Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Marge Redelicia Jun 2014
May bagong emosyon na sumisibol,
May bagong sakuna na nagsisimula.
Kailangan itong mapigilan ng aking Isipan
Bago pa 'to maunahan ng aking Puso
Na tumitibok, tumitibok,
Tumatakbo!
Pabilis ng pabilis
Tuwing naaalala ko ang
Himig ng kanyang tawa
at hugis ng kanyang ngiti.

Ay!
Kailangan nitong mahinto
Ngayon din.


O Puso, sulong!
Lumaki at lumago.
Hanggang ngayon isa ka pa ring musmos na bata:
Mapaglaro at mapagbiro.
Walang nalalamang masamang hangarin ngunit
Wala ring sinusundan na mabuting tuntunin.

O Puso, urong...
Kapag may naghahamon sa iyo.
Dahil nga isang bata ka pa rin,
Matulog ka lang ng mahimbing.
Huwag kang lumaban,
Sumabay lang sa agos ng tadhana.
Maawa ka naman sa sarili mo
Huwag ngayon,
Huwag muna.
Once again this is just an exaggeration because everything sounds so deep and serious in Filipino waaaaah
Sa 3 taon na ikaw aking minahal
Parang tanga pa rin ako at nauutal
Ikaw ba talaga ay walang napapansin?
O ako ay sadyang mahirap mahalin

Oh aking sinisinta
Hindi ka pa rin ba nakakahalata?
Sabihin mo na upang mahinto ko na
Ang damdaming walang patutunguhan.
MarieDee Nov 2019
Bakit kaya nagkaganito
Tila ako'y gulong-gulo
Sa nangyayari ngayon sa barkada
Tila pagsasamaha'y mawawala

Ngayo'y hindi nagkaintindihan
Sama ng loob ay naglabasan
Tila ako'y mapapatungayaw
Sa kakaiba nilang kilos at galaw

Pagkakaibigan na ating inukit
Ngayo'y tila damit na gulanit
Bigla na lang bang maglalaho
At pagsasamaha'y mahinto?

Sana muling magbalik
Ang samahan na dati'y kay tamis
Sana hindi ninyo malimutan
Ang ating pagkakaibigan

— The End —