Tangan ang mga halik mo Sa aking palad umaagos Ang damdamin minsan ay umalab Parang sigarilyong nauupos Dahan-dahang nauubos Kaya nga bang balikan ang kahapon Binaon na natin sa kahon Katulad ng mga dahon Nalanta at di na makaahon Kaya pa nga bang ibalik ang kahapon Sa saliw ng mga puso natin Ngayon ay uhaw sa pagsintang Naudlot ng pagkakataon