Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maloko" poems
Kahit na ano pang isipin ng lahat tungkol sa ating dalawa Pangako ko sayo na hinding-hindi na magbabago pa Ang natural na pag-ibig na nakatanim dito, oo dito Pag-ibig na nagbibigay lakas sakin at sa buong pagkatao ko Natatandaan mo ba? Lahat nang pagsuyo na aking ginawa Lahat nang binigay sayo'y ginusto ko at ninais ng kusa Hindi man ako tulad ng iba na may maipagmamalaki talaga Pinilit ko pa ding maki-ayon at kayanin para makasama ka Kung ano man ang nais na hilingin Handa akong ito'y tanggapin Kahit na magpakatanga sa lahat, Ng pagkakatao'y aking gagawin Kasi mahal kita, oo totoo na mahal kita Totoong lahat ng ito para sayo, noon pa Handa naman akong maghintay sa isang tabi Hanggang sa dumating ang araw na handa kana binibini Ikaw ang tanging lakas Sandalang walang wagas Para bang ako'y tinamaan ni kupido Ang puso ko ay lagi ng ganado Isipin man na ako ay nambobola Isipin man lahat ng 'to sa umpisa Isipin man na agad mabalewala Isipin man na maloko sa salita Hindi ko gagawin ang panloloko Na ginawa sayo't pang-uuto Mananatili lang akong nakagabay sayo Handang pasanin pati lahat ng problema mo Laging nakatitig sa maganda **** mga mata Lahat ng pagod ay agad na nawawala May mga bagay na madalas kuntento na Pag nakikita ang iyong ngiti, na nakatutuwa Patawad kung madalas ako'y madikit sayo Patawad kung masyado akong makulit sayo Pasensya na kung ganito ang nararamdaman ko Masyadong halata, masyadong mainip kung magmahal ako Salamat kahit wala kang ginagawa, Dahil presensiya mo lang sa aki'y sapat na Salamat sa pagtanggap at hindi pagtaboy sa akin Salamat sa maliligayang sandali na palagi kong gugunitain Nagdadalawang isip ka pa ba? Seryoso ako, mahal na mahal kita Hindi naman ako nagmamadali, alam kong nariyan ka Mahal kita, at iyon ang isinasaad ng aking tula.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:18 AM UTC
Mahal. Kita.

Continue reading...
44
Ang sakit pala, Na binabalewala mo lahat ng alaala. Na hindi mo na ko kilala, Ang sakit pala. Ang sakit pala, Na maiwang walang wala. Na makuhanan rin ng pera, Ang sakit pala. Ang sakit pala, Na maging estranghero ako sayo bigla. Na maghintay ng walang napapala, Ang sakit pala. Ang sakit pala, Na makita kang may kasamang iba Na alagang alaga mo siya, Ang sakit pala. Ang sakit pala, Na magmukhang tanga. Na maloko habang nagmamahal ka, Ang sakit pala. Ang sakit pala, Ng lahat ng dinarama. Na dahil sayo kaya sinusulat ang tula, Ang sakit pala.
0
Apr 18, 2017
Apr 18, 2017 at 3:14 AM UTC
Ang sakit pala.
Napakadami nating letrato na magkasama Tingnan mo oh ang saya mo pa. Sa lahat ng imahe, napapangiti kita Hindi ko pinaramdam na nagiisa ka. Mahal, may nalaman ako Mahal, alam kong di yun totoo Hindi naman di ba mahal ko? Sabihin **** mali yung nalaman ko. Sabi mo kaibigan mo lang sya? Kasi sabi mo "Barkada" Oo tama ka, kabarkada ko pa! Ano ba yan, pinagmuka nyo kong tanga! Mahal bakit nyo naman ako niloko? Hindi naman ako bato Na kayang magpakamanhid sa ginawa nyo Na kayang tanggapin ang pagkakamali nyo. Kaya pala, Pag wala sya nalulungkot ka Tanga ko, bat di ko nahalata? Puta kasi nabuglag ako sa pagmamahal, kingina! Ang sakit maloko Ang sakit masaktan ng patago Ang sakit na ang relasyong to'y isang laro Laro lang dahil ginamit mo lang ako. Pero mahal salamat ha? Salamat sa tubig na tumulo saking mga mata Salamat sa laro na habang buhay ay ako ang taya Larong sakin ay nagpaluha.
0
May 24, 2018
May 24, 2018 at 5:37 PM UTC
"LARO"
Napakahiwaga ng iyong pag-ibig Hindi ko alam kung paano at bakit Pero patuloy pa rin akong kinikilig Sa iyong ngiti at titig Mistula akong bumalik sa panahon ng aking panliligaw Sapagkat ang puso ko'y walang ibang sinisigaw, kundi ikaw Muntik na akong mabaliw dahil ilang kilometro ang distansya natin at hindi kita matanaw Pero sa oras na ang iyong palad ay dumampi na sa aking balat Alam ko sa sarili ko na totoo at tunay ang lahat Alam kong hindi ako nabubuhay sa isang panginip At siguradong hindi rin ako pinaglalaruan nitong maloko kong isip Nandito ka na sa aking harapan Ikaw ay muli kong nasilayan,nahawakan at muli kitang naramdaman Napakahiwaga ng iyong pag-ibig Hindi ko alam kung paano at bakit Pero patuloy pa rin akong kinikilig Sa iyong ngiti at titig Sa tuwing ikaw ay nandiyan ang puso ko'y bumibilis sa pagpintig Maraming nagdududa at nagtataka pero sa huli pagmamahal pa rin ang nanaig Samahan na pinagtibay ng panahon at tila malabo nang madaig At ngayon na patuloy pa rin nating isinusulat ang ating istorya Na ngayon ay mayroon nang bagong kabanata At tila ba lalo pang gumaganda ang tema Asahan mo na mapupuno ng mga magagandang eksena ang bawat pahina Ako pa rin ang iyong hari at mananatili kitang reyna Sapagkat sobrang hiwaga ng iyong pag-ibig At hanggang ngayon ako ay patuloy mo pa ring pinapakilig
0
Feb 2, 2018
Feb 2, 2018 at 1:41 PM UTC
Para Sa'yo
sinusunog na mga bahay, sinasamsam ang mga ari-arian, sinasaktan pati ang mga bata, ginagahasa ang mga babae, at pinapatay ang mga lalake. ganito araw-araw ang kanilang sinasapit, hindi sa kamay ng mga tulisan o rebelde, hindi sila ang salarin sa pang-aapi, kundi ang estado at militar ang pasimuno. sila ang pasistang halimaw na naninibasib, pagkat gusto nilang maubos ang mga Rohingya. hindi daw sila taga Burma, latak daw sila ng mga Arabong dayo, kaya kailangan na sila'y malipol. walang magawa si Aung San Suu Kyi, pati s'ya hawak sa leeg ng militar. walang ginagawa ang Amerika at UN, palibhasa wala silang mapapala sa mahirap na bansa. isa na naman ba itong Rwanda, o katulad sa Gaza? walang gustong tumulong sa kanilang walang pakinabang. maramot ang saklolo sa mga madaling maloko, hindi kinakalinga ng langit ang mga tunay na api at kapos palad, sapagkat ang mata ng kasaysayan ay nakatuon lagi sa Europa at sa mga bansang masagana.
0
Dec 11, 2017
Dec 11, 2017 at 4:04 AM UTC
ROHINGYA AT ANG ETHNIC CLEANSING SA MYANMAR
meron akong aaminin. aaminin kung masaya ako tuwing nakikita kita, aaminin kung naniniwala akong mahal moko na minahal mo ako,na masaya ako tuwing kasama kita, na kahit puro nakaw nasandali lang ang kaya **** ibigay sa akin, okay lang kasi mahal kita. na sa bawat oras na wala ka nawawala ako sa katinuan. nawawala ako sa katotohanang ang lahat pawang laro lamang at sa kasamaang palad sa ating dalawa ako ang laruan. ou yun ang naramdaman ko sa tuwing itatanggi mo ko. sa harap ng mga kaibigan mo ako isa lamang aninu na sunod ng sunod sa mga yapak mo. na ang turing mo sa tulad ko ay parang laruan na pag di mo na gusto ay itatapon mo. nung una akala ko talaga mahal mo ko kasi sinabi mo, binigkas ng mga labi mo, yung katagang mahal moko at ako ay sayo at ikaw ay akin. pero ito ako ay bobo..ayun naloko, naloko ng mga matatamis na salitang binitiwan mo. naloko ako ng mga ngiti mo. kasi habang kasama mo pala ako dahan dahan mo pala sinasaksak ang likod ko. ou na saktan ako. nasaktan ako ng todo kasi akala ko talaga merong tayo, merong ikaw at ako. merong lugar sa puso mo ang tulad ko. ang gago ko kasi sa dami ng pweding mahalin ko ikaw pa ang napili ko isang prinsisa, na kailan man di pweding umibig sa isang tulad ko na prinsisa din. pero alam mo ang masakit sa lahat ay nung tinalikuran mo ko habang dumudugo pa ang mga sugat ko. sugat na dulot mo, di kita masisi kasi may mali, mali ako kasi minahal kita ng todo. siguro nga ito ang tadhana ko ang maloko ng isang tulad mo. pero sana naman maisip mo di ko kasalanan kng pinatay kita sa isip ko kasi pag patuloy kang buhay dito araw araw akong namamatay araw araw akong masasaktan. at aaminin ko ito na ang huling mga salitang iuukol ko sayo kasi tapos na tayo dapat tapusin ko na din to, sa huli gusto pa rin sabihin sayo na minahal kita ng todo pero tangina mo.
0
Oct 20, 2017
Oct 20, 2017 at 4:20 AM UTC
untitled

1
Dating tayo Hindi na siya tulad ng dati, Hindi na siya madaling maloko, Hindi na siya kinikilig sa sulyap mo, Hindi na din siya tumatanaw sa mukha mo. Hindi na nya sinusubukang kausapin ka, Hindi na nya kinakanta ang paborito **** musika, Hindi na nya binabasa ang dating sulat nyo sa isat-isa. Hindi na, hindi na, hindi na. Masakit pala yung salitang "hindi na", Depende sa nakakakita, Depende sa nakakaramdam, At depende sa umaasa.
0
Feb 18, 2019
Feb 18, 2019 at 1:32 AM UTC
Untitled