Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"liko" poems
sa may dagliang liko abot ng aking ligaw na sulyap ang sabungan. matatas ang kanyang ngalan. "Cockfighter's Rendezvous" kaunting lakad lamang pabalikwas sa MERALCO kung saan isang mahabang karagatan ng tao ang pilit na inaalon ng bayarin, kaltas sa sahod, bulag sa paroroonan. ayon sa mga akda ay mayroong Kristo sa sabungan. siya ang nangangasiwa sa aliwan ng mga drayber. ang matalas na tari ng kanilang hagikgikan ay lumulubog sa haba ng pantimpalak naroon daw si Kristo habang ang dagundong ng batingaw ay tulog sa tore. pitikan ng pitikan ng yosi kung saan na lamang maisipan ng pagod na kamay na may samyo ng dala nitong lansa, at matapos ay papasok ng muli sa simbahan kung saan kasabay ng pag-danak ng dugo ang pag-kubra ng nag-wagi. hawak ni Kristo ang patay na manok, nasusulat sa tari ang linya ng dugo. alam ko naroon si Kristo. hawak ni Kristo ang mga baryang kumakalansing. ilang pirasong pag-asa para sa pawisang drayber, para sa parokyanong lasinggero, para sa baguhan sa aliwan, para sa llamado. hawak ni Kristo ang lahat, at siya ang panuto sa pagsusulit ng ganid. pauwi na ako. wala na ang alingawngaw ng sigawan. Lunes nanaman at ramdam ng lahat ang bigat ng parating na mga araw.
0
Sep 19, 2015
Sep 19, 2015 at 12:59 AM UTC
Si Kristo Ay Nasa Sabungan
Ang mensahe ko sa pamahalaan, Pakiusap wag niyo kaming gulangan Pagkat di naman kayo dayuhan, Para magkaroon ng pusong gahaman Huwag niyo sanang ibulsa ang pondo Na pagmamay - ari naming mga pilipino Pagkat pinaghirapan namin ito, Dugo't pawis puhunan diyan,para may maibayad sa inyo Ano ang silbi ng mga slogan at mungkahi nihong patakaran Noong nakaraang halalan? Yun ba ay agad nakalimutan? Di ba't marami kayong pangako Na sabi niyo'y di mapapako? Nasaan na ang mga ito? Naglaho ba kasama ng bagyo? Nasaan na ang inyong sinasabi Na bukambibig niyo palagi "Kung walang kurap,walang mahirap" Nakalimutan niyo ba sa isang iglap? Ito pa nga ang isa, Tila mas maganda sa nauna "Ang tuwid na daan" Eh puro liko naman ang nasa pamahalaan! Alam niyo di dapat pilipino Ang itawag sa mga tulad niyo Pagkat kayo'y may pusong dayo Pawang mga gahaman at tuso Para kayong espanyol na dayuhan, Kinakamkam ang aming pinaghirapan mababait lang kapag may kailangan Lalong - lalo na sa araw ng halalan Pwede rin kayong maging amerikano Mayaman nga,panot naman ang ulo Maaari ring maging hapon, Na nagpasakit nang ating kahapon Bakit ko ito sinasabi? Para malaman niyo ang mali, Baka sakaling kayo'y magbago, Para pilipinas,mag-iba ang takbo Wala sanang tamaan dito sa nilalaman, Pagkat ito ay karapatan: Ang maipahayag ang nilalaman, Nitong damdamin ko at isipan..
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 1:43 AM UTC
Sa pamahalaan
Hangal na humahagilap ng salapi at material Hangal na ipinagkakait sa kanya ang pagmamahal Hangal na di lumalakad sa kanyang ipinangaral Hangal na di makita ang halaga ng kanyang pagpapagal Lubusang lumayo sa inaasahang pangako Nagpalakad-lakad sa mapanganib na dako Nagpaikot-ikot sa isip na liko-liko Mga sumpa ba'y tuluyang mapapako? Hangal na sumasabay saan man ang agos ng ilog Gising nga ngunit patuloy na natutulog Madadaya ang lahat ngunit sarili'y di mabibilog Hahayaan na nga lang ba sa dilim ka mahuhulog? Dakila nga sa lahat ng mga hangal Bukas ang isip ngunit walang pagmamahal Ano ba ang nais **** parangal Ang buhay na Dakila o kamatayan ng Hangal -JGA
0
Jan 10, 2022
Jan 10, 2022 at 8:40 PM UTC
Dakilang Hangal
sobrang hinahangaan Kita dahil napakagaling **** gumawa ng mga istorya, mga istoryang tila talo na pero sa huli ay naipanalo Mo pa. sa una'y aping api ang bida pero di nakakapagtaka na sa huli sila ay naging masaya dahil pangako Mo na hindi kami mag-iisa. Hindi kami magiisa dahil Ikaw ay kasama, kasama sa hirap at ginhawa, sa lungkot at tuwa, talikuran man kami ng madla Ikaw ay hindi mawawala. Ikaw ang napako hindi ang Iyong mga pangako kasalanan naming lahat ay Iyong inako Iyong pagmamahal ay damang dama saan mang dako. Daan mang tinatahak ay bako bako Direksyon mang sinusunod ay liko liko Walang sapat na rason para kami'y sumuko Dahil pinaglaban mo kami at hindi isinuko.
0
Oct 31, 2017
Oct 31, 2017 at 11:43 AM UTC
THE REAL SCRIPTWRITER
ang siglong magulo wala namang multo pero bakit maraming nawawala nalang bigla na parang mga multo kinuha ba sila ng mga kulto? nakalilito liko sa kaliwa sa kanan sa kanina kina kian ina ka! wala na sila alis baka mapatay ka yata? KABAhan ka na
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 6:39 AM UTC
Mga Multo Ata
Gulong na supot, pintura'y pudpod Sa aparador nananatiling nakalagay Ang itsura ay tila ba nakikibagay Sa ilalim palagi may nakasalalay Gagamitin sa tuwing kailangan Paikot ikot akong pinag lalaruan Naglalakbay at hindi alam kung saan Bahala na ang kamay kung saan nya idadaan Paiba iba, paliko liko saan ba tayo tutungo Kagustuhan mo kung ako ay hahantong sa dulo -****
0
Apr 10, 2020
Apr 10, 2020 at 2:29 AM UTC
Laruan