sa ilalim ng mga ngiti sa aking labi, ay may nakatagong lungkot at pighati, naguguluhan sa mga desisyong pinipili, patuloy na pagku-kuwestiyon sa sarili.
pilit inaalam kung ako ba'y may importansya, sa mga taong tinulungan kong magkaroon ng pag-asa, lubos ang pagbibigay at aking isinakripisyo, ngunit bakit tila wala naman yatang epekto?
pipilin lamang sa oras ng pangangailangan, babalewalain sa oras na hindi mabigay ang kanilang kailangan, ganito ba talaga ang mundo? kilala ka lang kapag kaya **** ibigay ang kanilang gusto?
hindi nila nakikita ang aking kalungkutan, dahil hindi naman nila gustong malaman, at sino ba naman ako para magreklamo? isang taong tumulong sa kanilang bumagon sa mundong magulo.