Sorry late na ba? Pinaghintay ba kita? Sorry di ako dumating agad Pero sabi mo nga diba Baka kasi di ka pa handa Baka di pa tayo handa? Bakit kailangan ba handa? Di ba sapat na totoo lang Totoo yung nararamdaman? Handa ka ba nung dumating ako? Eh ano naman kung di pa ko matino? Handa naman ako magbago para sayo alam nating wala namang magbabago Alam nating di na mababalik yun Nanghihinayang lang ako Napapaisip lang ako Na parang ang saya kung dati pa Kung noon pa kita nakilala Tingin mo? Pero sana tama ka nga Na hinanda tayo ng tadhana Napaisip nga ako na baka nga Dumating ako nung hinahanap mo ako At di mo lang alam na ako na pala Ang galing no? Sinagot na pala yung hiling mo Ibinigay sayo nung birthday mo Di mo lang alam binigay na pala Ako? Di ko inakalang makikita ko Yung babaeng pinapangarap ko Kumatok na lang bigla Nung mag-bi-birthday ako Na parang sinadya ng tadhana Yung panahong palayo na ko sayo Ang galing no? Hina natin umintindi no? Pero tinulak pa rin tayo Hanggang makita na natin Makita yung hinahanap natin Makita yung taong mamahalin natin