Ang mabuti sa akin ay masama sa’yo Ang nagpatawa sa akin ay nagpaiyak sayo Ang simula ko ay siya mo namang dulo Ang pakanan ko ay pakaliwa naman sa’yo
Bakit nga ba kailangang magkaiba pa tayo? Ikaw at ako na kapwa Pilipino Hanggang saan tayo dadalhin ng kanya-kanyang paniniwala? Hanggang kailan tayo paghihiwalayin Ng ‘’ikaw ang mali at ako ang tama’’.