sa bawat minutong lumilipas tila may pagkakataong napakabilis ngunit pasakit dibdib ang pagkabagal Ang paligid ay nagmimistulang kawalan Hindi napapansin sa kahihintay paghintay sa oras na muli kang mangusap paghintay sa pagasang magtatagal lahat paghintay sa katagang "babalik" lahat Lumilipas ang gabing puno ng katahimikan tanging pagbigkas mo lamang ang siyang gigising sa diwa Subalit tila ang paghintay ay walang patutunguhan Hanggang sa unti unting nang sumuko pagasa'y nawala paghihintay ay natigil hiling ay naglaho