Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"alalay" poems
Hindi ako magaling kumabisado Inaamin ko, hindi ako magaling kumabisado Higit sa lahat, ayokong pinipilit akong tandaan ang mga bagay na ayoko Pero gusto kong makabisado ang tunog ng pagakyat mo sa hagdan Gusto ko makabisado kung ilang kutsara ng asukal at takal ng gatas ang tinitimpla mo sa kape Gusto ko makabisado kung anong paborito **** palaman sa tinapay at kung kailangan mo ba ng alalay Gusto ko makabisado kung inuuna mo bang kainin ang balat ng manok o hinuhuli mo Gusto ko makabisado kung anong timpla ang gusto **** sawsawan sa iyong ulam...matamis, mapait, maasim o maanghang. Matamis, mapait, maasim o maanghang... Gusto kong makabisado, Gusto ko makibasado kung paano minumulat ang mata matapos magising sa mahabang panaginip Gusto ko makabisado ang galaw ng iyong mga kamay sa kung paano mo inaayos ang iyong kurbata Gusto ko makabisado kung paano mo tinatali ang sintas ng sapatos mo sayong mga paa Hindi ako magaling kumabisado... Inuulit ko, hindi ako magaling kumabisado Pero gusto ko makibasado lahat ng tungkol sayo, Sa maliit man o malaking detalye, madami man o kaunti Sa kung paano ka bumangon sa umaga at sa pagahon ng araw, Lahat ng iyong ginagawa sa umpisa at ang iyong hiling kapag tapos na Importante man o walang kahulugan, mahalagang ito'y aking malaman. Ang gusto ko lang makabisado Makabisado Makabisado At sa huling beses, uulitin ko Hindi ako magaling kumabisado Pero kakabisaduhin ko ang hugis ng iyong mukha, ang maiitim at mahahabang pilik mata, ang ngiti sayong labi, ang tunog ng hininga kapag ika'y katabi Gusto ko lang makabisado At kakabisaduhin ko Kakabisaduhin ko kahit gaano katagal Abutin man ng syam-syam, buwan-buwan, taon-taon, Itaga mo man sa bato Sumigaw ka man ng "darna" Pero mahal, kakabisaduhin ko... Kakabisaduhin ko, Maubos man ang mga bituin na siyang nagbibigay direksyon sa kung saan patungo Kakabisaduhin ko simula sa umpisa hanggang sa dulo Simula sa unang letra ng pangalan mo, kasunod sa numero ng kaarawan mo hanggang sa hibla ng buhok mo Panagako mahal, kakabisaduhin ko para sayo Kakabisaduhin ko At kakabisaduhin ko ang tibok ng puso mo, Umaasang baka sakaling masabayan ko
0
Oct 26, 2016
Oct 26, 2016 at 9:11 PM UTC
16

Continue reading...
48
Pangako. Sing lalim ng dagat ang pagiisip ng sandali Sa mga susunod na tinginan, Ngiti, Mo ang umaaya,maghintay,suungin ang mga alon ng pagsubok, Kasabay ng ibat ibang mandirigmang sumubok makuha ang perlas ng iyong karagatan, Natututo akong makidigma,kahit nagmamanhid na ang mga braso,lumaban,ako dahil mahal kita. Maghihintay ako Kahit ilang araw o buwan ang lumipas,wala ka sa tabi akoy narito palagi, ang makita kang masaya, Ang ngiti, sa yong mga labi ay sapat na upang akoy maghintay. Ang mga bulak **** kamay na nagaayang lumapit, saakin habang nakatitig ako sa bawat pagpikit, ng iyong mga mata na nagsasabing kumapit. Nagsisimula palang ang paglalakbay, Pagpasok, sa ibat ibang hamon mo, Pagsuko,takot? Hindi yan ang sagot sa tanong na inaantay,sa tanong na matagal ko ng hinihintay,ang sagot. Mangangako ako sayo pero mangako karin saken Pangakong hindi ako mananakit ,pero mangako kang hindi mo ako ipagpapalit. Pangako kong ang pagpili mo saken ay hindi mo pagsisisihan, atipangako **** hindi mo ko isasama sayong pagpipilian. Pangako kong hindi lahat ng oras mo ay aking kukunin,pero ipangako **** mag lalaan ka ng attention para saken. Pangako kong walang iba kungdi ikaw,at ipangako **** di ka bibitaw. Pangakong magiging importante ka para saken,pero ipangako **** hindi mo ako paaasahin. Na ang pangako ko ay hindi basta pangako,na ang pangako ko ay handang maglakbay, na maging alalay na laging nakasunod, Sa ikatakda na ikay maging handa, Maghihintay ako,pangako.
0
Mar 6, 2017
Mar 6, 2017 at 3:15 PM UTC
Digma

24
#032816 Ikaw ang siyang umaga, Ikaw ang takipsilim at gabi. Lilihis man ang pagkatao, Ako'y saksi sa matamis **** mga ngiti. Nahilom na ang pusong tigang, Ang pusong niyupi't binulsa't itinapon. Pero ang pintig nito'y musika pa rin Sa alon at agos ng kahapon at ngayon. Ikaw ang alalay ng bagong umaga, Ang umaga mo nama'y iba At ang paggising ay kaylayo. Paulit-ulit man ang mensaheng hindi maisulat-sulat, Ni hindi maibig ng pusong may yurak. Hawak mo ang gitarang may ibang sinusuyo, Nagmimintis ang ngiting Kailan lamang sa akin ang agos. Pagkakataon, siya nga namang dibuho na lang Lanta na ng bulaklak sa disyertong palapag.
0
Mar 28, 2016
Mar 28, 2016 at 7:57 AM UTC
Goodmorning Awkward, Goodnight Awkward
Ang Wheelchair, [Bow!] Alalay sa may karamdaman Sandigan ng may kapansanan Kublihan ng mga tampalasan ng bayan Gamit sa pang-uuto sa sambayanan . . . Ang Wheelchair . . . Translation: The Wheelchair, [Bow!] Assistant to the sick human Support for the disabled man and woman Convenient cover of the corrupt gang Used for fooling the people all and one . . . The Wheelchair . . .
0
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 8:58 AM UTC
Ang Wheelchair
Hindi mo na maririnig, tugtog ng lumang gitara, awit ng batang kwerdas na kinulbit pag bagot na ang mga talata’t salita, hindi mo na mababasa sa tagtuyot na darating, tila mga dahong nalanta, malalaglag, maiiwan lamang ay kupas na ala-ala Di na matutupad, muling pagkikitang pinangarap, sa mundong ibabaw, panahong tangi’y sasang-iglap buhay na wari’y walang wakas, maglalahong ganap Ganunpaman, hayaang lumipad ang aking paghikbi 'ka'y naging bahagi, kaputol ng pusod sa aking wari Magpahinga ka na’t napagod kang anong tindi Aalalahanin ka tuwina, kapatid na alalay ang ngiti.
0
Aug 29, 2021
Aug 29, 2021 at 8:18 AM UTC
Kaputol (Para Kay Goras)