Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hahamakin" poems
Galit na namuo sa bawat tao, Kakaiba kung dumayo, Hahamakin ang iyong pagkatao, Ikaw, kayo, tayong lahat magpakatotoo. Galit-----anong klase ka kung ika'y humagupit, Sa pusong sawi at naiipit, Wala kang itinitira sobra **** lupit. Ang pwersa mo'y mala-delubyo, Lakas mo'y katumbas ng bagyo, Hindi ka pumo preno, Tiyak ika'y may ikinukubling misteryo. Sinuman ang di mag-ingat ay matatangay sa dumadaragsang alon nito, Sapagkat ito'y may elemento, Ito'y hindi mo mababana-ag o mapagtatanto, Di mo mawari kung ano, Kaya't pigilan mo, Kung nararamdaman **** ito'y papalapit sa'yo. Labanan ang ....... Galit ng paulit-ulit, Minsan ito'y makulit, at nagpupumilit, Ngunit sa luhi kung ito'y mapagtagumpayan mo napakasulit, Bakit? Makakamit mo ang isang aral na maliit, Ngunit nagpapalaya sa damdamin na puno ng sakit, Na para bang ang kaluluwa mo'y nawalan ng hinanakit, at sa tuwina'y nakaka-akit, Mula sa isang taong nagkakamit, Mistulang bituin sa langit, Napaka-marikit! Nagniningning! mistulang sa tahanan nakasabit.
0
Aug 15, 2017
Aug 15, 2017 at 10:10 PM UTC
Labanan Ang Galit
Pusong bingi'y naaantig ng awit Ganun pala sa unang pagsinta Sa sombra niya'y laging nakabuntot Paglumingon ay siyang paglinga-linga sa paligid Ni ayaw mahalata kung saka-sakaling mapansin Hindi malaya sa demokratikong bansa Alila ng iniibig na panauhin Ano nga ba, di alam ang gagawin Sa pagpikit ng mata, mukha niya'y nagniningning Sa pantasya'y nahuhumaling kahit na  gising, lumulutang sa hangin Kaya ganun na lang sa pagsasalamin sa mga nangyari - medyo pagmamalabis Hinabol ang bawat galaw Sa utak ay walang hinto na sumasayaw Disente sa pananamit Mayumi kahit sa anong bihis Di man lubos nililimi ang mga katangian at ugali Pabayaan pagkat mapagkumbaba Hahamakin ang lahat Dahil ang dibdib ay lumilingas
0
Jan 7, 2019
Jan 7, 2019 at 4:57 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #44
sa pangatlong araw ng pagsikat, sa isang lamesang puno ng kalat dumating na'ng isang hudyat sa isang makathang pagsusulat kasabay ng pagdaan ng panahon ang pag-alala sa maling nagawa ng kahapon sa aking paglisan, tumahak ng ibang direksyon batas ng tadhana, tayo ay hinamon waring nabighani sa kaniyang aparisyon sa kaniya'y sumama, pinakinggan ang tugon ngunit lingid sa aking pag-iisip, siya'y hamak na ilusyon ako'y niligaw, tinangay ang aking aguhon sa panahong ako'y naliligaw sa desisyong tinahak, isang mapurol at maginaw bakas sa aking munting balintataw ang hangaring gustong bumitaw ngunit dumating ang aking kinatatakutan ako'y naligaw, sa isang mapurol na bilangguan ang aparisyong pinaglalaruan ang aking isipan pilit na tinutulak sa aking magiging hantungan hindi ko ninais na ika'y iwanan nais kong ilahad ang aking pinagdaanan ngunit hindi ito sapat sa nagawang kasalanan lipos ang pagsisisi, na ika'y binitawan hahamakin ang lahat, ako'y uuwi sa ating tagpuan walang nang aparisyong hahatol sa ating pagmamahalan ngunit nariyan ka pa ba? o ako'y tuluyan nang kinalimutan? gayunpaman, ako'y naririto, naghihintay, na muli kang mahahagkan
0
Jan 3, 2022
Jan 3, 2022 at 10:29 AM UTC
Untitled
Magandang gabi kamahalan Dito sa aking kinatatayuan sa baba ng labindalawang palapag ng hagdanan, Ikaw ang pinaka paborito kong pagmasdan, Saan man ang iyong pinagmulan, ikaw man ay lulan ng barkong hindi pangkaraniwan, hindi ko ikakaila na ikaw ang pinakamakinang sa lahat ng bituin sa kalangitan. Ikaw ang eba at ako ang adan ng makabagong kapaligiran Hayaan **** tuksuhin tayo ng berdeng kalikasan, Akitin ng mga huni ng ibon tungo sa sarili nating kaharian. Handa akong panagutan ang ating pag iibigan, hahamakin ang lahat maibigay lang ang iyong inaasam gagawin kong mundo ang dapat tao lang, baliin natin ang daan lumiko man tayo pakanan marating lang ang kabundukan patungo sa ating tutuluyan, Ikaw ang magsisilbing kanlungan, sa nakaraang minsang pinagdalamhatian. Ikaw ang magsisilbing lagusan, sa mga pintuang tinalikuran at pinaglaruan. Ikaw ang magsisilbing unan sa gabi ng kabilugan ng buwan. gagawin kong bintana ang iyong mga mata, tatahakin ang dilim, hinagpis, pagkapiit, itatakas kita.. itatakas kita sa mundong hindi lang ikaw ang bida, sasagipin kita sa paglubog ng barkong papaalis na, hahanapin kita, sisirin ko man ang kumunoy, languyin man ang lalim ng panaghoy.. hahanapin kita,... hanggang sa tayong dalawa nalang ang matira, sa mundong hindi ako mabubuhay kasama ka.
0
Oct 30, 2017
Oct 30, 2017 at 4:17 AM UTC
Prinsesa
ang Pag-ibig daw ay maikukumpara sa napakaraming bagay may mga pagkakataon kalakip ito sa iba't-ibang larangan meron maikli,may katamtaman o napakahabang paglalakbay iyon bang tipong pagdaraanan yung mga hindi inaasahan Sabi nga ng isang Kilalang pinoy na makata " O! Pag-ibig kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.. " kaya bakit ako papapipigil sa aking nadarama Madalas nilang sabihin... para ka lang nagwawalis kaalinsabay ang malakas na hangin walis ka nang walis,pero kalat di nalilinis! Minsan tulad sa isang sugal maihahambing daw ang Pag-ibig hindi ka tataya kung wala kang pag-asang manalo. kaya ba nauso yung - nagmahal nasaktan hindi umuwing bigo! at heto pa ang kakaiba medyo magandang salita hango kasi sa di pangkaraniwang talata pero angkop ito pangmasa... Gaano man daw kadalas  ang minsan Bihira talaga lagi ang kasagotan dahil ang Pag-ibig daw ay tila ba isang " half baked cookies " ayon po iyan sa isang novelist,,parang yun sa kanta rin na- " more than a kiss " sa layo ng kinapuntahan,di ko mawari kung ako ba'y napag-iwanan! sa lalim ng kahulugan,halos hindi ko agad natumbok aking napag-alaman! Kaya Pala... Sabi Nila : Pag-ibig Ang Siyang Tugon! mataas man o mababa ang Temperatura ng Pugon!
0
Jun 3, 2017
Jun 3, 2017 at 6:56 AM UTC
Sabi Nila :
Naging masaya ako ng dumating ka sa buhay ko Parati tayong magkausap lahat sinishare mo Mabilis na nagkasundo naging close pa nga tayo Masaya ako na sa work, ikay ang unang kaibigan ko. Pero ewan ko ba sa puso kong ito Sa tagal nating magkasama parang nahulog na sayo Kasi naman si kupido pinana pa tong puso ko Tuloy naguguluhan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko Gusto ko sanag ipagtapat tinatagong lihim ko Na ako’y talaga naming nahuhulog na sa’yo Ngunit paano ko sasabihin kung may iba ka nang gusto Masira masira lang pagkakaibigan nating nabuo Sana’y dumating ang panahong lumakas ang loob ko Nang masabi ko sayo itong nararamdaman ko Hahamakin ang COI at kahit ano pa mang hadlang Pagmamahal ko sayo masabi ko lamang.
0
Oct 5, 2017
Oct 5, 2017 at 5:40 AM UTC
Pusong Nag-aalangan
Ang agwat, ang layo, Ang distansya mula sayong puso, Ano ba ang mga kayang hahamakin, Para sa munting damdamin. Ipapaalam, ipagsisigawan, Ilalahad sa kahit anong paraan, Pabulong man o pasulat, Buo't walang kulang, walang daglat. Itinitibok ng puso, Nahalo na sa dugo, Mga katagang "mahal kita", Dumadaloy sa'king sistema. Utak, may ibang mga kataga, "Sana ngayo'y kasama kita", Hinihiling ng bawat selula, Ang iyong haplos, ang iyong kalinga.
0
Jul 12, 2018
Jul 12, 2018 at 11:36 PM UTC
Anino: lumbay
Marami man tumututol, Ngunit ‘di ‘to mapuputol. Marangyang buhay iiwan, Sa hirap ay sasamahan. Sarili’y wag hahamakin, Ikaw ang Nag-buo sakin. Handa kitang ipaglaban, Hanggang saking kamatayan. Mahal, bakit mo sinalo?, Balang tatama sa’king puso. ‘Diba ikaw ay nangako, Pagtanda mo’y kasama ko?. Hanggang sa kabilang buhay, Pag-ibig di mamamatay. Ikaw ay aking susundan, Muli ka lamang mahagkan.
0
Jun 26, 2020
Jun 26, 2020 at 6:48 PM UTC
Infinite love