Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mainip" poems
Ba't di mapigilan 'tong nararamdaman Kahit aking puso'y lubos ng sugatan Punyal na tumarak dito sa 'king puso Hinagpis ng dibdib na luha ay dugo. Kaysakit isipin kung bakit ganito Lungkot ay bumalot dito sa 'king mundo Laking pagsisisi kung ba't ba nagawa Lahat ng kamalian sa'yo oh! Sinta. Sabihin man nila ako'y isang tanga Puso'y di nagsisi ng piliin kita Sa 'ting mga kaaway ipagtatanggol ka Kahit buhay ko pa ang bawiin nila. Ulan man o bagyo, aking tatahakin Aking iniirog wag mainip sa'kin Maghintay ka lamang tanging panalangin Kanser na pagibig, dapat ba sa akin.
0
Jul 18, 2015
Jul 18, 2015 at 11:40 AM UTC
Kanser na Pagibig
Kahit na ano pang isipin ng lahat tungkol sa ating dalawa Pangako ko sayo na hinding-hindi na magbabago pa Ang natural na pag-ibig na nakatanim dito, oo dito Pag-ibig na nagbibigay lakas sakin at sa buong pagkatao ko Natatandaan mo ba? Lahat nang pagsuyo na aking ginawa Lahat nang binigay sayo'y ginusto ko at ninais ng kusa Hindi man ako tulad ng iba na may maipagmamalaki talaga Pinilit ko pa ding maki-ayon at kayanin para makasama ka Kung ano man ang nais na hilingin Handa akong ito'y tanggapin Kahit na magpakatanga sa lahat, Ng pagkakatao'y aking gagawin Kasi mahal kita, oo totoo na mahal kita Totoong lahat ng ito para sayo, noon pa Handa naman akong maghintay sa isang tabi Hanggang sa dumating ang araw na handa kana binibini Ikaw ang tanging lakas Sandalang walang wagas Para bang ako'y tinamaan ni kupido Ang puso ko ay lagi ng ganado Isipin man na ako ay nambobola Isipin man lahat ng 'to sa umpisa Isipin man na agad mabalewala Isipin man na maloko sa salita Hindi ko gagawin ang panloloko Na ginawa sayo't pang-uuto Mananatili lang akong nakagabay sayo Handang pasanin pati lahat ng problema mo Laging nakatitig sa maganda **** mga mata Lahat ng pagod ay agad na nawawala May mga bagay na madalas kuntento na Pag nakikita ang iyong ngiti, na nakatutuwa Patawad kung madalas ako'y madikit sayo Patawad kung masyado akong makulit sayo Pasensya na kung ganito ang nararamdaman ko Masyadong halata, masyadong mainip kung magmahal ako Salamat kahit wala kang ginagawa, Dahil presensiya mo lang sa aki'y sapat na Salamat sa pagtanggap at hindi pagtaboy sa akin Salamat sa maliligayang sandali na palagi kong gugunitain Nagdadalawang isip ka pa ba? Seryoso ako, mahal na mahal kita Hindi naman ako nagmamadali, alam kong nariyan ka Mahal kita, at iyon ang isinasaad ng aking tula.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:18 AM UTC
Mahal. Kita.

Continue reading...
44
Baka sakali lang naman na alam ko ang tinutukoy mo Nag-iba bigla ang sinasabi ng mga mata mo Noong sinabi **** _'alam mo na yon'_ Pasensya dahil hindi ko kayang kumonekta ng ganon kabilis Natatakot pa akong magtanggal ng damit Natatakot pa akong ipakita ang tunay na ako Patawarin mo ang kahangalan ko Siguro hanggang paghaplos Hanggang pagkapit mo sa mga braso ko At ang manaka-nakang paghawak mo sa mga pulso at kamay ko Paghawak mo sa ulo ko at sabay ang paghaplos sa buhok ko, At ang pagkawala ng mga 'to Dahil madalas na ang pag-iwas mo sa mga mata ko. _Pero saglit,_ May tradisyon pa tayong gaganapin Magkasamang haharapin ang sakit _Saglit_ Sana maabutan pa natin ang buwan na mahahaluan ng mga ngiti At pagsambit ng mga lihim Sana interesado ka pa dahil ganon kabilis nagbago ang isip Walang wala sa bilis ng paglakad mo sa susunod na destinsyon Bakit ganon kabilis? Kaya saglit, Ngayon lang ako magpapahintay kaya sana 'wag ka munang mainip.
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 11:38 PM UTC
Saglit
Manggagawa ang tatay ko at manggagawa din ako, lumaki ako sa lugar na ang mga kapit-bahay ko ay puro mga manggagawa. Dati pangarap ko’ng maging labor lider, maging unyonista na tulad ng tatay ko. Manggagawa mga taong pinalalakas ang katawan dahil ito ang kanilang tanging puhunan. Katawan, dugo at pawis ito ang kailangan dahil wala silang ibang masasandalan. Mga isang-kahig at isang-tuka at mga alipin ng gutom at pangangailangan, mga modernong alipin. Mga factory workers, bodegero, baradero, construction workers, OFW, mga sekyu, mekaniko, latero, karpintero, katulong, hardinero, kubetero, tsuper, kargador, estibador – lahat sila mga manggagawa. Gumagawa araw at gabi kapalit ng maliit na kita, hindi sapat na benipesyo at walang dangal sa harap ng among kapitalista. Mga inuupasala at pinagsasamantalahan, mga gatasan na laging tinatampalasan ng mga walanghiya at mga tampalasan. Manggagawa na walang dangal na laging busabos ng mga mayayaman at makapangyarihan kailan mo kaya makikita ang araw ng iyong katubusan? May mga dambuhalang mahilig kumain ng laman mga halimaw na walang kabusugan, mga bampira na sinasaid ang dugo ng biktimang walang kalaban-laban. Ganyan ang mga kapitalistang ating pinaglilingkuran. Mga walang pakialam sa buhay ng iba ang mahalaga sa kanila ay ang kumita ng limpak-limpak na pakinabang. Mga kapwa manggagawa may araw din na tayo ay lalaya. 'Wag mainip sapagkat nakatunghay ang kasaysayan ang batas nito ang magsasabi kung kelan tayo lalaya sa tanikala ng mga mapang-aping panukala.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 8:15 PM UTC
MANGGAGAWA

4
Teka, Teka, Teka Bago ang lahat ako muna'y magsasalita Ngunit 'di ko batid kung paano magsisimula Magsisimulang ipahayag kung gaano ako kasaya Pa'no ko nga ba sisimulan? Ipahayag sa madla ang inungkat na nakaraan patungo sa aking magandang kasalukuyan. Sige na ito na, huwag na kayong mainip pa pagkat akin ng sisimulan. Ako'y isang malayang indibidwal na puro kasiyahan lamang ang nalalaman, batid minsan ang tama ngunit mas madalas ang kamalian. Hindi alintana kung mayroong masaktan basta ako'y nasisiyahan. Buhay ay puno ng negatibismo, hindi alam kung paano gawing optimismo, buhay ay parang walang direksyon nakasanayan habang lumilipas ang panahon. Ngunit isang araw nagbago ang lahat ng biglang sa aking mga mata'y may nagmulat. Minulat aking mga mata para malaman ang tama at Inaya sa mundong ang sentro ay ligaya; sa una'y lito pa ngunit kalauna'y nakasanayan na, nakasanayan na pagkat Siya ang nagpapaligaya. Kayraming pagbabago ang dumating sa buhay ko simula pagaaral hanggang sa pagkamit ng pangarap ko, at lahat ng iyon, alam kong Siya ang tumugon pagkat Siya lamang ang nagsisilbing pundasyon. Kaya't hindi ko makakalimutan ang araw na Siya'y aking mas kinilala, pagkat siya ang dahilan kung bakit buhay ko'y puno ng biyaya. Kaya sa pagtatapos ng tulang 'to, nais ko lamang malaman niyo na ang buhay ko ngayo'y mas naging maayos, dahil ang sentro nito'y walang iba kung 'di ang Diyos! ❤️🙏💯
0
Aug 19, 2020
Aug 19, 2020 at 7:15 PM UTC
Ito Ako Ngayon, Kamusta Ba'ko Noon?
Iniisip mo naman sila. Iniisip ka ba nila? Hahayaan mo na naman bang tangayin ka ng mga alaala o lulunurin ang sarili kahit alam **** wala namang pag-asa. Ayan ka na naman! Namamasa na naman ang iyong mga mata. Hahayaan mo na naman bang tumulo sila? Akala ko ba kaya **** mag-isa? Huwag kang mainip! Titila rin ang mga luha. Hayaan **** sila ang gumawa ng paraan. Hindi iyong ikaw ang laging nagpapatahan. Titila rin ang mga luha. Sana pigilan mo ang puso **** nagdurusa. Maging matatag ka kahit mag-isa ka lang at sikaping sarili mo palagi ang dapat na mauna.
0
Dec 16, 2018
Dec 16, 2018 at 1:37 AM UTC
Titila Rin Ang Mga Luha
Hindi ko kayang ipangako ang langit, bituin, at buwan sa gabi Hindi ko ipagkakait ang eksena na maglalapit sa mga labi Kung saksi ang dilim at ang oras sa pagkakataon na ito, Hayaan ang testigo na iligtas tayo sa korteng mapangmata Alam kong hindi mali ito, nais nating maging tapat dito Mga tulang ang tema lagi ay gabing payapa at tahimik Pero sa pagkakataong ito, ikaw ang paksang walang imik Pinapakiramdaman mo kung ito ay isang palipas panaginip Kung ang pangako ay sisibol sa pagtagal, huwag kang mainip Dahil ang pag-ibig ko'y totoo at nais kong masagip at sumagip
0
May 5, 2020
May 5, 2020 at 10:08 PM UTC
Pagmamahalan sa gabi/ Evening Love Affair