Kabiyak -- Yan sana ang pinag-iipunan ko Dyan ko sana ihahanay ang "Ikaw" Sa larawang hinayaan kong mabuo.
Buo -- Hindi ako buo Alam kong Siya ang bubuo sa ating dalawa Bubuo sa magkalayong Ikaw at Ako Sa pinaglayong Tayo.
Kapareha -- Par ba ang labanan sa baraha nating dalawa? Parehas nga ba ang lihim na pagsinta? O sadyang -- Pares lamang tayo Para punan ang pagkukulang ng bawat isa.
Kalahati -- Kalahati ng buhay ko'y siyang pinagbuksan ko para sayo Ni hindi ako umibig ng iba Wala kang kahati sa puso ko Siya ang nasa tuktok Pero ikaw ang panalangin ko.
Mabubuo ba ang Tayo Kung tanging Ako na lang? Kung ang sanang kahati'y nakalimot na parte pala sya -- Parte pala sya ng kabuuan Oo, parte ka ng buhay ko.
Kapiranggot na pagtingin, Kalahati ang Ikaw Kalahati ang Ako Siya ang Kabuuan ng parteng Ikaw at Ako -- Paano? Paano ang Tayo? Kung ngayo'y **nagkanya-kanya na ang sanang Tayo.