Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ambiguous Frizz Oct 2017
Nababagot, bagot sa buhay
Buhay na noon'y makulay

San naparoon

Mga ngiting tunay
Mga salitang nagtulay
Sa loob at sa iba

San naparoon

Ang malawak na ideya
Imahinasyon o nobela

Nariyan lang sila
Sa dulo ng daliri
Sa gilid ng labi

Hanapin mo
At iyong makikita

Nababagot, bagot sa buhay

Hindi na, parating na

May makikita ka
Na wala sa iba

Hindi na, parating na

Damdamin
Galak
Halakhak

Nariyan na
Sa loob, sa paanan
Sa iyong mga mata
My first published poem in my native tongue -- tagalog. Filipino language is beautiful, syllabical. Hope another Filipino stumbles and feels with my first tagalog poem.
MarieDee Nov 2019
Di ko alam saan nagsimula
na sa'yo ako'y humanga
Mga araw ko na puro bagot
pinalitan mo ng saya at walang poot
Noong una ayokong maniwala
na ikaw sa akin ay may paghanga
Di ko alam kung ito ba ay biro
na ako ay talagang iyong tipo
Sino ba ako para magduda
na sa ilang beses mo pa lang ako nakita
ikaw nga raw sa akin ay humahanga
Ang iyong mga mensahe ay ayokong paniwalaan
dahil sa sitwasyon mo, ako ba'y iyong paglalaruan?
Mensahe mo na sa aki'y parang biro
ang siyang nagpapahanga sa aking puso
Puso at isipan ko ngayo'y nagtatalo
totoo ba ito o isa lamang biro
Di alam kung ano ang pinagsimulan
kakulitan mo ba't pagtitiyaga ang siyang dahilan?
Itanong ko man ito sa isang paham
sagot niya marahil ako lang ang makakaalam
Jun Lit Aug 2021
Hindi mo na maririnig, tugtog ng lumang gitara,
awit ng batang kwerdas na kinulbit pag bagot na
ang mga talata’t salita, hindi mo na mababasa
sa tagtuyot na darating, tila mga dahong nalanta,
malalaglag, maiiwan lamang ay kupas na ala-ala

Di na matutupad, muling pagkikitang pinangarap,
sa mundong ibabaw, panahong tangi’y sasang-iglap
buhay na wari’y walang wakas, maglalahong ganap

Ganunpaman, hayaang lumipad ang aking paghikbi
'ka'y naging bahagi, kaputol ng pusod sa aking wari
Magpahinga ka na’t napagod kang anong tindi
Aalalahanin ka tuwina, kapatid na alalay ang ngiti.
Dedicated to the memory of my brod and friend, Bitagoras C. Nual, who we call Goras.
Translation:
Segment (For Goras)

You won’t hear anymore, the old guitar we played
the music of the youthful strings that were plucked when bored
the stanzas and words, you won’t be able to read ever
they’d be like wilted leaves that when the drought sets in,
will surely fall, and only faded photographs will remain.

A future reunion, we both dreamed of, now naught,
never forthcoming in this world where time ends in a wink,
where life we felt as if forever, ends as eyes blink.

Be that as it may, let my sobs fly to where you are,
a friend, a part of mine, a segment of my navel I felt
Rest now, brother, you must have been so tired
Someone like you, as unforgettable as your smile.

— The End —