Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bestida" poems
Higit isang taon na rin ang nakalipas Nang lisanin ang bansang Pilipinas Upang subukan ang buhay Sa lugar na kung tawagin ay Dubai Naalala ang galak ng pagpunta dito   Nang sa kalaunay puro na reklamo Paano naman kasi ang mga Arabo Minsan lang maligo sa isang linggo Dagdag pa ng klima na sobrang init Pawis mo'y abot hanggang singit   At kung taglamig naman ay pumasok Gusto mo na lng mamaluktot sa isang sulok   Pagkain na amoy pa lang aayaw ka na   Kahit gutom mawawalan ka rin ng gana Babae nila'y nakasuot ng itim na bestida Pati lalake rin ay nagsusuot ng palda   Pero kahit ganun ang katulad nila Gusto ko ang kanilang pananampalataya Sa diyos na tinatawag nilang Allah May oras talaga pag nagdarasal sila   Akala ng marami buhay dito ay maganda Di lng nila alam kami'y nangungulila Sa pagmamahal na ipinabaon   Ng mahal na makikita lng pagkatapos ng ilang taon Tila ang bilis ng mga pangyayari May mabuting resulta kaya sa bandang huli Lahat ng sakit, pagod at pighati   Mapagsilbihan lang ang mga ibang lahi Kung lahat ng ito'y isang panaginip Ayoko na talagang maidlip Hay... buhay Dubai nga naman Sana nga may patutunguhan...
0
Jan 18, 2016
Jan 18, 2016 at 3:38 AM UTC
Buhay Dubai
Paborito kong laruan ay baril-barilan At hindi mga manika o lutu-lutuan. Hilig ko rin ang manuod ng action movies Kaysa mga disney princess' movies Pero babae ako. Ayaw na ayaw ko sa bestida, palda, Mga make-up at kung anu-anong pampaganda. Mas gugustuhin ko ang tumakbo o mamundok Kaysa magpunta sa mall at sa salon. Pero babae ako. Hindi pa ko nagka-boyfriend o nagkagusto sa lalaki Ngunit sa babae ay maraming beses nang kinilg. Mas gugustuhin ko na mahulog sa babae Kaysa sa lalaki sumuko. Pero babae ako.
0
Jan 4, 2017
Jan 4, 2017 at 4:26 AM UTC
Pero Babae Ako
Ilang Huwebes at Linggo na ba ang nagdaan? Ang aking mga bestida na nakalagay sa aparador ay laging pinagmamasdan. Sa oras ng alas singko'y tumutunog na ang aking selpon Magiinat at babangon. Sinisikap kong laging makapunta sa kapilya Doon sa tahanan Mo'y laging nadarama Ang pag-ibig mo at pagyakap sa akin sa tuwina Doon sa tahanan Mo'y naidudulog lahat ng aking nadaramang sakit at problema Hindi na po kami makapaghintay Ama Nais na po naming makabalik sa mahal **** Iglesia Kung saan itinuturo sa amin ang iyong totoo at mahahalagang aral at salita Ngunit alam kong darating ang araw, kami'y muling magsasama samang sa Iyo'y sasamba. Nagkaroon man ng isang pandemya Ngunit hindi nito napigil ang aking pananampalataya Narito pa rin at masigla Tunay na maawain at magpamahal Ka. Kahit sa aming sambahayan ay iginagawad pa rin ang pagsamba Sapagkat hangad naming Ika'y bigyan ng papuri at awitan ng kanta. Ang laging panalangin ay 'wag sana kaming kalilimutan, o Mahal kong Ama Kaming Iyong hinirang na sa Iyo'y lubos na nagtitiwala. Nasasabik na ang puso't kaluluwa ko Ang magpunta sa tahanan Mo Sa madaling araw na pagsamba Bumabangon ng maaga at mapapasabing, "Oras na upang maghanda, hinihintay na ako ng Ama."
0
May 15, 2020
May 15, 2020 at 12:30 PM UTC
Sa Tahanan Mo
Binura ang sinalungguhitang alyas Ang nag-alsa na biyas Ang kaya ay katamtaman na hulugbigat Dahil sumunong nang kapalaluan, tumiklop ang tuhod Simulang pagtingin ay noong una na nabighani Nababaliw sa sinundang pag-ibig Sa mala-rosas na labi at mala-kristal niyang mata na may salamin Umaapaw na giliw ay sa kanya nakalaan Kung sumandig man sa ataul ang katawan Mahukay sana ang pinipintuho - bigay ng kalangitan bago mamayapa Kahit mali ang pangkukulam ay gagawin para manipulahin ang manika Mamangha sa mahika na taglay Ganun kung magmahal, kahit balakyut dapat ay tupdin Kumuha ng ilang hibla ng kanyang buhok Tapos isinuksok sa bestida na kahapon niyang isinuot Ginupit at lumikha ng damit ng manika Sinambit ang inkantasyon ng pag-ibig
0
Dec 23, 2018
Dec 23, 2018 at 5:08 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #24
Gaano man kamahal ang suot **** bestida Mahal, lalapag at lalapag pa rin 'yan sa sahig, Bilang tanda ng pagpapaubaya sa hapag ng Paglikha. Aakuin mo ang lambong ng kahubaran, lilisaning Tiyak ang kamusmusan. Lilimutin ang dasal ng Mga ninuno, sasambahin ang buwan bilang lantay Na liwanag ng buhay. Ibibilang mo ang mga patak ng pawis sa kumpas Ng paghinga, habang ang indayog ng papag Ay paulit-ulit **** iaakma sa ritmo ng bisig, Sa pintig ng Puso, Sa init ng titig, kahulugan at pag-ibig.
0
May 19, 2017
May 19, 2017 at 11:19 AM UTC
Sayaw sa Nunal