Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kaylangang" poems
Isang araw nang matanong kita Mahal mo ba talaga Isang tulad kong di naman masaya Nakakagulat pa nga't nandyan ka Laging nasa tabi Na kahit umaga man o gabi Pinapasaya ako Mga matang inakip ang buong isipan ko Kaakit akit na salita binitawan mo Nang di mo napapansi'y Madalas kitang isipin Kaylan ma'y di nagbago Pangakong tinago Mga kasalanang naglalaho Unti unting nagagago ng tadhanang di natin mabago-bago kaylangan bang pahirapan bago makuha ang gusto katulad ng simpleng pagharap sayo marinig ang salitaang oo o ano mang salitang pwedeng makuha Para masagot mo ng totoo
0
Nov 23, 2015
Nov 23, 2015 at 3:41 AM UTC
Totoong kaylangang malaman
Ngayong araw ako'y siyang naatasan Na ipakilala ang ating kaybigan Mahirap sabihin, ang inyo nang alam Kaylangang galing nya'y bigyang katarungan Sikat sadya itong ating kaibigan Pang-showbiz ang dating, pinagkakagul'han Pagkat nang magsabog d’yos ng kagwapuhan Tabo lang dala ko, sa kanya'y "orocan" Ngunit bahagi lang 'yon ng katangian Kung bakit sya'y tunay na hinahangaan Talino at t’yaga ang kanyang puhunan Sa pag-aaral ng buhay, kalikasan Sya'y taong tunay ang angking kabaitan Na dama ng tao, hayop at halaman Sa dami ng kanyang lathalaing-agham Sierra Madre'y nginig, kapag nagtimbangan Palaka, butiki, ahas at butaan Nang dahil sa kanya'y lalong natutunan Lumaki't lumawak ating kaalaman Kung kaya't umani laksang karangalan Alam kong sa bawat uri ng palaka O ibang buhay na sa mundo'y mawala Kasama natin s’yang lungkot na luluha Pagkat magkaugnay ang lahat sa lupa Dedikasyon niya ay dapat tularan Ipakilala s’ya'y isang karangalan Si Arvin Diesmos po, Syentistang huwaran Samahan n'yo akong siya'y palakpakan!
0
Sep 28, 2017
Sep 28, 2017 at 4:54 AM UTC
Pagpapakilala Kay Doc Arvin