Anim na taon, Anim na taon ka ng nagpahinga Dahil sa takot na ‘dinulot ng iyong nakaraan Pinilit **** bumangon at magpasya Para manatiling buo kahit wala na s’ya
Ang bawat gabi at umaga Ang pinili **** makasama Dahil sila'y hindi magbabago kailanman Di tulad ng iyong sininta na nagsabing Hanggang dulo'y walang iwanan Pero ngayon siya ay nasaan?
Anim na taon, Anim na taon **** pinili na mag-isa Dahil nakakulong ka pa rin sa kayraming pangamba Na baka may dumating muli at maging mundo mo sya Tapos isang araw ay gigising ka na namang nag-iisa
Sapat na ba ang anim ng taon? Upang palayain ka na sa tanikala ng kahapon Sapat na ba ‘yon upang lumigaya ka na ngayon?. Sapat na ba yun upang muli **** hayaan na may isang tao na muling mag may-ari ng iyong daigdig? Sapat na ba ang anim na taon para muli kang huminga at pumintig? O puso,araw mo ngayon, Pasensya ka na sa anim na taon..