Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sa paglipas ng panahon at makabagong sibilisasyon, maituturing pa bang wikang pambansa ang wika natin ngayon?
      Ito ang malaking katanungan na naglalaro sa aking isipan. Tila binabagabag ang aking isipan sa aking mga nasisilayan. Kaguluhan, Hindi pagkakaunawaan at sari-saring hindi magagandang salita ang naglalaro sa nakararami. Bakit? Bakit patuloy pa rin tayo sa masamang gawain na ito?
      Ngunit ang wika ay walang ibang hinahangad kundi kapayapaan, pagkakaisa at pagkakaunawaan dahil ang wika nation ay tunay na daang matuwid. Dahil ang wikang matuwid ay iisa lang ang layunin, ang bigyan ng tuwird at masaganang buhay ang bawat mamamayan.
      Balikan natin ang malaking katanungan, wika pa bang maituturing ang wikang pambansa ngayon?
      Tama! Wika pa ngang maituturing ang wika natin ngayon sapagkat ito ang nagbubuklod sa pusong wasak, pamilyang watak-watak at Pilipinong away at gulo ang dulot sa mundo.
      Ang wika ay matuwid tulad ng pag-ibig. Siya ang nagbibigay buhay sa mga Pilipinong katulad ko.
Leslie Jade Sep 2021
sa rami ng tulang nilikha
panaghoy ang tila namamayagpag
emosyong natatakpan ng mukha
ay patuloy na binabagabag

madalas ay natatapos sa lungkot
madalang na naguumpisa sa saya
bawat linyang kataga'y puot
tila walang dinudulot na ligaya

sa daang salita na kayang bigkasin
nasaan ang malalambing na parirala?
sa bawat boses na nais kalasin
kailan ang araw na maaabot ang tala?

May dalisay nga ba sa mga letra?
May pag-asa nga ba sa mga talata?
muli nga bang darating ang saya
sa paggising ng bagong hiraya?

Marahil ay unti-unti, hindi bigla-bigla
yayakapin nang mahigpit, dahan-dahan
upang ituloy ang naudlot na sigla
upang magmistulang sarili ang tahanan

Gaya ng dapit-hapon ay manlalamig
ngunit sa bukang-liwayway, gugunitain
sarili ang maging unang daigdig
pagkamuhi ay tuluyan nang palayain

kaya't sa bawat salitang isusulat
yakapin ang letrang namumukadkad
darating ang araw na muling pagkamulat
masisilayang muli ang ligaya sa paglipad
Pusang Tahimik Dec 2021
Gaano kana kalakas
Sa dami ba ng mga bakas
Na iyong mga dinanas
Sa mundo na marahas

Gaano kana katatag
Hindi na ba binabagabag
Pader ba'y di na matibag
Mahusay na mapagpanggap

Lakas na saan kinukuha
Limot maging pagluha
Sa sakit o kirot natutuwa
At di na namamangha

Sa napaka tagal na mag-isa
Di na kailangan ng iba
Umaasa sa iba
O inaasahan ng iba?

Ang mamon ay bato na
Ito'y matagal na
Lumalakad mag isa
Nang walang pangamba!

Walang mapapala
Kahit ipilit ang salita
Ang lahat waring abala
Sa taong nasanay mag-isa

-JGA
Taltoy Apr 2017
Pagkukulang? mapupunan,
Paghihirap? malalampasan,
Pasubok? lalabanan,
Pagkakasala? mayroon bang kapatawaran?

Pagkakamali, nagpalubha,
Pagka-manhid, nagpalala,
Isipa'y binabagabag,
Patawarin sana, aking dilag.

Alam sa sarili, aminado,
Di nag-isip, nagpakabobo,
Ngunit ano pa nga bang magagawa?
Tuluyan nang nagkasala.

Pagpapaumanhin? aanhin?
Nagpapabigat ng damdamin,
Ngunit ano bang magagawa?
Paumanhi'y sapat ba?

— The End —