Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"binulag" poems
Gusto kong tumula ng hindi patungkol sayo. Gusto ko namang aliwin ang makata na nasa loob ko. Dahil pagod na ako. Pagod na pagod na akong habulin ka gamit ang aking panulat at mga salita. Pagod na akong ipaunawa sayo kung ano nga ba ang kahulugan ng "Mahal kita" Mahal kita hindi dahil mahal mo ako. Na ang mahal kita ay hindi isang katanungan na dapat ay sinasagot. Na pag sinabi kong mahal kita, mahal kita at yun na yun. Kaya gusto ko munang bumalik sa umpisa. Kung saan, mahal ko lahat ng nasa paligid. Mahal ko ang mga ibon na nasa himpapawid. Mahal ko ang puno na nagbibigay sakin ng lilim. Mahal ko ang kalangitan at ang ganda nito ay sadyang kaibig-ibig. Dahil nung dumating ka, huminto ang pag ikot ng mundo ko. Ikaw ang sistemang kumain sa buong pagkatao ko. Binulag mo ako. Wala akong makita. Nabingi ako. Hindi ako makarinig. Akala ko tama lang ito, na ganito ang pakiramdam ng pag ibig. Nakakaadik. Nakakabaliw. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang isusulat ko. Tinuring kitang diyos. Sinamba at pinaubaya sayo lahat. Pero para sayo, hindi parin pala ito sapat. Iba pala ang ibig sabihin ng pagmamahal mo. Pahiram lang pala sakin lahat ng alaala mo. Mahal mo ako dahil ayaw mo ng maiwan Mahal mo ako sa kadahilang alam **** hindi kita sasaktan Mahal mo ako dahil alam **** ibibigay ko lahat sa iyo Na susungkitin ko ang mga tala sa kalangitan para magdulot ng ngiti sa labi mo Na isusulat kita ng tula kung saan ikaw ay isang perpektong nilalang -- Yun lang pala ang habol mo. Kaya hindi, ito na ang huli Ito na ang huling beses na mag aaksaya ako ng papel at tinta Ito na ang huling beses na magiging parte ka ng aking mundo ko -- at ng aking mga tula. Kaya paalam na sa iyo, aking Ginoo. Dahil aaliwin ko muna ang makatang nasa loob ko na pinatay mo.
0
Jul 15, 2016
Jul 15, 2016 at 1:31 PM UTC
Ang Huling tula na Isinulat Para Saiyo

Continue reading...
43
Nagsimulang mangarap ang karamihan Ngunit bigo ang iilan marami ang naghangad ng pagpapala ngunit ang iba ay halos walang napala ang sabi "Ilabas mo ang nararamdaman mo!" pero ang pagkakaintdi nila "Sige lang tago mo!" natakpan ng pagkatakot ang tainga ng bawat Pilipino binulag ng maling galaw ang lahat ng papanaw ng tao. Ika ni Gat Jose Rizal, "mahalin ang sariling wika" ngunit panay ibang lenguwahe ang gusto ng iba. Simpleng paalala, nais ng karamihan ang pagkakaisa pero sa sariling pagtangkilik ng atin, ayaw rin ng iba. "Lipstick na pula", "Damit na may hati sa gitna" "kantang di maintindihan ng bata", at mas masakit sa pandinig ang tanong na ngayon ng mga bata, "Ano po ang ABAKADA?" at ang nakakainis, ang pinagtanungan hilig rin ang wikang banyaga. Pader ng pagiging malaya? Oo, may kalayaan ang bawat isa kung ano ang pipiliin nila, pero tandaan na sa bawat kilos at galaw, mayroon itong kapalit pagdating ng araw. Pader ng pagiging malaya? Oo, may nais ang lahat, may pangarap ang lahat pero isaisip di lamang sariling kagustuhan, Maaaring makuha ang tagumpay pero maaari ring mayroong ibang taong madamay. Pilipino ka, panindigan mo ang nais ng lahat ng kapwa mo. di mo piniling maging Pilipino, pero ito ang biyayang binigay sayo kung ang isda nahuhuli sa bungaga ang bawat tao nahuhuli naman sa bawat salita. Pader ng pagiging malaya, ilista mo rito lahat ng gusto mo, lahat ng ninanais mo, at lahat ng pangarap mo. Pader ng pagiging malaya, di man ito ang huhusga ng kung anong pagkatao mo pero makakatulong to. Pader ng pagiging malaya, sabihin mo lahat ng nilalaman ng puso mo Pader ng pagiging malaya, ilantad mo dito ang ginagawa mo Pangako bilang pilipino mababago dito ang pananaw mo. at Pangako bilang Pilipino, ingatan mo rin lahat ng malalaman mo. Pader ng pagiging malaya. FreedomWall ika-nga. Hayaan **** itong Pader ng pagiging malaya ang maging sandigan mo at gabay patungong pagkakaisa.
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 10:31 AM UTC
Pader ng pagiging malaya

33
Gusto kong tumula ng hindi patungkol sayo. Gusto ko namang aliwin ang makata na nasa loob ko. Dahil pagod na ako. Pagod na pagod na akong habulin ka gamit ang aking panulat at mga salita. Pagod na akong ipaunawa sayo kung ano nga ba ang kahulugan ng "Mahal kita" Mahal kita hindi dahil mahal mo ako. Na ang mahal kita ay hindi isang katanungan na dapat ay sinasagot. Na pag sinabi kong mahal kita, mahal kita at yun na yun. Kaya gusto ko munang bumalik sa umpisa. Kung saan, mahal ko lahat ng nasa paligid. Mahal ko ang mga ibon na nasa himpapawid. Mahal ko ang puno na nagbibigay sakin ng lilim. Mahal ko ang kalangitan at ang ganda nito ay sadyang kaibig-ibig. Dahil nung dumating ka, huminto ang pag ikot ng mundo ko. Ikaw ang sistemang kumain sa buong pagkatao ko. Binulag mo ako. Wala akong makita. Nabingi ako. Hindi ako makarinig. Akala ko tama lang ito, na ganito ang pakiramdam ng pag ibig. Nakakaadik. Nakakabaliw. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang isusulat ko. Tinuring kitang diyos. Sinamba at pinaubaya sayo lahat. Pero para sayo, hindi parin pala ito sapat. Iba pala ang ibig sabihin ng pagmamahal mo. Pahiram lang pala sakin lahat ng alaala mo. Mahal mo ako dahil ayaw mo ng maiwan Mahal mo ako sa kadahilang alam * hindi kita sasaktan Mahal mo ako dahil alam * ibibigay ko lahat sa iyo Na susungkitin ko ang mga tala sa kalangitan para magdulot ng ngiti sa labi mo Na isusulat kita ng tula kung saan ikaw ay isang perpektong nilalang -- Yun lang pala ang habol mo. Kaya hindi, ito na ang huli Ito na ang huling beses na mag aaksaya ako ng papel at tinta Ito na ang huling beses na magiging parte ka ng aking mundo ko -- at ng aking mga tula. Kaya paalam na sa iyo, Mahal Ko
0
Mar 22, 2021
Mar 22, 2021 at 8:27 AM UTC
Pagod Na Ako

42
Dumaan ako sa Nagtahan at doo'y nanahan aking diwang gising at minulat, pilit binulag ng isang dakot na Asin. Rumampa sa Laong Laan, pilit inabangan ang pagtila, tila Luha ang tanging pakinabang. Tumawid sa Lacson, nadapa -- bumangon. Sumakay ng traysikel sa Ocampo, pumara sa Crisostomo; nangapitbahay sa Maria Clara nagpalamig sa Ibarra hanggang Simoun, Quintos, Dapitan. Hindi ka matagpuan. Tila silyang marupok na walang pakinabang; Tila laway na muntik masayang ang paglalakad ng pusong minsan nasagasaan noong binagtas ang kahabaan ng Dimasalang. Umuwi sa Sampaloc, kumuha ng gamit. Palihim na naglakad papuntang Blumentritt. Pinagpawisan sa pagsakay sa Recto. Anong ginagawa ko rito sa Quiapo? Isang makipot na sangandaan kailangang mairaos daanan. Isang hakbang palayo sa maputik na Ocampo; minsan nang bumagyo dito. Meron pa bang tayo?
0
Nov 17, 2010
Nov 17, 2010 at 12:41 PM UTC
Dangwa
Nababasa mo ba ito? Alam ko oo. Dahil dito sa mundo ito Alam ko naririnig mo ako. Maaring maging mahaba ito isusulat ko. Pero sa huli pagkakataon magsusulat ako para sa’yo. Sa huli pagkakataon pakinggan mo ang sasabihin ko. Naalala mo un gabi sinabi mo sa akin gusto mo ako? Oo, alam ko na ako yun bago mo pa sabihin. Nagtataka ka bakit hindi ko sinabi sayo? Kasi natatakot ako umasa sa bagay na wala patunay. Naalala mo un araw na niyakap kita mahigpit? Natakot ako noon dahil baka marinig mo un puso ko kumakabog. Naalala mo un araw na sinabi ko gusto din kita? Ilang araw ko inipon yung lakas ng loob na sabihin yon sayo. Naalala mo yun araw na nagaway tayo at sinabi mo may pag-asa pero takot ako? Alam mo ba yun araw na yun kinain ko lahat ng takot ko dahil mas takot ako mawala ka. Naalala mo un araw na sinagot kita ay naging tayo? Sobra saya ko dahil may tao tumingin sa akin kung ano ako at wala hinging pagbabago sa akin. Ikaw naaalala mo ba lahat ng yan? Naramdaman mo din ba yan? Sa huli pagkakataon magsusulat ako para sayo. Huli? Oo huli na. Dahil baka kahit kailan ay hindi ka na lumingon sa akin. Sa huli pagkakataon sasabihin ko sayo, Oo minahal kita. Oo mahal pa kita. Oo nasakatan mo ako. Oo sobra sakit na mas pinili mo bitawan ako kesa ipaglaban ako. Oo gusto kita tulungan pero binulag ako ng galit sa puso ko. Oo galit ako sa kanya sa babae hindi ko mapalitan sa puso mo. Oo gustong gusto ko na ako ang piliin mo nun gabi un. Oo na sana pangalan ko ang sinabi mo. Sa huli pagkakataon, oo kung ako ang pinili mo lalaban ako.
0
Nov 10, 2017
Nov 10, 2017 at 4:46 AM UTC
Basahin mo

Sa iyong pagbabalik, nadarama ulit ang iyong halik Galing sa biglaang pag-alis, nagdulot pa rin sa puso'y malalim na daplis Tulang sinulat at inialay sa akin ay naglalaman ng mga dahilan Mga dahilan na aking intindihin ngunit ako'y masasaktan Ayaw mo akong lisanin ngunit ayaw mo na rin akong angkinin Maaari ba iyon? Parang hindi nagkatugma sa totoong depinisyon Ng tunay na pagmamahal pero yun ang iyong opinyon Hindi mo ako gustong kalimutan, hindi ako kayang paluhain Mahal mo akong lubusan, at ayaw **** makasakit ng damdamin Sana'y malaman mo na natatawa ako sa iyong mga salita Nang sinabi **** iwanan ako at hayaang sumaya sa iba Siguro sasaya ako, oo alam ko Pero asahan mo darating ang panahon na kung kailan pinalaya mo ako Doon mo na rin malaman na ang bobo mo masyado Sapagkat minahal kita nang higit sa aking buhay Inialay ko lahat, kahit minsan ay sumablay At para na rin pinatunayan **** hanggang salita ka lang naman Ayaw mo akong saktan? Pero handa mo akong iwanan. Binulag mo ang sarili sa kaisipang sasaya ako kapag wala ka Yan ang kamaliang gusto ko sanang itama Bali-baliktarin man ang buong daigdig, umiiral pa rin sa puso ko ay pag-ibig Bakit hindi na lang natin isipang tayo na lang dalawa? Ang natitira sa mundong ibabaw at wala ng iba pa Nang sa gayon ay hindi mo maisip na ako'y makahanap ng iba Higpitan mo ang paghawak sa akin at ako'y iyong-iyo na.
0
Dec 16, 2019
Dec 16, 2019 at 11:28 AM UTC
Azzy