Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
031224

Ikaw ang alaalang nais kong ibaon sa limot —
Ang kalimutan ka ay kalayaan ko.
Ikaw ang larawang sana’y kumupas na
At handa ako kung anayin na
Ang mga sandaling kasama ka.

Sa tuwing pumipikit ako’y
Dinadalaw mo pa rin ang aking isipan
At maging sa panaginip,
Ako’y tila binabangungot
At magigising nang bigla ang aking ulirat.

Ang bawat patak ng luha’y ni hindi na masukat
Gaya ng ulang walang himpil na pagbagsak.
Kung sana noong una’y binitawan ka na agad,
Sana’y hindi nagdurusa ang puso kong pagod na.
Lecius Jan 2021
Sa pag-lubog ng araw, dahan-dahan sabay ko nanaman bibilangin ang mga t'yansang naging panghihinayang-- na sana'y para sa atin. Ang mga pag-kakataon na ngayon ay hanggang sakop na lamang ng aking paningin.

Sa pag-usbong buwan ay ang pag-patak ng luha, habang saksi ang napakaraming mga tala. Wala namang pilat o sugat, subalit nakararamdam ako ng bahid ng  pait at sakit, na tila ba matagal nang sa akin ay nakadikit.

Papalalim pa lamang ang makulay na gabi, subalit naririnig na ang aking mahinang pag-hikbi. Sa maliit at masikip na silid, na kung saan walang ibang nakamamasid. Hahayaang mga mata'y mamaga ng tuluyan, dahil ako naman ang may kasalanan, kung bakit s'ya tuluyang binitawan.

Sinisisi parin ang sarili sa naging desisyon kahapon, binabangungot parin ako ng mga opurtunidad na tuluyang nabaon. Paano kaya kung pinili ko noon umamin? Paano kaya kung pinili ko noon sumugal, at hindi natakot sa kanilang mga sasabihin? May pag-asa kaya aking pag-tingin?

Ngunit kahit ano man kayraming pag-hikbi aking gawin, pilitin man sarili hapdi tuluyang limutin, ay hindi parin ito sasapat, lalo pa kung ang nawala ay ang pinakamamahal mo na tapat. Na para sa'yo s'ya lamang tanging karapatdapat.
MR Jun 2019
Sa isang madilim na kuwarto,
ako’y tila mahinhin at ang mga mata’y nakasarado. Nakahiga lamang at kalmado habang nakabalot sa kumot at tila binabangungot ng mga ala-alang ‘di ko malimot-limot nang iwan mo ako. Ang mga ala-alang ito’y kung makapang-asta saking isipa’y parang nagliliyab na apoy na pumapaso sa mga magagandang damdamin kong tila naitataboy.

Ngunit ngayon, tila nawala ang nagliliyab na apoy nang nalalampasan ko na ang lungkot, at tuluyang bumabangon at nililimot  ang mga ala-ala ng kahapon, sapagkat alam ko na ang mga masasamang kahapon ay ‘di pa ang dulo at hadlang upang ‘di ako makabangon.
Ms Oloc May 2020
Ala una na ng hating gabi
At ikaw ang iniisip parati.
Sa bawat pagtulog ko,
Walang ibang iniisip kundi ang tayo.

Pinipilit kong ipikit aking mga mata
Sapagkat ika’y inaalala pa.
Pinipilit kong matulog na,
Sapagkat ako’y binabangungot mo na.

— The End —