Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Patungo Sa'yo

#072821 Hayaan Mong magsimula ako Kung saan ang mga salita'y wala pang ugat Kung ang lahat ng salitang ibinibigkas, Ipinipintig ng puso't damdamin Ay nagmumula Sa'yo. Gusto kong sabihin Sa'yo nang harapan Lahat ng nararamdaman Gusto kong sambitin Yung bawat tugma ng salita Na pilit na kumakapit, kumakalas, gustong kumawala Sa katauhan kong hindi alam Kung saan nga ba papunta. Hindi ko masilayan kung saan nga ba ang mga bituin Ngunit siguro ako na ang Norte'y mararating din. Sa paglalakad ko, Patuloy na nangungusap ang Iyong mga matang Hindi ko pa nasisilayan. Ang mga mata Mong luha'y ibinubuhos ng kalangitan At sa bawat pagpatak nito'y Pilit kong iniaabot ang bawat butil At sinasabi ko sa sariling, "Balang araw, wala ng luhang matitira pa." Maging sa pagkilos ng mga bituin At pag-ihip ng hangin, Ay masasabi kong panandalian lamang ang mga ito. Wala Akong gusto at iba pang hangarin Kundi paliwanagin ang mga nakikita ng iyong mga mata. Gusto Kong patuloy kang tuamakbo, Patuloy kang mangarap Kahit na pakirtamdam mo'y ikay nag-iisa. Ngunit sa paniniwala mong iyon Ay dahan-dahan Kitang aakayin at tutulungan -- Tutulangan papunta.. Patungo tayo Sa pangarap Kong laan sa'yo. At kung Ako.. Kung Ako man ang pinipili mo, Hayaan mong ika'y bihisan ko -- Bihisan nang walang pag-aalinlangan. Yung pag-aalinlangan mo sa sarili mong hindi mo kaya, Yung pag-aalinlangan mong wala nang pag-asa, Na 'yung sinimulan mo noo'y tapos na. Pagkat sa bawat pahina, sa bawat letrang inihahagis sa Akin patungo sa'yo Na para bang ito'y pulang laso Na patuloy Kong ikinakabit sa puso mo -- Sa puso mong patuloy na lumalayo.. Patuloy na nanganagmba Sa kinabukasang hindi mo naman makita. At sa kurtina ng Liwanag Kung saan masisilayan ang tronong kumikintab Ginto at pilak at kung anu-ano pang makikinang ay balewala Pagkat sa presensya Mo'y tanging lahat Ay masasabi kong may lunas na. Ang liwanag ng Iyong pagtitiwala sa akin Ay nasilayan ko na. Salamat, salamat Ama. Salamat Panginoong Hesus Dahil sa krus tayo'y nagtagpo. Patungo ako, tumatakbo sa kung saan man -- Sa kung saan mang lupalop na hindi ko maintindihan Na lahat ng bagay sa mundo'y patuloy na dumadampi sa akin Patuloy na pinipilit na sila yung makita 'ko. Na sila 'yung magliwanag sa mga paningin ko. Ngunit sa pagku-krus ng ating landas, Ay masasabi kong, "Masaya ako, guminhawa ang buhay ko," Yung pangarap Mo, sana ay pangarap ko na rin.. Yung kagustuhan Mo, sana magustuhan ko rin.. Sa na'y maisunod ko ang mga yapak ko.. Patungo Sa'yo.
Request permission to use this poem
Written by
psalmiseta
33 / F / Dubai
Published
Jul 30, 2021
Lines·Words
82·414
Notes

Nagsimula akong mag-record ng spoken word poetry after devotion.

Lahat impromptu; lahat random at kung ano lang ang masambit ko. Yun na yun. Salamat, Panginoon!

Tags
#tagalog#poetry#life#jesus#words#tula#poet#poem
Permission

Request to use this poem

Tell psalmiseta how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write