Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
J Aug 2016
Tanghali na at nais ko sana magsulat,
Ibuhos ang lahat ng aking gustong ipagtapat,
Ngunit wala, walang lumabas ni isang letra o salita,
Nahihirapan na kahit hindi halata.

Isang lapis at papel ang aking hawak,
Ang daming bumubulabog sa aking utak,
Nais ko sanang iparating sayo,
Binighani mo ang puso ko.

Kaso ang hirap, ang hirap hirap isulat ng aking nadarama,
Na parang magiging katawatawa o masyadong madrama,
Hindi ko alam kung paano pero ito ang naisip ko,
Naisip kong paraan para masabi sayo.

Ang pagsulat. Dahil ito ang aking bibig,
Ito ang tanging paraan para mailabas ko ang aking hinanakit o pag-ibig,
Nakakatawa man o ang "corny" pakinggan,
Pero kahit ganoon pa man, ipagpapatuloy ko sa paraan na makakagaan.

Makakagaan sa akin at sa mga taong makakabasa,
Na hindi ito sinulat ng basta basta,
Isang blankong papel at isang ordinaryong katulad ko,
Isinusulat ang lahat ng mensahe sa paraan na alam ko.

Gagabihin nanaman kaka-isip,
At bibisita nanaman  ang mga talang gabi gabing sumisilip,
Nakakatuwa dahil sila ang laging kausap,
Habang natutulog ang mga ulap.

Isang blankong papel ang aking hawak,
Walang kawala sa magulo kong utak
----
Taltoy May 2017
Ang simula,
Ang umpisa,
Ang unang nakikita,
Sa kahit ano mang obra.

Ang pinag-uusapan,
Ang pinakamalaking katanungan,
Ang bumubuo sa palaisipan,
Pamagat, parang kasagutan.

Ang nagkubli ng misteryo,
Tila di kongkreto,
Parang di sapat,
Upang lihim ay masiwalat.

Ano ba tong pamagat?
Ano bang nais ipagtapat?
Ano nga ba ang katotohanan,
Sa likod nitong salitang puno ng kasinungalingan,

Ang pamagat ba ay palatandaan?
Kung ano ba talaga ang totoong nilalaman,
Nilalaman ng puso't isipan,
Sa mga salita tinago ang katotohanan.
CA Norebus Oct 2017
Naging masaya ako ng dumating ka sa buhay ko
Parati tayong magkausap lahat sinishare mo
Mabilis na nagkasundo naging close pa nga tayo
Masaya ako na sa work, ikay ang unang kaibigan ko.

Pero ewan ko ba sa puso kong ito
Sa tagal nating magkasama parang nahulog na sayo
Kasi naman si kupido pinana pa tong puso ko
Tuloy naguguluhan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko

Gusto ko sanag ipagtapat tinatagong lihim ko
Na ako’y talaga naming nahuhulog na sa’yo
Ngunit paano ko sasabihin kung may iba ka nang gusto
Masira masira lang pagkakaibigan nating nabuo

Sana’y dumating ang panahong lumakas ang loob ko
Nang masabi ko sayo itong nararamdaman ko
Hahamakin ang COI at kahit ano pa mang hadlang
Pagmamahal ko sayo masabi ko lamang.
John Emil Sep 2017
Nahulog sa unang pagkakataon
Saya ang tanging nararamdaman
Sabik sa bawat araw na dumarating
Nagaabang sa iyong pagdating

Kaba ang dumadaloy saakin
Pag akoy iyong nahuling nakatingin
Bigla akong na papraning
Hindi malaman kung ano ang gagawin

Ganito ang aking nararamdaman
Ang mahulog sa unang pagkakataon
Saya at kaba ang tanging kasama sama
Dahil hindi kayang ipagtapat saiyo sinta

Dahil mas masaya
Ang ganitong nadarama
Nang di ka lumayo at mawala
Baka magdulot lamang ng lungkot sa mata
Pusang Tahimik Feb 2019
Ang saya ay di ko maitago
At tumatalon ang aking puso
Ikaw na nga siguro
Ang sa akin ay ipinangako

Lungkot mo'y nais ko'ng saluhin
Hirap mo'y aking papasanin
Luha mo'y aking papawiin
Sapagkat mahal ka sa akin

Ako'y hindi nagbibiro
Sapagkat ako'y takot din na mabigo
Pakinggang ang aking puso
Na tapat at ganap ka'ng sinusuyo

Tumingin sa aking mga mata
At ipagtapat ang nadarama
Alisin ang ating mga kaba
At hayaang ang puso ang magdikta

Alam ko'ng hindi sapat ang mga salita
Sapagkat ang iba'y nauuwi sa dalita
Ngunit ako'y tapat na magsasalita
At ang aking puso ang siyang magwiwika

- JGA

— The End —