Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dahandahan" poems
Malalagkit na mga halik Amoy ng alak at yosi, kumakapit sa damit Kaunting barya, puri ang kapalit Eto ang turo ni inay "Kapalan mo ang lipstick anak, hindi magtatagal ikaw di'y masasanay" manipis na tela ang bumalot sa murang katawan ni Teresa "Sariwang-sariwa!" hindi magkamayaw ang mga kalalakihan Sa entablado kinalimutan ang nagdurusang puso binalatan nang dahandahan -Tula XI, Margaret Austin Go
0
Nov 22, 2014
Nov 22, 2014 at 2:27 AM UTC
Tula XI
Umiiyak ang dilag nang walang patid Kasama ang dugo at basahan sa sahig Nais kong mabatid Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit? Binunyag ng kanyang mga mata Walang puknat na pagsisisi ni isa Hindi na alam kung ligaya ba o pighati Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat Pakiwari niya Natutulog na ang mga alon Noon siya ay nilulunod  Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis Gusto niyang isigaw sa hangin Ngayon kailangan na niyang linisin Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin Pinira-piraso Ngumiti siya na para bang payaso Isinilid niya sa sako Kahit gusto man niyang maglaho Ang amoy nitong mabaho Nanatili pa rin sa damit niya Parang bang tumitiling aso Sinuyod ang masukal na gubat Tinunton ang malalim na balon Puno na ng lumot  Doon niya inihulog Ngayon basahan ng mga kumot At ang bangkay ng ama Kasama ng kaluluwa niyang Hinalay nang walang awa -Tula VI, Margaret Austin Go
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 7:07 PM UTC
Tula VI
Pumatak na naman ang ulan Sa taas ng bubungan Parang luha sa mga mata Kapag namimiss kita Ang daming patak ng ulang ito Milyon siguro ang bilang nito Parang listahan ng mga babaeng ito Na nagkakagusto din sa iyo Agos dito agos doon sa kanto Ang tubig ulan na ito Parang pag-asa ko sa iyo Tinangay na ng agos ng mundo Lumalabo ang salamin ko dahil sa hamog na ito Parang mata at puso mo Malabong makita ang tulad ko Lumalamig na din ang paligid ko Dulot ng lumalakas na ulang ito Parang yung damdamin ko Nanlalamig kakahintay sa iyo Pero alam ko na hihinto din ito Yung ulan sa labas ng bahay ko Parang damdamin ko sayo Kapag napagod hihinto pero hindi susuko Pag natapos ang isang malakas na ulan Ang lupa ay matutuyo dahandahan Parang pag tingin ko sa iyo Matutuyo kapag binalewala mo
0
Mar 18, 2017
Mar 18, 2017 at 3:46 AM UTC
ULAN