Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Allan Pangilinan Dec 2015
Disoras na naman ng gabi,
At ‘di ko alam kung saan ako aabutin ng kahangalang ito.
Andaming sabi-sabi sa mga tabi-tabi,
At naisipan kong isulat ang ilan sa mga ‘to.

Kung mabasa ito ng iba kong kakilala,
Siguradong pagti-tripan ako ng mga tangina.
Pero ayos lang, ano pa bang mawawala?
Sanay na ako’t sobrang kapal na ng aking mukha.

Nais ko lamang ibahagi ang isang kwento,
At marining kung ito’y naranasan na din ba ng iba.
Pagkat sa ikot ng ating mundo,
Ang kwentong magkapareho’y anong ginhawa.

Hayskul ako noon nang una kong masabi na, “Shet, gusto kita.”
Ano pang mga ka-kornihan ang ginawa ko’t sumulat ng tula.
Napainom pa ako ng energy drink para lang masabi,
Na sa tuwing nakikita kita’y abot langit naang aking ngiti.

Ngunit ayun lamang at ako’y ‘di pinalad.
Sa mga rasong tila dapat ay batid ko naman.
Paano nga ba ang sarili’y mailalakad,
Kung sa mga simpleng salop ako’y walang mailaman.

Naging mabuti naman pagkat ika’y minahal ng isang tunay na kaibigan,
‘Wag niyo na lamang akong imbitahan sa inyong kasal.
Sa ngayo’y ang alaala na ito’y dumaraan na lamang,
Tuwing napag-iisa’t ubod ng pagal.

Limang taon ang nalipas at muli kong sinubukan,
Sa ibang babae naman binuksan ang kalooban.
Akala ko ay pwede na,
Ngunit, puta, ‘di rin pala.

Ang hirap mo maging kaibigan,
Lahat ng tao sa paligid mo’y ako’y sinisiraan.
Batid kong may pagkakaiba ang ikot ng ating kaisipan,
Ngunit inakala kong posible ang pagkakasunduan.

‘Di ako ng tipo ng madalas magkagusto,
Lalo na din siguro sa mga pangyayaring nasulat rito.
Tingin man ng iba’y dapat maataas ang aking tiwala sa sarili,
Mga taong ‘may kaya niyan’ ay sadiyang pili.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko.
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako,
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?”

Nanay ko lang tumawag sa aking gwapo,
At sa mga manininda at drayber ko lang narinig ang, “Uy, pogi!”
Ngunit sa katotohanan pala’y iba-iba talaga ang pagtingin ng tao,
At minsa’y may mga tunay sa magkakagusto sa’yong mga ngiti.

May mga lumapit na rin,
Babae at lalaki, nagparamdam ng pagtingin.
Ngunit ayaw ko ring lokohin sila at ang aking sarili,
Kung ‘di naman tunay ang magiging pagpili.

Kaya siguro ako tumatandang ganito,
Malakas ang loob at mukhang masungit,
Dahil sa loob ng 20 taon ay kinaya ko ang sarili ko,
Mag-isa akong bumabangon at pumipikit.

Kinaya kong mamuhay ng mag-isa,
Kaya mahirap hanapan ng lugar ang para pa sa iba.
Ngunit ‘di tayo nawawalan ng pag-asa,
Na merong ‘siya’ na darating nga.

Andami nating hinarap na mga problema,
Iniyakan ‘to, uminom dahil dun at kung anu-ano pa.
Ngunit kung iisipin, masa madali **** malalampasan yan,
Kung may isang taong tunay kang pakikinggan.

Sa lahat ng ‘di buong nabiktima ni kupido,
Na sa’yo lamang lumipad ang palaso,
‘Wag kang bibitiw kapatid ko,
Ang araw ng iyong kasiyahan at ligaya’y pinapangako ko.

Patuloy na managarap at managinip,
Tadhana’y nariyan at unti-unting sisilip.
Malay mo bukas paggising mo,
Kayakap mo na ang taong pinapangarap mo.
Nasa banyo ako nang maisip ko ang ilang mga taludtod para sa likhang 'to.
raquezha Jul 2018
Hindi ako takot umibig pero takot ako sa’yo.
Hindi dahil sa ayoko sa’yo kun’di sa tingin ko’y hindi malabong magkagusto ako sa’yo. Hindi malabong hanap-hanapin ko ang gabing ito at ang magagandang kwento mo.
Hindi malabong hanap-hanapin ko ang boses mo—ang mga titig mo… baka masanay ako.

Hindi ako takot umibig pero takot makong mahulog.
Sapagkat paano mo iibigin ang taong estranghero? Kung sa unang gabi palang ng iyong pagkikita ay nahulog ka na.
Nahulog sa kwentuhang matagal, sa kanyang boses na hindi pagal.
Sa mga ngiting nang-aakit,
sa mga matang nakakahumaling,
sa kanya na hindi pa kilala pero pakiramdam ko matagal na kaming nagkita.

Takot ako sa dilim,
pero mas takot ako sa liwanag. Takot akong makita ang sarili kong kasama ka.
Baka kasi pag nasanay na ako sa liwanag ay bigla na lang itong mamatay hanggang sa unti-unting dumilim ang paligid ko at baka masanay ulit ako.
Masanay ako na maglakad na para bang nakapikit. Maglakad patungo sa palaisipang lugar na paikot-ikot lang ang daan.
Baka bigla nalang akong yakapin ng dilim sabay bulong sakin ng "tumigil ka na tanga!"
Baka biglang lumabas ang mga kaibigan ko sa dilim at masanay sila sa liwanag.
Baka multohin nila ako habang tirik ang araw at habulin ako sa kung saan.
Baka habang tumatakbo ako palayo ay mabulag ako sa liwanag na dulot mo at baka mabangga ako at muling mabuhay ang mga alaga kong paru-paro.

Hindi ako takot sa patay, pero takot ako sa buhay.
Takot akong mabuhay ang mga daga sa aking dibdib na matagal nang nanginginig sa lamig.
Takot akong matunaw ang mga yelo na matagal nang nakapulopot sa puso ko.
Takot akong matunaw ang mga ito at lunurin ako sa pag aakalang tunay ang mga nararamdaman ko.
Takot ako sa majikang dulot ng pagibig na nag bibigay buhay sa mga patay na kandilang dala-dala ko.
Takot akong maging maliwanag ang paligid ko at makita ang katotohanan ng mundo.
Takot akong makita na ang mundo natin ay iisa pero mas takot akong malaman na iba pala ang gusto **** kasama.

Hindi ako takot mag-isa,
pero takot akong kasama ka.
Takot akong makasama ang mga dati **** kasama— baka kasi kung ano’ng sabihin nila.
O kaya pag kasama mo sila at kapag madami na sila maramdaman ko ulit kung pa’no ang mag-isa.

Hindi ako takot sa luma, pero takot ako sa bago.
Sana kahit may dumating na bago,
walang magbago. Sana kahit mag mukha na akong antigo, wag mo akong itago gaya ng mga nakalagay sa inyong aparador.
Hindi ako plato, kutsara o tinidor na gagamitin mo lang sa piling-piling okasyon dahil wala ka nang ibang opsyon.
Sa piling-piling araw na kung saan ipapagamit mo lang sa kung sino-sinong tao dahil yun lang ang silbi ko.
Takot ako
Takot ako
Natatakot akong mapalitan ng bago.
Takot ako
Takot ako
dahil lang meron bisitang darating kasabay ng pagtapon mo saakin.
Takot ako
Takot ako
Kasabay ng mga bago pang darating wag mo sana akong paglumain.

Hindi ako takot sa wakas pero takot ako sa simula.
Lahat kasi ng sinimulan ko parang laging may nakakapit na malas
lagi nalang gustong kumalas sa pagkakapit hanggang sa mag wakas.
Hindi kasi lahat ng wakas ay may kasunod na simula—
simula ng panibagong bukas.

Hindi ako takot sa sagot pero takot ako sa tanong.
Mahal mo na ba?
Mahal ka ba niya?
Takot akong masagot ang mga tanong ko ng "Oo" tapos sasabayan mo ng "pero" sa dulo;
ng "Oo" na may preno ang tono kaya takot sa tanong
pero mas takot ako sa sagot.
Mahal na kita mahal mo rin ba ako?

Madami man akong kinakatakutan kung anu-ano nalang gaya ng ikaw,
liwanag,
buhay,
simula,
bago
at makasama ka— lahat ng ito’y hindi mahalaga iibigin kita kahit anuman sabihin nila,
kahit hindi ako ang iyong mahal,
ang liwanag mo,
kahit iba na ang buhay mo,
kahit simula palang ng tulang ito ay takot na ako,
iibigin kita sa isip,
sa panaginip,
sa diwa,
sa mata,
sa tingin,
sa lambing,
matulog ka ng mahimbing
hanggang maubos ang kandilang minsang ikaw ang nagsindi kahit na lahat ng ito ay walang silbi.
Gagawan kita ng puntod na mag sisilbing paalala
na minsan akong nagpakatanga sa pagibig.
Gagawan kita ng puntod at doon ko ibabaon lahat ng ito sa limot.

Iibigin kita habang nililibing ang 'yong alaala. Ililibing kita habang iniibig ko ang iyong alaala.
Sabi nila na nakakabaliw daw ang sobrang pagiging matalino.
Pero bakit ako? Hindi naman ako matalino pero bakit nababaliw ako.
Sayo.
Nakakabaliw ka na
Putang ina ka.

Ang sarap mabuhay sa imahinasyon
Ang sarap mabuhay sa ilusyon
Sobrang sarap mabuhay sa pangarap.

Ayos ba yon?
Ayos.

Ayos na ako sa buhay ko na gusto lang kita
Ayos na ako sa buhay ko na pangarap lang kita
Ayos na ako sa buhay ko na makita lang kita.
Ayos na ako sa sitwasyong ganito
Ayos na ako sa galawang ganito
Ayos na ako sa nararamdaman ko para sa'yo.

Oo sige sabihin na natin na
Nakakapagod din na magkagusto ka sa isang bagay na kahit alam **** hindi mapapasayo.
Pero ayos na ako do'n
Ayos na ako doon
Sa mga bagay na yon
Ayos na ako.

Kasi ayaw kong masaktan.
Ayaw kong masaktan
Ayaw kong sabihin na gusto kita
Ayaw kong sabihin na pangarap kita
Ayaw kong sabihin na ayos na ako makita lang kita
Ayaw ko
Dahil ayaw kong masaktan.

Patawad
Dahil sa ayaw kong sabihin lahat ito
Dahil sa ayaw kong magkailangan tayo.
Patawad
Dahil ayaw kong isipin mo na sasaktan lang kita
Dahil ayaw kong isipin mo na lolokohin lang kita.

Marunong akong umibig
Marunong akong magmahal
Marunong akong magpasaya
Marunong ako ng kung anu-ano
Pero hindi ako marunong masaktan
At ayaw kong masaktan
Dahil naniniwala ako na ang lahat ay may katapusan.

Sabi din nila na hindi tayo matututo kung hindi tayo masasaktan. Pero ayaw ko,
Ayaw ko, ayaw ko at ayaw ko na masaktan.

Patawarin mo ako kung ika'y pinaglihiman ng tunay na nararamdaman.
Patawad dahil AYAW KO.
Sorry na !!
Jamjam Feb 2018
Ito nga pala ay para, o tungkol, tungkol sa
babaeng aking ninanais, nakita kita sa hindi inaasahang oras at pagkakataon.
Kung alam mo lang, ang pagtalon nang aking puso sa tuwing nag sasalubong ang ating mga diwa

Hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito. Lumalim ng lumalim ang inaakalang simpleng pagtingin ko para sayo.

Oo ikaw!

Ikaw, ikaw nga pala yung babaeng aking ninanais.
Ikaw, ikaw nga pala yung babaeng nag bibigay kabog sa aking dibdib.
Ikaw, ikaw yung babaeng pinapangarap kong makamit.
Ikaw, ikaw yung babaeng simple lang pero anlakas ng dating.

At ako, ako nga pala yung taong sumusulyap sayo ng palihim.
Ako, ako nga pala yung taong hindi magkanda ugaga sa tuwing ikaw ay paparating o dadaan sa aking harapan.
Ako, ako nga pala yung taong handang gawin ang lahat mapasaya ka lang.

Kung alam mo lang kung gaano kita hinahangad tuwing nakikita kita.
Pero bakit nga ba ganoon? Hindi ko magawang umamin? Siguro'y dahil sa pautal utal na pananalita ang dahilan o sadyang wala akong lakas ng loob na sabihin sayo ang aking nararamdaman.

Ako'y simpleng tao lang,
Hindi makisig gaya nang ninanais ng nakararami, pero pangako lahat gagawin ko mapasaya ka lang.
Mukang hindi ako yung tipo ng lalake na maaari **** gustuhin

Ako yung taong tahimik lang sa isang tabi
Ako yung tipo ng tao na hindi pang angas sa tropa, pero pangako, araw araw ipagmamayabang kita.

Subalit bakit ganito ang tadhana, ika'y nakakulong sa isang sitwasyon.
Sitwasyon na akin ding hinihiling, siguro nga ay hindi ko ginusto na magkagusto sayo kase alam kong masasaktan lang ako.

Sana ako na lang. Inisip ko na sana ako na lang sya na sayo'y nagpapaligaya
Sana ako na lang sya, na mahal mo ng sobra
Sana ako yung taong lagi **** kausap,
Sana ako yung nagbibigay ng ngiti sa tuwing malungkot ka.

Ikaw yung babaeng nagbibigay ngiti at kalungkutan sa akin. Dahil sa tuwing naiisip kita, pumapasok den sa isip ko na ikaw at ako ay malabong maging tayo.

Dapat bang tanggapin na lang ang katotohanang hindi na mababago? na hindi talaga pwede maging tayo?
Hanggang dito na lang ba talaga ako? na nangagarap na maging tayo?
Siguro ngay maihahalimtulad ka sa ulap sa langit
Kase abot tanaw ka nga, ngunit mahirap ka naman makamit.

Siguro nga'y masakit masampal ng babae no?, pero mas masakit parin siguro na masampal ng katotohanang hindi talaga pwede na maging tayo. Sakit diba?

Namaos ang puso ko kasisigaw sa pangalan mo.
Namaos ang puso ko kalilimos ng barya ng pag ibig mo.
Napagod ako kasisigaw. Pero walang magbabago, lilipas paren ang gabi na walang nangyayare.

Kase kahit na ano pang gawin ko, ikaw at ako ay malabong maging tayo.
Ano bang dapat kong gawin? Para magkaroon ng ikaw at ako na bubuo sa salitang tayo.

May mga bagay talaga sa mundo na kahit hindi mo man makuha, makita mo lang masaya ka na..
Louise Oct 2023
Ang pagkain ng croissant at floss buns
sa public places.
O ng saging o hotdog sa jeepney.
Ng chocolate ice cream habang naka-all white ka.
Ang umibig ng mga taong may mental illness.
O ng taga-malayo o magkagusto sa pari.
Ng taong hindi maaaring ibigin.
Ang maki-apid sa asawa ng may asawa.
Ang kwarto **** napabayaang linisin
dahil mas masarap nga naman ang siesta.
Mas nakakahalina ang tawag ng pahinga,
kaysa talak ng pagliligpit.
Ang trend ng salted caramel everything
dahil mas mainam ang may konting alat.
Ang nakaligtaang lakad sa government offices
dahil mas kaakit-akit ang gumala.
Ang buhay **** salat sa kaayusan
dahil mas masarap ang makalat.
O, hindi ba?
Tayo ay matalik na magkaibigan.
Malapit tayo sa isa't isa.
Marami kang alam tungkol sakin,
Ganun rin ako sayo.
Kilala ko lahat ng mga umamin na may gusto sayo pero di mo sila gusto.
Pero di mo alam na nasasaktan na ako.
Hindi mo naman kasalanan.
Kasalanan ko toh.
Tayo ay matalik na magkaibigan ngunit gusto ko tayo ay magka-ibigan.
Malapit tayo sa isa't isa ngunit malayo kang magkagusto sakin.
Marami kang alam tungkol sakin,
Ngunit di mo alam ang nararamdaman ko.
Marami din akong alam sayo, ngunit
Nagseselos ako sa mga babaeng nagustuhan mo.
Kilala ko lahat ng umamin sayo pero di mo sila gusto, ngunit ako ay di mo rin gusto kaya para san pa kung aamin ako?
Hindi mo toh kasalanan.
Kasalanan ko na minahal kita.
Alam ko kaibigan lang ang tingin mo saakin, tanggap ko yun.
Masakit rin na ang nararamdaman ko ay tinatago ko lang sa sarili ko. Medyo unfair kasi ako ang lagi nandito para sayo ngunit sa iba ka pa rin nakatingin.
Pagod na pagod na akong masaktan ngunit ikaw pa rin ang aking gugustuhin at pinakagwapo saaking paningin.
It's my first time to write a poem in my language and I hope you follow me. This is for you. I❤️You
Hoy ikaw, ayoko umasa pero ba't ganun?
Ako lang ba o pinapahaba mo talaga convo natin?
Tuwing nagchachat tayo hindi ko namamalayan nakangiti na pala ako.
Huwag mo ako pahirapan.

Oo na, crush pa rin kita pero mas lamang pa rin si ano eh.
Alam ko iba gusto mo, kilala ko yun eh.
Wala naman nagkakagusto sakin.
Kahit masakit, tanggap ko.
Mas masakit pa rin magkagusto sa hindi ka gusto.
Friends tayo, alam ko.

Parehas kayo ni ano, friends ko lang.
Ayos lang, tanggap ko.
Ganun naman talaga haha pero kasi..
Sana Kahit isa man lang sa inyo, maging akin naman.
Quit playing games with my heart-BSB
Naranasan nyo na bang ma fall sa kaibigan? Tipong di mo inaasahan,
Tapos bigla mo na lang naramdaman
Yung mapapasabi ka na  lang na, ay shet! Mahal ko na si Fren!

Hindi mo naman talaga ginusto
Pero humantong ka sa ganito
Sabi mo pa nga, "Never akong mai in love kahit gaano pa to ka gwapo"
Eh halos buong araw sya palagi bukang bibig mo
Yung totoo?

Kaya't wag ka nang magkaila
Nakita kayo ng aking mga mata
Doon sa may eskinita
Ang sweet nyo pa ngang dalawa

Pero minsan naisip mo ba?
Na magkagusto sayo ang tulad nya?
Mukhang imposible talaga yata
Maganda ka naman, pero sabi nya sakin, pogi din daw hanap nya
Dedicated sa dati kong crush

— The End —