Inaantay ko ang takipsilim kung kailan nagtatagpo ang araw at ang karagatan at unti-unting lumalabas ang buwan at mga bituin
inaantay ko ang dilim kung kailan mararamdaman ko ang marahang paghalik ng balat mo sa balat ko kung kailan inuungkat ng mga daliri mo ang lahat ng sikreto ng katawan ko
Dito sa maliit na papag, sa ilalim ng mga dahon, at mga tagpi-tagping kahoy, sa tabi ng dalampasigan isinayaw mo ko isinasayaw mo ako at sana isayaw mo ako
Ituro mo muli sa akin ang bawat hakbang dito sa indayog na walang musika kundi ang dwelo ng ating mga dila, ang mabibilis na paghinga, at mga impit na sigaw.
wag **** tapusin dalhin mo ako sa isang paglalakbay kung saan mas kailangan ko ang mga kamay at mga mata mo kaysa sa aking mga paa
at pag narating na natin ang rurok ng kaligayahan mahal, halikan mo ang aking mga balikat iparamdam mo sakin ang init na hindi naibibigay ng mga tela ibulong mo sakin ang mga bituin at buwan at ipikit natin ang ating mga mata sa muling pag-ahon ng araw.