Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran Ay gayundin nya inalis sa atin ang ating mga kasalanan.
Para sa mga taong akala nilang mag isa silang lumalaban Sa mga taong tumatakbo’t napapatid ng kadiliman Sa mga taong naghahagilap ng katotohan.
Sino nga ang ba ang tunay na saksi ng ating mga kamalian? Tayo ba’y tinutulak ng mundo papalayo sa liwanag? O tayo yung nananatiling tapat sa kabila ng mga kaguluhan?
Marahan ang pag ihip ng hangin kung saan tayo’y patungo sa mga bituin Ngunit ang araw ay sasapit na ang Liwanag ay bubulag Sa harapan at walang pasabi na Sya ay darating.
At kahit pa anong gawin natin sa mundong patikim lamang, Sana alam natin kung saan nga ba tayo nakatingin Pagkat tumatakbo tayo papalayo, naghihilaan pababa at pataas.
Kailan ba tayo mananahimik at kusang magpaubaya ng lakas? Nang ang lahat ng ating alinlangan, sana’y makaya nating mawaksian Pagkat sa nalalabing mga oras, tayo ri’y mahuhusgahan.