Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"isakripisyo" poems
Para sa Gobyerno: Walang halaga ng pintura Ang kayang takpan Ng kalagayan ng inang bayan. Walang halaga ng tamis ng mga pangako mo ang kayang Magpakalimot ng mga Kalapastanganan na ginawa mo sa kaniya. Para ka lang isang puta, Na Nag nagsabi akoy iyong mahal, Pero pag gising sa umaga Wala ka na. Iniwan mo lang akong Umaasa na tayo'y Magkakaroon ng magandang kinabukasan. Pero wala. Akoy' niloko mo lang, At pinagpalit sa iyong kabit, Ang pera. Ikay' walang ginawa Kung hindi gahasain Ang walang laban na Bansa. Siya ay Ibinugaw mo sa iyong mga kaibigan, Kapalit ang kakaonting piraso ng pilak para makamit ang Panandaliang kapayapaan. Siya ay hinalikan mo sa pisngi, Sabay tinraydor ng tulad ng nangyari kay Cristo. Parang awa mo na. Umayos ka na. Para sa kabataan: Ilang Rizal, Bonifacio, Luna, Ang kelangan isakripisyo Para lang Magising ka Sa masakit na katotohanan? Ilang rebolusyon pa ang kelangan Mangyari Para ikay tumayo Sa iyong trono At gumawa ng pagbabago Ilang buhay pa ba Ang kailangan ialay Upang ikay Maistorbo sa   Pagdudot ng iyong telepono. Parati mo nalang sinasabi, Na wala ng pag-asa, At kahit anong gawin natin, Hinding hindi na kailan mag babago ang lugar na to' Ikaw pa ang may ganang mag reklamo, Tungkol sa mga perwisyo Na naidudulot sayo, Ng mga opisyal, Na nakaluklok sa puwesto. Maawa ka naman sa kaniya, Nanglilimos siya ng pag mamahal sa sarili niyang lupa. Kaya may tanong ako sayo, Sa inyo. Ayaw mo ang nakikita mo? Edi, baguhin mo.
0
Nov 10, 2015
Nov 10, 2015 at 3:00 AM UTC
"Isang Liham Para Sa Gobyerno at Kabataan"
Gusto kita. Gusto kita, pero hindi maari Hindi ka puwede maging parte ng oras ko Na ika'y ilalagay ko sa unahan ng mahabang listahan Ng mga taong mahalaga Dahil importante ka man sa akin, Ika'y hindi sapat Para isakripisyo ko ang lahat Sapagkat ika'y natatanging gusto lamang. Gusto kita. Gusto kita, ngunit hindi ko alam. Hindi ko maiposisyon ang sarili ko Sa dami ng panahon, oras, at tao, Sa halo-halong emosyon at salita, Sa kinalalagyan at kawalan, At sa mga napakababaw na dahilan Sapagkat ako'y natatanging gusto lamang. Gusto kita. Gusto kita, subalit ako'y pana-panahon lang, Nandiyan kapag kailangan mo Kapag ika'y nalulunkot at nalulumbay Na parang ang mundo'y kinakalaban Ang puso **** duwag Pero tumitigil lumaban kapag Hindi na kailangan Sapagkat ako'y natatanging gusto lamang.
0
Mar 22, 2016
Mar 22, 2016 at 1:01 PM UTC
Pero
Ilang beses bang dapat masaktan upang matauhan? Ilang beses bang dapat masaktan upang ikay matutong sumuko sa laban? Alam ko na ika’y sobra nang nasasaktan pero bakit di mo parin siya magawang iwan? Di ka naman bulag sa katotohanan Pero bakit kaba nagtatanga-tangahan Niloloko ka na nga nang harap harapan Ikaw pari'y nabubulagbulagan Hindi ka pa ba nagsasawang paulit-ulit msakatan? Na palagi nalang ikaw ang luhaan? Alam **** sa inyong dalawa ikaw lang ang lumalaban Ngunit bakit baa yaw na ayaw mo siyang bitawan? Gaano ba ka hirap sayo ang pag bitaw? Sobrang hirap ba kaya di mo magawa? Nasasaktan ka na nga Durog na durog na nga ang puso mo't kaluluwa Ngunit ang pagbitaw ay di mo parin magawa Paulit ulit **** sinasabi “hayaan mo na” Mahal na mahal ko siya kaya hindi ako susuko sa kanya” Mahal na mahal mo  siya kaya ka ba nagpapakatanga? Kaya ka ba nagpapaka gaga? Kaya **** isakripisyo lahat para sa kanya Pinaglaban mo siya Pero ikaw ni minsan di niya nagawang ipaglaban ka Kaya tama na pwede ba? Wag ka ng magpakatanga pa Di ka sundalo na Lalaban kahit nasasaktan na’t sugatan Hindi ka naman laruan pero bakit mo hinayaan na ikay kanyang paglaruan? Wag mo nang hawakan kung sobra ka nang nasasaktan Matutong bumitaw kung ikay sobra nang nahihirapan
0
Sep 14, 2021
Sep 14, 2021 at 9:07 AM UTC
PAGBITAW