Walang kasiguraduhan, ako, sa'yo ay sumugal Nais ko ay kasiyahan, ngunit puso ko'y napagal Ilang taong maghihintay sa b u o **** pagmamahal? Ilang luha iaalay, para sa'yo aking mahal?
Isipang puno ng pait, pusong puno ng pag-ibig Pagluha, saya, at galit, ano nga bang mananaig? Tagal ng pinagsamahan, ‘di madaling kalimutan Anong dapat asahan kung tayo'y nagkakasakitan?
Wala na nga bang katapusan itong mga sisihan Magturuan sa kung sino ang dapat na parusahan Isa, dalawa, tatlo, ilang beses na nangyari ‘to? Aabot ba hanggang dulo, o mananatili dito?
Ninais kong kalimutan, masakit na nakaraan Hangad ko ‘yong katapatan, tiwala ko'y alagaan! Ngunit ano bang gagawin, kung sya ay di pa “raw” handa Gusto bang ika'y hatawin pa upang ika'y magtanda?
Mahal, alam ko namang ika’y tuluyang magbabago Sa ilang pagkakataon, sana’y wag akong mabigo Dahil ako ay tao lang, napapagod sa kalbaryo Puso kong nagtamo ng sugat, napuno na ng kalyo
Naniniwala, na sa huli tayo'y ‘di mawawala Seryosohin lang sana itong aking mga babala Sa pag-ibig, tayo man ay magkaiba ng konteksto ‘Wag mo lang sana hayaan ang puso ko'y maging bato!