Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makakaraos" poems
Puso may nasugatan, maghihilom din ito Sugat na dala ng pait ng paghihiwalay, ibaon mo na sa limot Ba't di nalang isipin mga maliligayang alaalang iniwan Ng taong minsan **** minahal Mahirap mang bumangon, kakayanin pa rin Dahil sa bawat unos na pinagdaanan Kalinawan ng damdamin ang nakaabang Na siyang magbibigay lakas sa iyong muling pagbangon Mabigat man ang mga paa, kaya pa ring igalaw Kung may determinasyon, kaya mo rin umusad Ito'y mahirap pero 'di imposible Magpursige ka lang, makakaraos ka rin Kapag ikaw ay nakabangon na, Umusad mula sa kinatatayuan, Pagkatapos ng mga luhang lumunod sa'yong mga mata Bagong mundo ang iyong matatanaw. Mas maliwanag, mas kaakit-akit, maganda At mas nararapat sa iyo. Nasaktan ka man, 'di titigil ang mundo upang ika'y hintayin Kaya tahan na, dahil ang buhay ay patuloy pa rin.
0
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 5:17 AM UTC
Patuloy pa rin (Tagalog)
Dalhin mo ako sa lugar na alam natin Alam ko naman na ikaw ay tapat at totoo Magkano ba ang pagsang-ayon mo sa akin? Kahit kulang ang sukli, babayaran ng buo Hindi pansin ang pag-andar at oras sa biyahe Sanay naman ako na sumakay at umabante Ang balat ay basa sa pawis at masarap na init Sa ingay galing sa iyo, katahimikan ay napunit Tulad ng mabagal na pagpunit sa daanang masikip Makakaraos rin sa huli, walang lugar ang inip At sa sukdulan, parehos na pagod, hinga ng malalim Sabay tayo nakarating, sa liwanag at dilim
0
Oct 7, 2020
Oct 7, 2020 at 2:21 PM UTC
Jeepney Passenger/Pasahero sa Jeepney
Damdamin ay di maintindihan, Di alam ang gagawin Paano makakaraos sa sakit na nararamdaman Puso'y inaarok sa tuwing ika'y naalala Na kahit ikaw ang nagkamali Ako parin ang ginagambala sa mga alaala Nakatanim parin sa mga alaala Pangako **** ika'y mananatili Hindi makapaniwala na ika'y wala na sa piling ko Ikaw na ang nanakit pero ako padin yung gustong bumalik Ngunit handang masaktan kahit sa bawat sandali Kahit di mo alam Humihiling sa mga tala na ako'y muling mahalin Kung ang hiling ay di man dinggin At kailangan ng tanggapin Ika'y patuloy at tuluyan kong mamahalin Sa araw na sumisika't buwan na hindi nabubuo Kahit di mo alam Pinagmamasdan ka sa malayo't Nagbabakasakaling ika'y muling mahagkan At Dahan dahan ng winawasak ang sarili Kahit di mo alam -Louie Escano
0
Apr 14, 2018
Apr 14, 2018 at 6:27 AM UTC
Kahit di mo alam