Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Katryna Jul 2019
Pag gising sa umaga,
Mata mo agad ang nais makita
Pagtawa mo agad ang nais marinig na tila musika sa aking tenga
Yakap mo agad ang nais magsilbing init kapalit ng kapeng bagong timpla.

Ang sarap gumising sa umaga.

Pero lumipas ang mga araw, gabi ay tila kasing lamig na ng kapeng naiwan sa tabi.

Ni hindi ko na magawang haluin at timplahin ng sapat sa aking panlasa.

Mga gabing mas ninais na maging umaga hindi para muling masilayan ang iyong mga ngiti, marinig ang iyong mga tinig at maramdaman ang yong mga bisig.

Mas pinipili ko nalang ang mga umaga upang makaalis at di kana muling masilayan pa.

Hindi ko matiyak kung ang mga umaga ko ba ay gigisingin pa ng may malinaw na ebedensyang mahal pa kita.

Hindi ko tiyak na kung ang dating malinaw ngayon ay malabo na.
Ni hindi ko na masabi ang salitang mahal kita.

Ngunit kung tatanungin mo ako nasan ka sa aking puso.
Kaya kong sagutin na nasa loob ka parin naman nito
Ngunit hindi na sayo ang buong espasyo.

Kung baga sa kwarto, may naka bedspace na dito.
Ginagawa ko nalang biro ang lahat ng ito pero, ito ang totoo.

Hindi ko masabi ang buong kwento kasi natatakot akong mawala ka sapagkat ramdam ko parin naman ang salitang "mahalaga ka" ngunit hindi na ang salitang "mahal kita".

Hindi ko magawang mag paalam at sambitin ang salitang ayokona kasi ramdam ko pa rin ang salitang ika'y mahalaga pa at hindi ko kayang makita kang lumuluha.

Ngunit ang lahat ay pawang salita na lamang.

Masakit aminin na sa mga panahong gusto ko ng iwan ang lahat at gumawa na ng pansariling hakbang ibang kamay ang kinuha para ako'y samahan.

Masakit saking aminin na sa pagtanaw ko sa bagong umaga,
sa pag ikot ko sa aking kama,
hindi na ikaw ang nais makasama.

At ang tanging musika na gusto kong marinig ay walang iba kung hindi ang pag "Oo" nya.

At ang huling mga salitang nais kong sambitin sayo ay hanggang sa muli nating pagkikita, sana maging masaya kana sa piling ng iba.
Katryna Jun 2018
Nakakalungkot isipin,
na sa hulng pagkakataon ng buhay ko nais ko lamang iparinig sayo ang kaisa isang daing ng buhay ko.
ang salitang mahal kita.

Ang tagal kong pinag isipan kung papakawalan ko ba
o hahayaan ko na lang lumipas pa ang mga araw
oo, ang mga araw na naging linggo ngunit ayoko kong maging buwan para patagalin at di na muling sabihin pa.

oo mahal pa rin kita
kahit alam kong hindi na tama
kahit alam kong hanggang dito na lang at wala ng patutunguhan pa.

oo mahal pa rin kita,
at mahal na mahal ka nya

oo mahal kita,
pero alam kong dapat tama na

hanggang isang araw nagising ako,
wala na nga.

wala na akong maramdaman pa,
sayo,
sa paligid ko,
sa mundo ko

nakalimutan ko
lahat ng ito ikaw lang bumubuo.

sabi ko,
patas pa ba ako?
sayo
sa sarili ko

kasi iniisip ko, mahal na mahal parin kita kahit iba na ang ritmo ko.
pero sabi ko sa sarili ko,

hindi ako bibitaw kasi minahal kita ng husto.

pero hindi pala,
nung araw na sinabi kong mahal kita,

dun ko napagtanto.

pareho na tayo,

sa tagal ng pagsasama natin dalawang beses tayo nagkasundo.

una, ang pinili nating mahalin ang isat isa
pangalawa, ay ang piliin nating huwag saktan ang isat isa

kasi nung iniwan mo ako sa gitna ng usapan natin kanina
dun ko napagtanto.

hindi na pala natin mahal ang isat-isa.
June 20, 2018 - huli na to promise. lord thank you.

— The End —