Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jose Remillan Jun 2016
Inagaw ka na nga ng himpapawid.
Ngunit bago pinatid ng hangin
Ang paningin habang ikaw ay
Lumulutang-lutang sa panganorin,

Tatlong ulit akong nangako sa'yo:
Ililikha kita ng alapaap. Sasariwain ko
Ang iyong paglingap. Hindi ko

Hahayaang manatiling pangarap ang
Pangarap. Kahit na hindi man lang kita

Nayakap, bago ka inangkin ng mga ulap.
(Para sa lobong hugis puso na nakita ni  Allan Popa.)
Elly Apr 2020
‪huwag ka masiyadong lumapit at baka ika'y aking maging permanente tulad ng tinta na dadaloy sa pagbaybay ko sa iyong pangalan‬ na para bang ito ang pinaka paborito kong talinghaga sa bawat tula na aking ililikha na ikaw lamang ang paksa

— The End —