Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magdidikta" poems
Walang sukat ang damdamin at wala rin itong tugma, Ang wagas na pag-ibig o nagbabagang galit ay walang ritmo, Lahat ng ito ay dapat na lumaya. Sumabog na tulad sa bulkan Kung kinakailangan o di kaya ay dumaloy na tulad sa agos ng ilog. Ganito ang malayang taludturan na aking tinatangkilik, oo alagad ako Ni Walt Whitman at hindi ko ito ikinakahiya. Hindi ko kinakailangan na bumilang ng mga araw, lingo at buwan, Hindi ko kailangan na pagandahin ang mga salitang isusulat ko. Totoo na gusto ko ring sumikat at makilala ng balana ang maging tanyag Na tulad ng iba. Subalit wala akong balak na itakwil ang aking tunay na Saloobin, hindi ko isasakripisyo ang aking nararamdaman para lang Tanggapin at kilalanin ng iba. Minsan mala-sutala pero mas madalas ay magaspang na tulad sa sako Ang mga salitang ginagamit ko. Hindi ako nanunuyo sa halip madalas ako’ng Nagmumura at nang-uusig. ‘Pagkat yan ang laman ng aking dibdib at hindi Ko ito ikinakahiya. Malaya ako na tulad sa malayang tauldturan na itinataguyod ko. Putang-ina ko man kahit hindi ako ma-publish gagawin ko parin ito. Hindi ko pakikinisin ang magaspang na katotohanan, hindi ko pababanguhin Ang nangangalingasaw na kaganapan ang isusulat ko ay ang tunay lamang. Magiging tapat ako sa aking damdamin, hindi ko uulolin ang aking sarili at hindi Ako mag-iinarte sapagkat hindi naman ako artista. Hindi ito Sunugan o Flip Top ito ang Tunay na ako na s’yang nagsasalita. Hindi ko kailangan na magpatawa. Ang tunay na makata ay naglalahad ng katotohanan hindi ng mga salitang Gustong mapakinggan lamang ng mga taong bumabasa ng kanyang mga tula. Walang sukat at walang tugma ganito ang tunay na demokrasya. Damdamin ko Ang magdidikta, ito ang panginoon ng aking panulat.
0
Dec 2, 2017
Dec 2, 2017 at 7:08 AM UTC
WALANG SUKAT AT WALANG TUGMA

Continue reading...
26
Tagu-taguan, Maliwanag ang buwan Munti kong tula, Inyong pakinggan Ito'y patungkol Sa kabataan Na inaakalang Pag-asa ng bayan Wala sa likod, Wala sa harap Ano ang kabataan Sa hinaharap? Handa na ba kayong Malaman ang totoo? Pagbilang ng sampu, Malalaman na ninyo Isa, dalawa, tatlo "Tara, pre! Dota tayo!" Isa, dalawa, tatlo "Kyah, pa-like ng DP ko" Isa, dalawa, tatlo "Naka-hithit na ako" Isa, dalawa, tatlo "Tara, shot na tayo" Mga kabataang nakikiuso Mga kabataang lulong sa bisyo Kabataang imbis na ang dala'y libro Ang palaging hawak ay sigarilyo Apat, lima, anim Wala nang ibang alam gawin Apat, lima, anim Kung hindi gadgets ay pindutin Apat, lima, anim "Babe, walang tao sa'min" Apat, lima, anim "Babe, pwede na nating gawin" Mga kabataang napapariwara Mga kabataang sa tukso'y nadadala Kabataang tinuturing na Maria Clara Na ngayo'y mas kilala na sa Maria Ozawa Pito, walo, siyam Nasirang kinabukasan Pito, walo, siyam "Aking pinagsisisihan" Pito, walo, siyam "Ako'y nanghihinayang" Pito, walo, siyam "Ibalik niyo 'ko sa nakaraan" Totoo nga ang kasabihan Ang pag-sisisi'y nasa hulihan Ang ating nakaraan Ang siyang madidikta ng kinabukasan Ngunit hindi ko naman nilalahat Ang nais ko lang, kabataa'y mamulat Ang buhay natin ay parang aklat Tayo ang gumagawa ng sarili nating kwento at pamagat Hindi ko tatapusin ang bilang sa sampu Dahil hindi ako ang magdidikta ng kinabukasan niyo Ngunit sa pagtatapos ng munting tula ko Sana'y makapagsimula kayo ng panibagong kwento Kwento na kung saan kayo ang bida Kwento na kung saan kayo ang pag-asa Salamat sa pakikinig mula umpisa Ngayon ang tulang ito'y tinatapos ko na
0
May 27, 2018
May 27, 2018 at 11:08 PM UTC
TAGU-TAGUAN

64
012817 Iguhit sa buhangin ang iyong nasirang pangarap Natangay man ng hanging habagat Ito'y iyong ulitin Pagkat sa kamay mo nakasalalay Ang imahe na magsisilbing litrato Ng iyong mapaglarong isip. Kumpas ng kamay Na tila nagpapagalaw ng mga butil Ng buhangin kasabay ng nanghihileng tugtugin At ang bumbilyang nagsisilbing ilaw Sa madilim na kwarto Na sya ring nagbibigay kulay At naiisakatuparan ang mga munting nilikha Sa ibat iba nitong linya. Ngayon, ikaw ay dumating Wag **** sasabihing huli na ang lahat Dahil ang isang pangarap na minsang binuo mo, Ay siya ring muling magdidikta ng iyong ginintuang pag-iisip. Kamay ay gamitin sa malikhaing gawa Dahil Diyos ang nagbigay ng talento Na iyong gagamitin sa pagbuo ng natibag na pangarap. Magdiwang dahil kagaya ko, Siya ang magbubuo ng iyong pangarap. Alamin ang adhikain sa mundong ibabaw Dahil dito mo ipakikita na ika'y matatag At makapagpapasya na magbago nang naaayon sa Kanya. Ang iyong AMA ang Siyang gagabay at magpapakita Ng iyong maliwanag na pangarap at buhay.
0
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 3:32 AM UTC
Buhanging Mga Kamay
Para sa atin ang gabing ito. Gaya ng iyong pangako, tayo Ay didito't papalaot upang Salungatin ang daluyong ng Ating mga damdamin. Saglit Nating iwan ang parolang Magdidikta kung saan dapat Ang nararapat na hangganan Ng pagsagwan natin sa maalon At malaon nang karagatang ito. Saglit Nating ibaba ang layag at laya ng Ating pag-ibig; ikubli ang panganib Na nakaamba sa bawat paghampas ng Tubig, sa bawat pagkabig ng dibdib, at Sa bawat pag-igpaw natin sa hatol ng Panahon. Saan man tayo ipadpad ng Lunday na lundayan natin sa gabing Ito, walang pagaalinlangang sundan Natin ang bituing magtuturo Patungo  sa ating mga sarili...
0
Sep 26, 2013
Sep 26, 2013 at 10:36 AM UTC
Layag
Alam mo bang gising pa ako hanggang ngayon Nagbibilang ng mga taon Kung ilang beses kitang makikita na umaalis at dumarating Kung ilang beses kong isusulat ang mga pangarap nating tutuparin Isa, dalawa, lima o labing-isa Paulit-ulit na muling pagkikita Nasasabik, nalulumbay, maligaya at malungkot Ilang beses sa isang taon na mamaluktot Isa, dalawa, lima, labing-tatlo Nakatanaw sa langit, sa dagat, sa mundo Pabalik-balik ang isip sa mga sandaling naririto Maghihintay paulit-ulit, kahit sampu o labing-walo Aalis, aasa, darating, maliligayahan Ihahanda ang damdamin sa walang kasiguraduhan Ikaw, ako, tayo Ang magdidikta sa mundo Kung saan, paano at sino pero hindi ang kailan Kung bakit, kanino, pero hindi ang dahilan Ikaw, ako, tayo Ang magsasabi sa mundo Na ikaw at ako ang pipili sa isa't-isa Tayo ang hahawak, hindi ang tadhana Sa simula, gitna, dulo at pahabol na kapitulo Ikaw lang at ako ang magsasabi sa mundo Na araw-araw akong maghihintay Sa pagsikat man o paglubog ng araw Na taon-taon akong aasang babalik Ang dahilan kung bakit patuloy na umiibig Hindi isa, hindi dalawa, hindi dalawampu't walo Kundi paulit-ulit hanggang tayo na sa dulo
0
Oct 10, 2015
Oct 10, 2015 at 2:53 PM UTC
Paulit-ulit
sa takipsilim ko na lang ibubulong ang mga dasal na sayo ay magpapayaon. sa paghampas ng hangin ko nalang isasabay ang mga himig na sayo ko dapat inilaan. sa pag sikat na lang ng araw ako aasa na balang araw, puso natin ay magiging isa. sa ngayon, mahahati muna sila sa dalawa, akin ang isa, sayo ang isa. at ang isip muna ang masusunod at magdidikta ng tama.
0
Nov 21, 2018
Nov 21, 2018 at 2:34 AM UTC
Untitled
Hindi ang mga tala ang magdidikta ng ating kinabukasan, Kundi ang mga puso na syang handang lumaban at manindigan-- Manindigan para sa mga bagay na hindi kayang hawakan ng ating mga palad. Hayaan **** maranasan ng iyong puso ang malumbay at mawalay Sa isang pamilyar na pakiramdam Nang maunawaan mo ang kahalagahan ng isang bagay-- Bagay na katangi-tangi at panghabambuhay. Hindi masusukat ng lahat ng mga bituin ang pagmamahal na kaya **** ialay;    Sa bawat minutong inilalaan mo para sa taong ito,    sa bawat text na kaagad ay nirereplyan mo,    Sa bawat araw na ninanais **** siya ang kasama mo,    Sa bawat pagkakataon na hindi mo pinapalagpas para siya ay makasama.                                                                                                    Oras.    Sa lahat ng pagkakataon na hindi ka nagreklamo sa pagiging late nya,    Sa lahat ng pagkakataong minahal mo siya sa kabila nang pagiging magulo nya,    Sa lahat ng pagkakataong ika’y natulugan sa telepono habang kausap mo siya dahil alam **** pagod sya,     Sa lahat ng lakad na hindi niya nasipot dahil kailangan pala niyang mag-aral.                                                                                                   Pag-Unawa.    Sa pananatili mo sa kanyang tabi kapag siya ay nalulumbay,    Sa pag alo mo sa kanya kapag siya’y nananangis,    Sa pagngiti mo at ng iyong puso sa sa tuwing siya’y masaya,    Sa pakikinig mo sa lahat ng kanyang hinanaing tuwing nagpupuyos ang kanyang damdamin.                                                                                                   Pagdamay. Higit sa mga rosas at tsokolate, Ipinakita mo ang iyong pagmamahal. Pinatunayan **** higit sa mga bagay na kayang hawakan ng ating palad, May iba pa palang paraan ang pagmamahal. Pagdamay. Pag-Unawa. Oras. Ilan lamang yan sa mga kayang magdikta nang ating pagmamahal. Kaya wag **** hayaang ang tadhana lamang ang magdikta nang inyong kinabukasan. Higit sa tadhana ang inyong pagmamahalan. Hindi kayo itinadhana lamang, / Pinili nyong magkatadhana. /
0
Mar 4, 2018
Mar 4, 2018 at 10:00 PM UTC
Tayo

33
WAG NA DI NA KAILANGAN NG RASON WAG NANG MAGPANGGAP NA KAKAYANIN MO HANGGANG NGAYON DI KANAMAN PINAPAHALGAHAN NG NASA PALIGID MO WALA NA DIN NAMAN PAKE ANG BAWAT KAIBIGAN MO SO PARA SAAN PA ANG PAKIKIPAG TUNGALI SA SARILI MO ? WAG KANG UMASTA NA IKAW ANG NASAKTAN DAHIL UNANG UNA IKAW ANG TALAGANG DAHILAN. NANG PROBLEMA SA LOOB AT LABAS NG ISKWELAHAN WALANG MAY GUSTO SAYONG MAKASAMA KA NI KAHIT SINO ATA AY PINANDIDIRIHAN KA WALA KANG RESPETO AT PANAY KANALANG PATAWA PERO MAS MADALAS NA WALA KA SA TAMANG ORAS KUNG UMASINTA WALA KANG SILBE. YAN ANG SUSUNOD NA KANILANG SINASABE MASKI KAUNTING GALAW MO PALANG LAHAT WALANG PAKE KAHIT NA TUMANDA KA JAN O MAMATAY. WALANG MAY PAKE MANHID KA BA ? PANSININ MO YUNG TINGIN NILA TINGIN NA MAGDIDIKTA SA BAWAT GALAW MO SA MADLA ISANG KURAP ISANG NGISI LAHAT SILA AY MAGDIDIKTA WALA KANG SILBE WAG KANANG MAG MARUNONG WAG KA MAG MAKAAWANG MAY MAAWA SAYO NGAYON TANGGAPIN MO ANG BAWAT SAKIT NG PINAPARANAS MO NOON AT HAYAAN KANG MAGISA NG WALANG SASALUBONG SAYO ROON DAHIL HINDI KA MAHALAGA. WALANG MAGPAPAHALAGA SAYO MASKI SINO SIGUROY LALAYUAN KA SA UGALI MO MAMATAY KA NA ISA KANG IRESPONSABLENG KAAWA AWANG WALANG MAY PAKE. DAHIL IKAW AY MAKASARILE.
0
Oct 11, 2018
Oct 11, 2018 at 1:57 AM UTC
GALIT AT POOT SA SARILI
“Forever is composed of now.” ― Emily Dickinson Walang mahaba o maiksing buhay, ang kahapon, ngayon at bukas ay magkakatulad lang – lahat sila kung tawagin ay panahon. Depende kung paano natin ginugugol ang ating panahon. Ito ang magdidikta sa magiging kahulugan ng ating buhay mahaba man ito o maiksi.
0
Nov 9, 2017
Nov 9, 2017 at 2:30 AM UTC
PANAHON