Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maalat" poems
Pagbasa at Pagsulat Bata pa lamang ay lubos ng namulat. Ako’y walang ibang kakayahan bukod sa pagbasa at pagsulat, Ang aking marka sa agham at sipnayan ay maalat pa sa dagat, Ang guhit ko naman ay tila panggatong na kalat. Di ko naman ninais na ito lang ang kayang gawin. Madami din akong kakayahan na nais maangkin, Ngunit sa ibang bagay ay hindi naman nakikitaan ng galing. Sa sarili nagtataka na rin, bakit ba pagbasa at pagsulat lang ang kayang gawin? Naisip ko na maging mang-aawit, tinig ko naman ay pilit minsan ay pipit. Naisip ko na maging pulitiko, ngunit ayokong mabansagang mangungupit. Naisip kong maging **** kaya kong magturo ngunit, ako ay masungit. Naisip kong maging arkitekto ngunit, guhit ko naman ay walang kasing pangit. Sa kakulangan ko ng kakayahan sa madaming bagay, ay sa sarili ay nagtataka na. Siguro ako ay may isang malaking sumpa. Sumpa na sa akin ay nagbibigay ng makalangit na biyaya. Sapagkat sa pagbasa at pagsulat lamang ako lubos na lumiligaya.
0
May 24, 2019
May 24, 2019 at 1:19 AM UTC
Pagbasa at Pagsulat
Marilag na kasuotan ay itakip sa pagkalamat para di mabigyan pansin, masundan ang lingas Mag-aani ng papuri ang mapagdamdam na muslak Ang mga bakas ng kahapon ang pumipigil sa paghakbang Nakamtan man ang kaluwagan ay matagal pa rin bago nakapagpapasya Di magagawa ang pithaya                       (KWENTO) (Sa barangay, doble-doble ang bantay sa tarangka Masusubukan ang matalas na kampilan Matatalo ang sinumang dayuhan Masinsin sa pagbabantay sa pook na magiging libingan Maalat ang komposisyon ng sipol Nakakarindi ang taghoy ng mga kalaban Nagdiriwang sa loob nang matapos ang digmaan Ang datu at mandirigma ay iisa maging sa hangarin na tinagumpayan nila Kinokondena ang kaaway Ibibitin nang patiwarik Walang awa ang magsasalubong sa sentensiya Mga bihag ay ipapasok sa kulungan araw-araw bibigyan ng kakanin Sa takdang oras sila'y bibitayin magiging palamuti sa poste ng bahay ng Datu) Namangha sa kwentong bitbit Sa katunayan nagdibuho ng sitwasyong kathang-isip Sila'y hurado na hinuhusgahan din Binabatikos ang ugali Kinukurot ng imahe ng repleksyon
0
Dec 18, 2018
Dec 18, 2018 at 5:49 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #16
Di ko alam bakit, Di alam ba't masakit, Ano ba talaga, Bat ako __________? Puta Ang babaw, ang tanga, Gusto ko nang kalimutan, Bumabalik-balik sa ala-ala, _________ di maalis sa isipan. Sarili ko, ako'y galit sayo, Ang bobo mo, yun ang totoo, Ang kitid ng pag-iisip mo, Magpakatino ka naman gago. _________, ________, at ________, Bat ayaw **** umalis sa'king isipan, ________, hanggang kelan tayo magtutuos, Kelan mo ba ako lulubayan. Di ko mapigilang aminin ka, _______, totoo ka, Alam kong di dapat, Srili ko wag ka namang maging maalat. Bat ngayon ka pa dumalaw, ______ ka, Ayaw ko nang maisip ka pa, Sana ako'y lubayan mo na, Sarili ko, wag kang mag-akusa, gago gumising ka.
0
Sep 18, 2018
Sep 18, 2018 at 6:23 AM UTC
Ano ang Kulang, Punan ang Patlang
Ilang buwan na ang lumipas Nang gisingin ako ng agos  ng tubig sa dalampasigan Puti ang buhangin At kumakapit sa kayumanggi kong mga balat Ang halik ng Haring Araw. Laking-gulat ng lahat nang anurin ako Ng napakalakas na hangin patungo sa Isla At doon bumungad sa akin ang Pitong Karagatang Mitsa ng aking pagbangon sa kasalukuyan. Naghilamos ako sa maalat na tubig At doo’y naging kakulay ko ang kanilang lahi At inangkin nila ako Gaya ng isang parte ng isang pamilya. Bumukod ako sa pag-aakalang iba ako at iba sila Hanggang sa ang ako ay para sa kanila pala Nagbunga ang pagbuhos ng Langit ng kanyang kasiguraduhan At doon ako'y hindi na isang dayuhan At alipin ninuman. Kinuha ko ang kurtina sa aking bintana At tinapon ko sa aking likuran Kasabay ng paniniwala kong babalik ang Araw At ako'y muling aagusin ng napakalakas na alon kagaya noon At sana -- Sana nga makabalik na ako Sa aming tahana'y Babalik na ako.
0
Mar 11, 2018
Mar 11, 2018 at 9:31 AM UTC
Pitong Karagatan sa Isla ng Boracay
Masakit ang magmahal, ang maghintay ng matagal, para sa pag-ibig na pinapangarap, laman ng panaginip at sigaw ng hinagap. Maalat ang bawat patak ng luha; mahapdi ang pag-agos sa aking mukha. Bawat araw at gabi'y nag-aabang na may pag-ibig mo'ng sambitin ang aking pangalan. Ako'y isang bihag ng bulag na pag-asa. Ang ibigin ka'y 'di ko naman sinasadya. Ngunit ang sakit at ang kalunasan ng aking paghihirap ay sa'yo lamang matatagpuan. Oo, masakit ang magmahal, mapait ang umibig sa isang tao'ng hindi kayang ibalik ang aking pagsinta. Ngunit sa aking pagluha, naninimdim, nadudurog at nag-iisa, paulit-ulit pa rin na pipiliin na mahalin ka.
0
Nov 12, 2015
Nov 12, 2015 at 3:35 AM UTC
PAGLUHA
#041716 Naakit ako sa linyang pahalang at patayo, Mga detalyeng pinira-piraso. Sabi ko sa sarili: saulo ko na ang istilo Mo Pero sa bawat pahina'y nabibighani pa rin ako. Hindi ko alam kung kaya ko, Magtiyaga man ako pero hanggang kailan kaya? Kung maglalaan ako ng sentimo sa araw-araw, Ako'y pulubi pa ring manlilimos Sayo Sasahod at maghihintay. Masisilayan ko ang pundasyon Ang mga bakal na kinalawang Sa bodegang inimbakan. Pagkat malayo pa ang byahe, Bagkus sinelyuhan ng langis Ang may tagas ng pagbabago. Ang halo ng semento, ni hindi naging pribado Nasa hulog ang mga poste Gaya ng minsang banging tinalunan ko. Ako'y malaya sa pagsilip Ng paglapat ng palitada sa tigang na kahong sementado. Ramdam ko ang gaspang ng kahapon, Ang kurba ng mga bakal na di patitibag Sa kaibuturan ng pundasyong timplado. Ilalatag ang sahig na papagpagan sa araw-araw Ihahalik ang mga paa nang may pagpapakumbaba Huhubarin ang saplot nang kalingain ang lupa At ihihimlay ang mga paa't mamamahinga. Pagmamasdan ko ang mga kahoy na malapad Isang dipa, dalawang dipa at higit pa Mapapatingin sa langit na hubad sa bituin at buwan. Ang bubong na siyang sasaklolo sa umuubong baga Mga kahoy at bakal na matibay Sasalo sa bigat ng orasyon ng klima. Bubuksan ko ang bintanang may iba't ibang pagkapinta Ni hindi pumapalya ang eksena na bumubusina sa umaga At sa gabing hamog ang yakap sa dilim, Kagat ng niknik, siyang sining sa maalat kong balat. Tanging kumot ng grasya, Pantago't pantapal sa pagkataong nilalagnat. Nakakaakit ang plano, maging itsura nito Kaya nga magtiya-tiyaga ako, Hanggang sa masilayan ang tunay na disenyo. Hindi lang ako ang lalaban sa presyo, Oo mahal nga, ganyan ang pagtingin Mo Tataya ako, pagkat kliyente lang ako At alam kong linya Mo yan, Ikaw ang aking Arkitekto.
0
Apr 25, 2016
Apr 25, 2016 at 12:55 AM UTC
Architect Vs. Client

Continue reading...
48
Pagmasdan mo ang paligid, Andaming puso ang umaaligid, Iba't ibang hugis sa himpapawid, Sa lupa'y nagkalat saan mang gilid. Kakaunti lang ang sariwa, Kapiranggot lang ang kinaya, Upang iniirog ay matuwa, At hindi makalimutan ang tumawa. Ngunit, bakit plastik ay nagkalat, Hugis rosas man o pusong salat, Ang makikita **** nilalamat, Hindi kaya ang iba'y maalat? Kung ang puso ay para sa Pebrero, Bakit isang araw lang ginawa ito? Hindi ba dapat araw-arawin mo? Ang mahalin ang lahat ng mahal mo.
0
Feb 14, 2016
Feb 14, 2016 at 9:32 AM UTC
Araw-Araw May Puso
Malalim na ang gabi Habang sumisimangot ang alaala. Ngunit magka ganoon ma’y Kaya itong patahimikin Ng pabulong na paghikbi Ng ulang isinalin sa garapon. Ang alat ng karagata’y Syang sumalo sa mga binhing magagaspang. At nagmistulang mga pamaypay ang mga alitaptap Sa kanilang pagsalubong Sa pira-pirasong bangkang nilamon ng dagat. Ang kumot na walang hangganan Ay nagsilbing maskara Upang pansamantalang hilumin Ang tinaboy at isinuka ng naglalagablab Na hindi nakasusunog. At ang apoy na taglay nito’y Sya ring naging panghilamos Ng pininta ng kidlat at kalangitan Na syang sumuklob sa kanyang pamumuno. Walang numerong mailimbag Buhat sa sapilitang pagnanakaw At pataksil na paglisan Ng mga abong naging multo. At doon naging pamatid-uhaw Ang mga halik na ipinagtagpi-tagpi Ng mga luhang maalat at walang direksyon. Tila ito na ang pagmartsa Ng kani-kanilang mga multo Patungo sa libingang walang mga pangalan. Silang mga walang mukha At tanging abong ipinag-isa sa karagatan.
0
Jun 13, 2021
Jun 13, 2021 at 2:00 PM UTC
BGYO