Nagmahal ako minsan ng isang taong hindi mahilig sa tula, Ng mga matang di mahilig sa malalalim na salita Ng mga tenga na hindi mahilig makinig sa mga tugma
Nagmahal ako minsan ng mga labi na may matatamis na ngiti Ng mga lumalabas na salitang nakakabighani Ng mga mabubulaklak na kasinungalingan na masarap sa pandinig At oo, nagmahal ako ng mapaglinlang na bibig
Nagmahal ako minsan ng mga kamay na hindi ko nahawakan Ng mga haplos na hindi manlang naramdaman Ng mga daliring hindi kamay ko ang hanap Ng mga bisig na hindi ako nayakap
Nagmahal ako minsan ng isang taong hindi ako ang pinili Ng mga mata na sa iba nakatingin Ng mga tenga na sa iba nakikinig Ng pusong hindi ako minahal