Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Nov 2017
“Whatever satisfies the soul is truth”
- Walt Whitman

Sadyang mapaghimagsik ang iyong panulat ‘pagkat nilabag nito ang lahat ng tugma at sukat. Isa kang tunay na rebolusyunaryo sa larangan ng panitikan ng tulaan. Sinalungat mo ang tradisyunal na konsepto ng panulaan. Binigyang laya mo ang galaw ng damdamin upang ganap na kumawala ang tinig ng kaluluwa at sinabi mo na ito nga ang wagas na kahulugan ng tunay na tula. Na ang tunay na tula ay hindi dapat limitahan ng sukat, tugma at ritmo sapagkat ito ang sigaw ng kaluluwa’t damdamin.

Bagama’t hinamak ka nila at inusig noong ikaw ay nabubuhay pa subalit napatunayan mo naman sa lahat na tama ang doktrina mo’t pananaw. Ngayon ikaw ang tinitingala at binabathala ng lahat ng mga makata, ikaw ang itinanghal na ama ng Malayang Taludturan.

Salamat sa Leaves of Grass at Song of Myself kung saan ipinagdiwang mo ang pag-ibig mo sa buhay, kalikasan, kaibigan, pamilya at sa lahat ng mga bagay. Sabi nila bastos daw ang mga tema at paksang iyong tinalakay palibhasa’y nagpakatotoo ka sa iyong sarili at pagsasalarawan ng buhay.

Salamat mahal na **** sa iyong ginintuang pamana sa amin, salamat sa Malayang Taludturan, salamat sa pag-ibig mo sa panuluan. Ikaw na nga talaga ang humalili kina Dante, Homer at Ovido. Mananatili kang buhay sa aming ala-ala mahal na pantas.
JOJO C PINCA Nov 2017
“Yesterday is gone. Tomorrow has not yet come. We have only today. Let us begin.”
― Mother Teresa

May mga panahon sa buhay ko na nasayang, may mga darating pa siguro pero baka hindi ko na maabutan, tanging ang ngayon ang tangan ko sa aking palad. Sisiguraduhin ko na hindi ito masasayang. Gagamitin ko at pagyayamanin ang ngayon ko sapagkat ito lang ang oras na hawak ko. Magsusulat ako ng mga salitang matulain kahit hindi nila ito tanggapin. Kahit ako lang ang tunay na aangkin sa aking simulain. Kahit malalim ang dagat na aking lulusungin kapos man ang bait ito’y aking gagamitin at titimbulanin.

Walang yumayaman sa pagsusulat ng tula at ang buhay ng isang makata sa panukat ng lipunan ay laging salat. Pero wala na akong magagawa napasubo na ako, matagal ko na itong nilimot at tinalikuran subalit para itong isang sumpang anino na laging nakasunod ayaw akong tantanan. Mabuti pa ang nag-uulat sa radyo at telebisyon dahil may nakikinig pero sa sumusulat ng tula bihira lang ang lumilingap. Putang-Ina bakit ba kasi ito pa ang nakahiligan ko?

Siguro dahil dito ako sumasaya, kasi nagagawa kong bigyang tinig ang tahimik kong isipan. Bakit kasi hindi na lang ako naging payak sa lahat ng bagay lalo na sa gawaing pag-iisip? Bakit kasi masyado akong mapagmasid, mausisa at malikhain sa pagsasalarawan ng mga bagay-bagay? Bakit ayaw magpahinga ng aking diwa?

Hindi naman ako magaling sa tugmaan at sa pagkatha ng mga kinakailangang sukat kaya kinalimutan ko na ito. Pero may ulol na bumulong sa akin “ok lang yan may free verse naman e kung hindi mo kaya ipahayag sa tugmaan gamitin mo ang malayang taludturan”. Kaya ito nanaginip na naman ako ng gising at tinatawag ang sarili ko na isang “makabagong makata”. Putang Ina makatang walang pera at laging nangungutang. Buti man lang sana kung makukuha ko kahit ang kalahati ng tagumpay nina Walt Whitman, Amado V. Hernandez, Jose Corazon De Jesus at Francisco Balagtas o kahit na si Emilio Mar Antonio na lang – e tiyak na hindi naman.    

Kanina pa tumatakatak ang tiklado ng aking computer, ayaw ko nang magsulat pero may demonyo na tumutulak sa akin para gawin ito. Ayaw akong patahimikan ng putang-ina. Kaya’t heto ako at nagpupursige parin. Ang makabagong makata ay hindi na muling tatalikod sa tawag ng tulaan. Kahit walang pera magpapatuloy ako kasi dito ako masaya, masaya pero malungkot din. Ewan, madalas hindi ko maintindihan. Hindi ko na muling sasayangin ang natitirang oras ko.
HAN  Oct 2018
ADRIAN
HAN Oct 2018
Kamusta kana?
Ilang taon na ang nagdaan nuong ika'y aking nakilala.
Mahigit kumulang na rin ang luhang lumabas sa aking mga mata
Nuong ako'y iniwan **** nag-iisa.

Nuon pag ika'y naaalala nagwawala dahil sa nadarama.
Ngayon ako'y napapangiti na lamang sa twina.
Akala ko dati ay di ko makakaya,
ngunit heto unting unting sumasaya kahit wala ka.

Mahirap sa umipsa,
Pero nakaya
Mahirap sa umpisa, oo
Parang nilibing at hinampas ng troso.
Ako'y litong lito
hindi alam kung bakit ganito
Kung bat nilisan mo...

"Sana pala pinigilan kita
para ngayon para ika'y kasama parin
at nasa tabi ko padin."
Yan ang aking hiling sa unang linggong
ika'y hindi kapiling.
Ako'y humihiling sa bituin na sana ika'y bumalik sa akin
Ngunit tila ba'y hangin ang sumagot at hindi ako pinansin.

Mahal wag mag-alala
kasi kaya ko na ang mag-isa at wala ka.
Mas malakas na ako
kaysa sa dating nakilala mo.
Hindi na ako umiiyak pagnag-iisa
Mas kaya ko na.

Alam mo minsan ang ang tanong sa sarili ko
"paano kaya ikaw parin ay nandito?"
"Magiging kompleto kaya ang araw ko?"
Pero ang sagot ng isip at puso
"Mas mabuting ika'y nilisan kaysa minahal sa kasinungalingan.
Naging malakas ka nang ikaw ay iniwan.
Naging makata ka paminsan minsan."
Kaya alam ko sa sarili na mas maayos na na ako'y iyong binabayaan
Pero mas masaya at buo parin ang aking puso kong hindi mo iniwan sa kadiliman.

Sana, iyong malaman na ika'y aking minahal ng lubusan,
"Huwag **** pabayaan ang iyong kalusugan"
Aking huling habilin bago ka lumisan.

Tinanong ko parin ang aking sarili minsan,
"Ako ba'y may pagkukulang? O sadyang ako lang ang nagmahal sa aming pag-iibigan?"
Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan pag alaala ay naalala paminsan-minsan.
Ngunit lahat ng yon ay di mo masasagot at aking  na lamang dinagdag sa tulaan.

Lahat na ata'y aking nakwento sa tulang ito.
Ito, itong tula na ito ang tanging paraan upang malaman mo
Ang pagdurusang pinagdaanan ko
nang mawala ka sa piling ko.
Ang mga pangakong binitawan mo
para bang naglaho
Pero kahit masakit ang ginawa mo
Hindi kita masisisi sa pagkukulang nagawa ko
Hindi ko masisi ang tadhana kung hindi tayo para sa dulo.

Kahit na ganito, ikaw ang nagparamdaman ng pagmamahal
Kaya hindi ko kita malimut-limutan kahit tila ba'y ako ay sinasakal.
Sadyang ikaw lamang ay minahal
kahit na isang malaking sampal
na ako'y iyong iniwang luhaan at puso'y nagdurugo sa daan
na kahit pa'y ikaw ay may iba ng mahal
kahit pa na naubusan na ang luha at letra sa aking isipan.

At heto ako ipinagdiriwang ang ating kaarawan kung saan nagsimula ang ating pagmamahalan.
Sana'y iyong malaman,
na ako'y hindi nakakalimot sa ating tagpuan at mga kasiyahan.
Sana rin iyong malaman,
ang pangalan ng ating anghel ay Adrian.
Domina Gamboa  Mar 2018
WAKAS
Domina Gamboa Mar 2018
Wala na ang mga paru-paro sa tiyan.
Naglaho sila nang hindi ko namamalayan.
Kilig ay hindi na rin maramdaman.
Hindi na kita kinasasabikan.

Ano ba ang nangyari?
Napagod na ang puso.
Hindi ko na mawari.
Isip ko’y gulung-gulo.

Ang dating gigil na puso,
Ngayo’y parang lantang halaman.
Ang dating sabing sa iyo,
Ngayo’y parang hindi nga naman.

Susulat sulat ng tulaan,
Mauuwi rin pala sa iwanan.
Nagsawa, napagod, nahirapan,
Namanhid, napuno, hindi na lumaban.

Tapos na, ito na ang dulo.
Ito na ang huling tula para sa’yo.
Sana palayain mo na ako.
Gaya ng paglaya ng mga paru-paro.
Falling out. Being tired.

— The End —