag ibig ay hindi mapag ari Paano ang gusto kong ika'y aking gawing hari? Nais ko'y akin lang, ang iyong ngayo't iyong bukas Sana'y akin ka hangga't ako'y mayroon pang lakas Darating ang panahon, tayo'y magwawalay Sa oras na yan mundo ko'y malulumbay Sadyang kailangan ko nga lang tanggapin Ika'y hindi kayang tuluyang maangkin Ganap ang dusang nasa akin Dahil ikaw ang aking hangin Ang aking araw, aking langit Aking tala at buwan sa dilim Oo't may dahilan kung bakit ngayon tayo pinagtagpo Kung anumang dahilan isipin pa ay nakakahapo Ni hindi nga natin alam kung hanggang kailan ito Ano kaya bukas? Ikaw pa kaya ay naririto? Alam kong kahit kailan, hindi mangyayari Na sa aking pagtanda, ikaw ang aking hari Ikaw ang kapiling, kamay mo ang aking hawak Aalalay s'aking tungkod, lalakad ng malawak Pakinggan na lamang sana ang aking pangako Kasal-kasalang pauso ay aking inako Wala man tayong mga saksi Basbas ng simbahan o pari Di man nakasuot ng damit pangkasal, wala rin ako pati mga abay Galak ay lubos parin kung ikaw ang kaagapay Ako'y handang maging sa iyo, sa abot ng aking gunita Maging kalaban ko man ang lahat, dahil sa aking panata Akoy gagawa ng altar na aking sarili Upang sa aking bibig sumpa ay mamutawi Pangakong ikaw lang ang mahal sa habang buhay Hanggang sa dumating aking araw ng paghimlay At kung sakaling akoy mabigyan, ng pagkakataong muling mabuhay Kahit sa ibang panahon, hahanapin ka ng puso ko ng walang humpay Upang taimtim na panatang binitawan, ay maisakatuparan Pag-ibig na walang hangganan, pagmamahal na walang katapusan
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 4:21 AM UTC
PANATA NG BALIW NA PAG-IBIG

64
Kung isa-isahin ang nakaraan simula no'ng ika'y aking niligawan hanggang sa dumating ang kasalan, maikukwento ko ng walang alinlangan kung paano tayo nagsimula at nag ibigan. hindi sa lahat ng panahon ang mga bagay ay naaayon sa kung paano natin gusto at 'di lahat ay agad na natatamo. Unang kita palang, napaibig na ako Lalo na sa mga sumunod na pagtatagpo walang duda pana ni kupido ’y tinamaan ako sa isang tulad mo puso ko'y nahulog ng di napagtanto, sa pakiwari ko’y  pakana nga ito ni kupido. sa isang tulad mo puso ko'y nahulog ng di napagtanto, sa pakiwari ko’y  pakana nga ito ni kupido. Sa iyong mga mata Nasisilip ko ang langit pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit Palapit ng palapit, ang titig,   Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik at ayaw ng mapapikit, Akoy nag aasam at humihiling sa panginoon at biglang kanyang  dininig Hindi inaasahan ang iyong pagdating. Pagod kong puso’y iyong ginising. Buhay ko'y binigyan ng ningning, Ikaw lang ang gustong makapiling Sa iyong mga mata Nasisilip ko ang langit pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit Palapit ng palapit, ang titig,   Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik at ayaw ng mapapikit, Akoy nag aasam at humihiling sa panginoon at biglang kanyang  dininig Hindi inaasahan ang iyong pagdating. Pagod kong puso’y iyong ginising. Buhay ko'y binigyan ng ningning, Ikaw lang ang gustong makapiling. dumating ka sa mundo ko’t iyong niyanig pinukaw ng iyong tinig “Happiness Happiness Happiness” Ang tinig na aking narinig at napatulala at napatitig Biglang nag usisa sa sarili nagtanong, Paano ko ba mapapaliwanag ang  hiwaga nitong pagmamahal na kung bakit sa puso ko’y kumapit ng kusa Minsay ako’y nagtataka’t di maka paniwala linalaro sa panaginip ang dakilang pagsuyong inayunan ng tadhana’y nag ka sundo tuluyang hinamon ang matapang na puso Hindi ka na malulumbay, kapag nasisilayan ko ang iyong labi, may taglay na ngiti Pagod koy napawi, limot ko na ang ligalig na iyong pinag iigi kaya wag mag madali pagkat atin ang sandali At ng sayo’y napalapit ayaw ng lumayo andito na ang iyong Sandalang Balikat Na hindi madadaan sa gulat Hawak hawak ang maliliit at malambot **** mga kamay Habang may ibinubulong ang boses ****  malumanay Umalis ng walang plano, walang dala kundi ang puso. pero saan nga ba patungo? Bawat hakbang ng paa, bawat hininga, ninanamnam para sa ikasisiya pero saan nga ba patungo? Ramdam ang pagod kinailangan ng tumukod ngunit hindi susuko. pero saan ba talaga patungo? Marami ng nadaanan at natambayan Pero di naman kaianaman Hangang sa dumating na sa dulo na ang puso’t pag ibig ko’y nasa iyo Dahil di ako sanay na ikaw ay mawalay Andito na ako Sa unang pag kakataon Sa araw ng mga puso   Sa Ika labing apat na araw ng pebrero sa kalendaryo Bungkos ng  rosas ay para sa iyo Sa masayang araw at hanging maaya, ang sinugong puso’y sumasaiyo at ito’y magsasabing Sa tuwa at dusa, Hirap at ginhawa Sarap at ligaya Ang “Balentayns” Ko’y ikaw Walang iba! ! ! ! ! Subukan naman
0
Aug 20, 2019
Aug 20, 2019 at 6:41 AM UTC
Tula Para sa unang Ika Labing Apat ng Pebrero

107
heto nanaman ako, iniisip ka, sinta. heto nanaman ako, nagpapakatanga iniisip kung bakit hindi maaring maging tayo iniisip kung hanggang kailan ako masasaktan, hanggang kailan ko mararamdaman ang makapinsalang tatak ng pagiging isang matalik na kaibigan (lamang). sabihin mo nga sa akin, sinta: ilang luha pa ba ang aking ia-alay ilang malulumbay na kanta pa ba ang aking pakikinggan ilang tula pa ba ang aking isusulat bago kita makalimutan nang tuluyan bago kita mahalin sa paraan ng pagmamahal nila sa isang kaibigan bago kita tuluyang mapakawalan? heto nanaman ako, sinta: iniisip ka nagpapakatanga at naghihintay na iyong sabihin, "biro lang, sinta."
0
Sep 9, 2017
Sep 9, 2017 at 10:38 AM UTC
sinta
I. Akala ko dati masaya mag-isa, Pero hindi pala. Darating ang mga gabing malulumbay ka. At pakiramdam mo iniwan ka na nila. II. Akala ko dati kaya ko mag-isa. Pero hindi pala. Dahil kahit anong mangyari, Kakailangan mo pa rin sila. III. Eto ang isa kong natutunan sa buhay, Sa mundong ito kailangan mo rin ng karamay. Kahit sino, basta’t mapagkakatiwalaan. Pwedeng kaibigan o ka-ibigan. IV. Masaya naman talaga minsan– Ang mamuhay mag-isa. Nagagawa mo ang lahat ng naisin mo. At tiyak na hawak mo ang oras mo. V. Pero mas masaya mamuhay ng may kasama, Kahit isa lang basta tunay siya. Yung laging nariyan para ika'y damayan, At kailanman hindi ka iiwan. VI. Yung taong makakasama mo sa kalokohan at– Yung taong kasundo mo sa lahat ng bagay. At kung sakaling natagpuan mo na s'ya. H'wag mo na s'yang papakawalan pa.
0
Jun 24, 2016
Jun 24, 2016 at 12:01 PM UTC
Mahirap Mamuhay Ng Walang Karamay
Maikli lng ito, hindi mahaba kagaya ng pasenya ko. Tamang tama lang kagaya ng pagmamahal ko sayo. Parang kape lang yung tipong kahit malamig na, wala na yung init, gusto mo paring tikman dahil gusto mo siya, masarap, matamis kahit malamig. Kaylan kaya babalik yung init na nararamdaman ko habang hinawakan ko ang iyong mga kamay? Hindi marahil sa estado ng puso ko, malalim ang determinasyon kong maghintay. Saludo ako sa katatagan kong kahit sa saya at pighati hindi ko man lang nasubukang ibigay ang puso ko sa iba. Sapagkat alam kong kahit hirap na hirap kana, alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay at hahanapin ang bawat isa. Subalit habang ang oras ay dumadaan, ako'y nag-iipon ng tapang sa katawan. Iniisip na niyayakap mo ako at binulungan, hindi paaasahin gaya ng ginawa mo saakin noong nakaraan. Ngunit ano pa nga ba ang aking magaggawa, kung sa una pa lamang ng ating pagkikita ako ay nagmamahal ng isang tala. Kung pwede lang sanang bigyan moko ng isang pagkakataong baguhin ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa nakaraan. Ang mga pagkakamaling nananatiling nakaukit sa puso't isipan, ako'y nagdadasal na sana sa isang sandali tuluyan ko itong makalimutan. Hindi ko lubusang maisip ang sakit na dinaranas mo sa mga oras na iyon, sa mga tangang desisyon na iniwan kita para magbago ang intensyon. Intensyong akala ko ika'y nagkagusto saakin dahil ako'y naghahabol sayo, sadyang takot lang akong baka sa isang saglit ika'y biglang maglaho. Ilang beses na akong nagbuntong hininga upang mailabas ang lungkot na aking nadarama sapagkat dati ako yung pinakawalan, ikaw ang nahirapan. Tapos sa kasalukuyan, kabaliktaran ang aking nararamdaman, ako yung nasasaktan, kahit ikaw yung aking iniwan. Gusto kong lumapit sayo ngunit sa tuwing gagawin ko ramdam ko ang 'yong paglayo. Ano pa nga ba ang aking magagawa? Kung ayaw mo na saakin di na kita pipilitin. Isa lang naman akong taong mahina, ginawa para ika'y mahalin.
0
Aug 31, 2017
Aug 31, 2017 at 8:22 AM UTC
❝Katangahan❞

1
SANA AY MAY ISANG ARAW NA IKA’Y AKING MATANAW AT SA IYO’Y ISISIGAW ANG LALIM NA SUMASAKLAW NG DAMDAMING NATUTUNAW AT PUSONG DI NADADALAW NA ANG PAG-IBIG KO’Y IKAW HANGGANG SA AKO’Y PUMANAW KUNG AKO MAN AY NAWALAY AT SA HANGIN AY SUMABAY PATUNGONG KABILANG BUHAY AKO’Y HINDI MALULUMBAY SA LAMIG AKO’Y AAKBAY AT SA DILIM AY HIHIMLAY ALAALA ANG SYANG GABAY SA AKING BIGONG TAGUMPAY MALI MAN ANG NAGING LANDAS NG PAG-IBIG NA TUMAKAS SA BUHAY KONG NAKALIPAS NAWALA MAN ANG AKING LAKAS AT ANG KULAY AY KUMUPAS NGUNIT ANG DAMDAMING WAGAS KAYLAN MA’Y DI MAGWAWAKAS KAHAPON, NGAYON AT BUKAS
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 9:46 PM UTC
PAG-IBIG
29 Sa pook kung saan sila unang nagkita Pag-ibig ang nadama sa isa’t isa 30 Sa araw na iyon parang ayaw mawalay Mangyari man ay malulumbay 31 Oh anong saya ang nasa puso Kagalakan sa damdamin ay puno 32 Nag-uumapaw na kaligayahan Hindi maipaliwanang ninuman 33 Makikita sa mga mata Ang taos-pusong pagsinta 34 Nang magkadaupang-palad Animo’y ayaw nang umigtad 35 Mga hibla ng pagsinta’y saginsin Ang muli pang magkita’y kanilang hangarin. -07/09/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:50 PM UTC
Ihipna 5 -Sa Tuktok ng Bundok-