Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kinalaban" poems
# *Kinalaban ko ang tadhana Kinalaban ko ang luha Kinalaban ko ang sakit Kinalaban ko ang galit Kinalaban ko ang lungkot Kinalaban ko ang takot Kinalaban ko ang antok Kinalaban ko ang pagsubok Kinalaban ko ang kahapon Kinalaban ko ang bawat noon Kinalaban ko ang oras Kinalaban ko ang bawat panahon                             Kinalaban ko ang mundo                     Kinalaban kong lahat* PARA SA'YO... © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Aug 1, 2018
Aug 1, 2018 at 10:59 AM UTC
Para Sa'yo
Sinisid ang karagatan ng pangamba Upang matagpuan ka Hinarang ang mga bagyo ng takot Upang mahagkan ka Kinalaban ang oras at panahon Upang makapiling ka Isinantabi ang mas mahalaga Upang maramdaman mo ang pagpapahalaga Ngunit, natalo ako ng tadhana Sa katauhan niya. At doon ko napagtanto Na bakit kailangang matalo Kung sa pakikipaglaban Ang lahat ay ibinigay mo?
0
May 24, 2019
May 24, 2019 at 9:11 AM UTC
Lahat
Unang nakilala sa Araling Panlipunan Sa mga libro’t **** na siya’y ipinangaral ‘Sang simpleng maybahay na tanghal ng kasaysayan Babaeng sinipa diktaduryang pinairal… Sa kanyang panahon, ako’y ‘lang malay na musmos Pulitika, bansa – ano’ng pakialam ko diyan? Sa unting pagkagulang naunawaang lubos Bansang hinayupak, pulitika’y pandirian! Saksi kung paano ang mga hayok na tao Na parang tubig ang kapangyarihang inuhaw Lalo na yung mga sa trono ay nakaupo Daig pa ang mga busabos na magnanakaw! Mga namulatang pagluklok sa sinadlakan Ng mga itinuring na pinuno ng bansa Bahid ng anomalya’t ano pang karumihan Maliban sa isa na dapat ipagdakila. Ang nasabing pagluklok ipinagmalaki Maging ibang bansa’y hinuwaran, itinulad Ang Lakas ng Bayan nating ipinagpunyagi Nagpanumbalik sa demokrasyang hinahangad. Iyon ay dahil sa isang babaeng tumayo Siya’y sagisag ng pag-asa’t demokrasya Mapayapa’t malinis na inakyat ang trono Hanggang kailan ang diktadurya kung siya ay wala? At kahit wala na sa luklukang hinantungan Nagsilbing halimbawa na nagmahal sa bansa Nasilayan kong dinamayan niya’t kinalaban Isa ring sa Pilipinas ngayon ay nagrereyna. Sa kanyang paglisan sa mundong pinaglipasan ‘Di dapat kalimutan Dangal ng Pilipino Itatak sa kasaysayan simple niyang pangalan Corazon C. Aquino…Mahalagang Pangulo. -08/05/09 (Dumarao) *written this day of Pres. Cory Aquino’s burial
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 2:09 AM UTC
Mahalagang Pangulo