baka hindi niya na nakayanan ang init at hirap ng araw-araw na buhay, o baka nalason na siya sa usok na binibuga ng mga mabahong mekanismo. baka siya'y basta lang nalulumbay. kung magdamag mo ba namang panoorin ang mundo at ang mga tao tiyak, malulungkot ka rin. 'di kaya nasaktan siya kasi hindi mo na raw siya pinapansin? siya'y nagpaayos at nagpaganda; nakapustura pa naman siya sa isang kumikinang na bughaw na bistida pero hindi pa rin iyon sapat para mabihag ang iyong tingin, kahit man lang isang silip.
umiyak si Langit maghapon at 'di ko mapigilang itanong kung bakit. sinamahan ko siya at baka sakaling siya'y tumahan na. hinandugan ko rin siya ng isang munting ngiti. naisip ko lang na baka makatulong iyon sa pagbalik ng kanyang liwanag muli. binulungan ko siya ng isang sikreto, isang sigaw ng aking puso "anuman ang iyong kulay ang dilag mo ay kabighabighani kaya lubos kitang minamahal, aking panghabangbuhay na kaibigan, Langit"