Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Paul Diesta Jul 2015
Ba't di mapigilan 'tong nararamdaman
Kahit aking puso'y lubos ng sugatan
Punyal na tumarak dito sa 'king puso
Hinagpis ng dibdib na luha ay dugo.

Kaysakit isipin kung bakit ganito
Lungkot ay bumalot dito sa 'king mundo
Laking pagsisisi kung ba't ba nagawa
Lahat ng kamalian sa'yo oh! Sinta.

Sabihin man nila ako'y isang tanga
Puso'y di nagsisi ng piliin kita
Sa 'ting mga kaaway ipagtatanggol ka
Kahit buhay ko pa ang bawiin nila.

Ulan man o bagyo, aking tatahakin
Aking iniirog wag mainip sa'kin
Maghintay ka lamang tanging panalangin
Kanser na pagibig, dapat ba sa akin.
Jasper Jul 2019
Kahit na ano pang isipin ng lahat tungkol sa ating dalawa
Pangako ko sayo na hinding-hindi na magbabago pa
Ang natural na pag-ibig na nakatanim dito, oo dito
Pag-ibig na nagbibigay lakas sakin at sa buong pagkatao ko

Natatandaan mo ba? Lahat nang pagsuyo na aking ginawa
Lahat nang binigay sayo'y ginusto ko at ninais ng kusa
Hindi man ako tulad ng iba na may maipagmamalaki talaga
Pinilit ko pa ding maki-ayon at kayanin para makasama ka

Kung ano man ang nais na hilingin
Handa akong ito'y tanggapin
Kahit na magpakatanga sa lahat,
Ng pagkakatao'y aking gagawin

Kasi mahal kita, oo totoo na mahal kita
Totoong lahat ng ito para sayo, noon pa
Handa naman akong maghintay sa isang tabi
Hanggang sa dumating ang araw na handa kana binibini

Ikaw ang tanging lakas
Sandalang walang wagas
Para bang ako'y tinamaan ni kupido
Ang puso ko ay lagi ng ganado

Isipin man na ako ay nambobola
Isipin man lahat ng 'to sa umpisa
Isipin man na agad mabalewala
Isipin man na maloko sa salita

Hindi ko gagawin ang panloloko
Na ginawa sayo't pang-uuto
Mananatili lang akong nakagabay sayo
Handang pasanin pati lahat ng problema mo

Laging nakatitig sa maganda **** mga mata
Lahat ng pagod ay agad na nawawala
May mga bagay na madalas kuntento na
Pag nakikita ang iyong ngiti, na nakatutuwa

Patawad kung madalas ako'y madikit sayo
Patawad kung masyado akong makulit sayo
Pasensya na kung ganito ang nararamdaman ko
Masyadong halata, masyadong mainip kung magmahal ako

Salamat kahit wala kang ginagawa,
Dahil presensiya mo lang sa aki'y sapat na
Salamat sa pagtanggap at hindi pagtaboy sa akin
Salamat sa maliligayang sandali na palagi kong gugunitain

Nagdadalawang isip ka pa ba?
Seryoso ako, mahal na mahal kita
Hindi naman ako nagmamadali, alam kong nariyan ka
Mahal kita, at iyon ang isinasaad ng aking tula.
cherry blossom Sep 2018
Baka sakali lang naman na alam ko ang tinutukoy mo
Nag-iba bigla ang sinasabi ng mga mata mo
Noong sinabi **** 'alam mo na yon'
Pasensya dahil hindi ko kayang kumonekta ng ganon kabilis
Natatakot pa akong magtanggal ng damit
Natatakot pa akong ipakita ang tunay na ako
Patawarin mo ang kahangalan ko

Siguro hanggang paghaplos
Hanggang pagkapit mo sa mga braso ko
At ang manaka-nakang paghawak mo sa mga pulso at kamay ko
Paghawak mo sa ulo ko at sabay ang paghaplos sa buhok ko,
At ang pagkawala ng mga 'to
Dahil madalas na ang pag-iwas mo sa mga mata ko.

Pero saglit,
May tradisyon pa tayong gaganapin
Magkasamang haharapin ang sakit
Saglit
Sana maabutan pa natin ang buwan na mahahaluan ng mga ngiti
At pagsambit
ng mga lihim
Sana interesado ka pa dahil ganon kabilis
nagbago ang isip
Walang wala sa bilis ng paglakad mo sa susunod na destinsyon
Bakit ganon kabilis?
Kaya saglit,
Ngayon lang ako magpapahintay kaya sana 'wag ka munang mainip.
Hangal, oo hangal
9/9/18
Ang sabog pero hahaha
JOJO C PINCA Dec 2017
Manggagawa ang tatay ko at manggagawa din ako, lumaki ako sa lugar na ang mga kapit-bahay ko ay puro mga manggagawa. Dati pangarap ko’ng maging labor lider, maging unyonista na tulad ng tatay ko. Manggagawa mga taong pinalalakas ang katawan dahil ito ang kanilang tanging puhunan. Katawan, dugo at pawis ito ang kailangan dahil wala silang ibang masasandalan. Mga isang-kahig at isang-tuka at mga alipin ng gutom at pangangailangan, mga modernong alipin.

Mga factory workers, bodegero, baradero, construction workers, OFW, mga sekyu, mekaniko, latero, karpintero, katulong, hardinero, kubetero, tsuper, kargador, estibador – lahat sila mga manggagawa. Gumagawa araw at gabi kapalit ng maliit na kita, hindi sapat na benipesyo at walang dangal sa harap ng among kapitalista. Mga inuupasala at pinagsasamantalahan, mga gatasan na laging tinatampalasan ng mga walanghiya at mga tampalasan.

Manggagawa na walang dangal na laging busabos ng mga mayayaman at makapangyarihan kailan mo kaya makikita ang araw ng iyong katubusan? May mga dambuhalang mahilig kumain ng laman mga halimaw na walang kabusugan, mga bampira na sinasaid ang dugo ng biktimang walang kalaban-laban. Ganyan ang mga kapitalistang ating pinaglilingkuran. Mga walang pakialam sa buhay ng iba ang mahalaga sa kanila ay ang kumita ng limpak-limpak na pakinabang.

Mga kapwa manggagawa may araw din na tayo ay lalaya. 'Wag mainip sapagkat nakatunghay ang kasaysayan ang batas nito ang magsasabi kung kelan tayo lalaya sa tanikala ng mga mapang-aping panukala.
Eugene Dec 2018
Iniisip mo naman sila.
Iniisip ka ba nila?
Hahayaan mo na naman bang tangayin ka ng mga alaala
o lulunurin ang sarili kahit alam **** wala namang pag-asa.

Ayan ka na naman!
Namamasa na naman ang iyong mga mata.
Hahayaan mo na naman bang tumulo sila?
Akala ko ba kaya **** mag-isa?

Huwag kang mainip!
Titila rin ang mga luha.
Hayaan **** sila ang gumawa ng paraan.
Hindi iyong ikaw ang laging nagpapatahan.

Titila rin ang mga luha.
Sana pigilan mo ang puso **** nagdurusa.
Maging matatag ka kahit mag-isa ka lang
at sikaping sarili mo palagi ang dapat na mauna.
Roninia Guardian Aug 2020
Teka, Teka, Teka
Bago ang lahat ako muna'y magsasalita
Ngunit 'di ko batid kung paano magsisimula
Magsisimulang ipahayag kung gaano ako kasaya

Pa'no ko nga ba sisimulan?
Ipahayag sa madla ang inungkat na nakaraan
patungo sa aking magandang kasalukuyan.
Sige na ito na, huwag na kayong mainip pa pagkat akin ng sisimulan.

Ako'y isang malayang indibidwal na puro kasiyahan lamang ang nalalaman, batid minsan ang tama ngunit mas madalas ang kamalian. Hindi alintana kung mayroong masaktan basta ako'y nasisiyahan.

Buhay ay puno ng negatibismo, hindi alam kung paano gawing optimismo, buhay ay parang walang direksyon nakasanayan habang lumilipas ang panahon. Ngunit isang araw nagbago ang lahat ng biglang sa aking mga mata'y may nagmulat.

Minulat aking mga mata para malaman ang tama at
Inaya sa mundong ang sentro ay ligaya; sa una'y lito pa ngunit kalauna'y nakasanayan na, nakasanayan na pagkat Siya ang nagpapaligaya.

Kayraming pagbabago ang dumating sa buhay ko simula pagaaral hanggang sa pagkamit ng pangarap ko, at lahat ng iyon, alam kong Siya ang tumugon pagkat Siya lamang ang nagsisilbing pundasyon.

Kaya't hindi ko makakalimutan ang araw na Siya'y aking mas kinilala, pagkat siya ang dahilan kung bakit buhay ko'y puno ng biyaya. Kaya sa pagtatapos ng tulang 'to, nais ko lamang malaman niyo na ang buhay ko ngayo'y mas naging maayos, dahil ang sentro nito'y walang iba kung 'di ang Diyos! ❤️🙏💯
Redaviel May 2020
Hindi ko kayang ipangako ang langit, bituin, at buwan sa gabi
Hindi ko ipagkakait ang eksena na maglalapit sa mga labi
Kung saksi ang dilim at ang oras sa pagkakataon na ito,
Hayaan ang testigo na iligtas tayo sa korteng mapangmata
Alam kong hindi mali ito, nais nating maging tapat dito
Mga tulang ang tema lagi ay gabing payapa at tahimik
Pero sa pagkakataong ito, ikaw ang paksang walang imik
Pinapakiramdaman mo kung ito ay isang palipas panaginip
Kung ang pangako ay sisibol sa pagtagal, huwag kang mainip
Dahil ang pag-ibig ko'y totoo at nais kong masagip at sumagip
Trying my hands at poems made in my native language. Will improve on this and post more once in a while.
John AD Jun 2020
Lugod kong pinasasalamatan ang haligi ng tahanan
Bagamat magulo ang kaganapan , dito sa tahanan
Nag-iba ang simoy ng hangin , hindi na ko marunong manalangin
Lagi nalang napupunta sa wala , ang dalangin ko noon na tinangay na ng hangin

O kay sigla ng ngiti kung babalikan ang nakaraan
O kay sarap sa pakiramdam ang samahang hindi ko malilimutan
Mabilis magpinta ang pintor , ang imahe ay magulo
Ngiti sa larawan , binaliktad ang mga nguso

Batid ko ang kaligayan kung may tamang pag-iisip
Bagkus konti nalamang ang buhay ng mortal na tulad ko , madalas nadin mainip
titig ko sa punyal , titig ko sa lubid
magulo ang pagiisip , pero ang utak ay hindi makitid.
Ama aking pinagkukuhanan ng karunungan , ikay namumukod tangi dahil ikaw ang nag bigay lakas sa akin upang matuto at matauhan .

— The End —