Sa panandaliang pagtigil ng mundo, Hindi mapigilan ang mga tanong sa isipan, Na para bang mga sasakyan sa EDSA, Buhol buhol at walang kaayusan.
Ang mapait na naranasan ay iiwan na sa nakaraan, Akapin ang kasalukuyan at kinabukasan, Patawarin ang sarili sa nagawang kasalanan, Bitawan ang sakit na nararamdaman,
Hindi para sakanya at hindi rin para sa iba, Para sa'yo; Para tuluyan ka nang sumaya, Mga gabing puro luha at kalungkutan, Balutin sana ng umagang puno ng kasiyahan.
Nawalan ka man ng kaibigan o kasintahan, Mga memoryang hanggang isipan nalamang, Pulutin at dalhin sa susunod na kwento, Dahil sadyang may mga kabanata na hindi para sa'yo.