Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magpapaalala" poems
Kahit hindi na ako yung maging una o yung huli mo Kahit ako na lang yung na sa gitna niyo Yung pwedeng sumagot ng oo o hindi Yung madalas mang-aya gumala o mangtokis Ituring bilang isang kaibigan, ka-ibigan o pareho, wala naman itong kaibahan Ako na lang yung taga-salo ng mabibigat **** luha kapag hindi mo na kaya pigilan 'to Ako na lang yung magpapaalala sayo kung gaano ka na kalayo mula sa pinanggalingan mo Ako na lang yung magsisilbing checkpoint mo kung sakaling hindi mo pa kaya papuntang dulo Ako na lang yung magiging gabay kapag hindi mo na alam kung saang daan tutungo Ako na lang yung magbibigay liwanag pagkatapos ng gerang pinasok mo Ako na lang yung taga-sabi sayo ng "tiwala lang, kaya yan" kapag tambak ka sa dami ng trabaho Ako na lang yung magpupulot ng bawat piraso ng pagkatao mo na nadurog sa nagdaang mga bagyo Ako na lang yung susuporta sayo sa laban kapag malapit ka ng matalo Ako na lang yung mag-aabang sayo kapag malapit ka na sa may kanto Ako na lang yung magpapayo kapag naguguluhan ka na sa pag-ikot ng mundo Ako na lang yung mapagkakatiwalaan mo na pwedeng sabihan ng mga pinakatatagong sikreto Ako na lang. Ako na lang yung gaganap sa parteng to Yung di ganon ka-importante, hindi din kawalan Laging maaasahan kaya ayun, laging umaasa Ang magbabalanse sa daloy ng kwento Kahit yun na lang tayo; sayo.
0
Oct 29, 2016
Oct 29, 2016 at 10:00 AM UTC
Kahit 'Yun Lang
Nagsimula ang lahat sa simpleng pag uusap Hanggang sa dumating yung puntong lagi na kitang hinahanap Kasa-kasama ka na sa bawat kong pinapangarap Ikaw ang nagbibigay lugod sa kalooban Kong naghihirap Kaya akala ko noon ikaw na ang sagot sa pusong sugatan Ngunit ginamot mo lang din pala ito ng panandalian At sa pag alis mo, mas malalim pa ang sugat na iyong iniwan At ngayon Hindi ko na alam kung sino pang lalapitan Magagamot pa ba ang sugat na iyong idinulot? Sa nabasag Kong puso mayroon pa kayang pupulot? Magawa ko pa kayang kalimutan ang lahat ng sakit O mananatili na lang sa puso ko ang lahat ng inggit? Ayoko na. Ayoko nang mabuhay sa mundong binago mo Ayoko nang mabuhay sa mundong kinalalagyan ko Ayoko nang mabuhay pa sa mga pag-asang walang patutunguhan At Sa mga pantasya't pangakong sinusubukan ko nang kalimutan Ayoko na. Hindi na maghihilom ang sugat na idinulot mo Kahit ilang band aid pa ang ilagay dito O kahit Ilang taon man ang lumipas Sakit ay hindi kukupas Sugat dito sa puso'y mananatiling isang marka. Na lagi saking magpapaalala "Nagmahal ako at Nagpakatanga Para sa pag-ibig na walang pinatunguhang maganda."
0
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 1:43 AM UTC
Sugat
Inaalala ang araw na tila yata dapat kalimutan at ibaon sa lupa. Inaalala ang araw na akala'y umpisa ng kasiyahan ngunit naging simula at  sanhi ng pag pagkabigo ng pusong hanggang ngayon ka'y hirap buuin. kakalimutan hindi dahil puno ng pait ang araw na iyon, kungdi dahil ikaw mismo ang nag bigay walang silbi sa isang araw na tumibok ulit ang pusong takot magmahal. Kakalimutan ang bawat alaalang magpapaalala sa isamg araw na nagsimula at natapos ang paniniwala ng isang tulad ko sa pagibig.
0
Feb 1, 2018
Feb 1, 2018 at 9:11 AM UTC
Alaala
Naaalala ko pa ang sandaling sinigaw mo sa mundo pagmamahalan ay kailanman di magbabago Sabay hawak sa aking mga kamay Habang nanonood sa paglubog ng araw sa Pagsapit ng dilim patuloy na humihigpit ang iyong pagkapit at hindi bumibitiw Sa gabing mga bituin ay nagniningning na kayang kaya kong ikumpara sa iyong mga ngiti na kailanman di mo pinakita sa kanila na tanging akin lamang at hindi maaagaw ng iba Naaalala ko pa Ang mga pangakong narinig ng aking mga tenga sa harap ng dambana na tanging kamatayan lamang ang makakapaghiwalay sa ating dalawa at nakita mo ang mga tumutulo kong luha na labis na di makapaniwala na ang babaeng nasa harap ko ang babaeng mahal ko ang babaeng hinintay ko ang babaeng pinangarap ko ay ang babaeng pakakasalan ko Maaalala mo pa kaya kung sakaling isigaw ko ulit sa mundo na patuloy ang pagmamahal kong di magbabago kahit wala na ang kamay na minsa'y humawak sa akin ng mahigpit kung bakit bumitiw mga gabing dadaan na magpapaalala sa iyong ngiti kung gaano kahapdi at kung gaano kasakit na ang babaeng mahal ko ang babaeng hinintay ko Ang babaeng pinangarap ko Ang babaeng nangako at sumigaw sa mundo Na ang pag ibig natin ay walang hanggan pero bakit andito tayo sa dulo mararamdaman mo ang kaba at lungkot sa puso ko ang isip kong di magkandaugaga kung paano ko ipapahayag ang aking nadarama simula sa unang pagkikita sa pagsambit ng mahal kita At mamahalin kita kahit abo na lamang ang pinanghahawakan ko sinta
0
Oct 24, 2018
Oct 24, 2018 at 6:43 AM UTC
Walang Hanggan
Litrato mo na ba ang susunod kong makikita? Hawak ang kamay nya, may ligaya sa ngiti mo habang inaalalayan sya papalabas ng dambana? Larawan niyo na ba ang susunod kong makikita sa newsfeed ng aking social media? Ang umani ng maraming likes at puso galing sa iba? Larawan niyo na ang susunod kong makikita, magkalapat ang mga labi at marahang pinikit ang mga mata. Larawan nyo na ba? Ang susunod kong makikita sa primary nyo tuwing lilitaw ang mga pangalan nyo. Larawan nyo na ba? Ang magpapaalala sakin ang sarap magmahal, kapag sya ang kasama kasi pinaglaban mo sya, na parang sya lang ang mimahal mo ng ganyan. Bibilang din ba ako ng isa, dalawa, tatlo. Hangang makarating ako saan? Ilan?  Sabihin mo, hanggang ilan? Hanggang kelan? Hindi ako magaling sa numero tulad nya dahil yun ang propesyon nya, pero alam ko.. Hindi natatapos ang numero at kung matatapos man, hindi ako sigurado kung kelan.
0
Mar 22, 2018
Mar 22, 2018 at 1:13 AM UTC
Sa araw na ito.