Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ihaharap" poems
15 Ikalabingwalong kaarawan na Ng binukot na prinsesa 16 Ang pagiging dalaga niya’y ganap Isang prinsipe ang ihaharap 17 Panahon na upang lumabas sa palasyo Humarap sa mga mamamayan at mga dayo 18 Ngayong nasa harapan na ng madla Ipakikilala sari-saring mga binata 19 Tangan ang mga regalo Sa prinsesang sinusuyo 20 At pagtunog ng mga tambol at plawta Si Dara’y makikisayaw na 21 Sa mga lalaking napupusuan Na sa mga pagsubok idadaan. -06/23/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:58 PM UTC
Daragus 3 -Kaarawan ng Binukot-
Pabalik balik ako Nagiisip kung paano Ilang araw na ang lumipas Sa tuwing dilim ako kumukumpas Mahal paano ko isusulat Natatakot ako sapagkat Baka magkulang ang mga salita Baka hindi sumakto ang titik at letra Susubukan ko Kasi ayokong sumuko Sa pagibig at pagtula Kasi ikaw, ang ihaharap ko sa tala Handa naman ako Sabihin **** languyin ko ang dagat para sayo Nilangoy ko na upang makarating sayo
0
Mar 1, 2019
Mar 1, 2019 at 3:03 AM UTC
Pag ibig at Pagtula
Sa malamig na umaga At nag yeyelong gabi Nais ko sanang humigop ng mainit na kape Sa nag babagang tanghali At mainit na hapon Kape namang malamig dulot ng yelo Asukal , gatas o kahit pa barako Nag iiba ang lasa kapag ikaw ang kasama ko Sa malamig na umaga o kahit mainit na hapon Habang nag kukuwento ka kasabay ng pag halo May kasamang saya kapeng  ihaharap mo Kagaya ng buhay natin pareho May matamis , mapakla at kahit pa mapait Basta mula ito sa iyong puso Ay lugod kong tatanggapin Tanggapin mo sana itong kape ng buhay Sapagkat itong ihahandog ay may tunay na timpla May kapaitan mang taglay Hindi mawawalan ng tamis ,  kape ng buhay Kaya sinta , samahan mo ako nawa Sa umaga , tanghali , dapit hapon at gabi Dahil ang kapeng iaalay ay kape ng buhay Na may saya ,  lumbay at sakit Ngunit pinatamis at hinalo Ng tunay na pag-ibig
0
Feb 23, 2020
Feb 23, 2020 at 7:16 PM UTC
“Kape”