"lantad" poems
Lantad 'sang digma, sakit laban sa masa.
Bungad sa madla, kalabang 'di makita.
Kailan ba bibisa? Babad sa pangamba,
Basag nang tiwala, saklolo pa'y wala?
Ang pobre'y pilit na tinatanikala,
Layang haring uri'y, 'di binabahala.
Mga biktima ay hindi inalintana.
Nakapagtataka ‘yong pangangasiwa!
Sino ba'ng salarin, sino ba'ng may lagda?
Ano ba'ng dahilan ng pamamayapa?
Corona bang sakit na nakahahawa?
O ang siyang Ulo na namamahala?
Lantad ang huwad nilang pakikisama,
Gobyerno'y siniwalat nitong pandemya,
Idilat ang mata, bibig ay ibuka.
Itanim 'tong aral na sana'y magbunga.
Sep 8, 2020
Sep 8, 2020 at 9:01 AM UTC
#102516
Umakyat ako, masilip Ka lang.
At habang umaakyat ako,
Nagtitimpla ako ng mga salita --
Sa isip ko, pinagmamasdan Kita
At lalo akong nabibighani Sayo.
Magkahalong kaba at takot --
Kabang harapin Ka at takot
Na hindi kita masilayang muli.
At pag nahulog ako,
Kahit pa sa tingin ko'y napakalayo Mo;
Sana'y masalo Mo pa rin ako.
"Ang ganda Mo,"
Sana nga ihipan ng hangin ang bawat kataga.
Nagliliwanag Ka, lantad ang kagandahan Mo.
Aakyat akong muli,
Yung mas mataas, yung mas nakakapagod.
Alam kong di kita kayang abutin,
Pero sapat na saking magtagpo tayo.
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 8:04 AM UTC
Sa tahanang walang hagdan
sa loob ang papag ay upuan
tahasang lantad at kinalulugdan
yaring higaan na minsa'y hapag-sulatan,,,,,
sa aking paggising
tila ba ako nalasing
nang mabasa ko sa napkin
katanungan mo sa akin
halika dito sa aking upuan
at sa iyong kapaguran
sasamahan kita sayong kanlungan
habang dito ka sa aking kandungan
bagamat di kalawakan
itong aking tasalitaan
napalalim mo naman itong aking kaibuturan
bilang kaibigan sa mas mabuting pagkakakilanlan
sa iyong pagkakaupo
ako nga ay napatango
replika ng iyong damdamin
nababanaag at sumasalamin
nagkaroon man ng eksistentesya
mga rima ko sayong independensya
at kung ano man ang naging esensiya
nawa'y wag ibasura,nalamang intelehensiya
nang sa iyo ay aking ipaarok
yaong nais **** matumbok
sagot sa "gaano nga ba kadalas ang minsan?
BIHIRA ang siya kong naging katugunan !
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 10:57 AM UTC